Mga Awit 31
Ang Biblia (1978)
Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.
31 Sa (A)iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
3 (B)Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
(C)Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
4 (D)Hugutin mo ako sa (E)silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan.
5 (F)Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.
6 Aking pinagtataniman ang nangagmamasid ng mga walang kabuluhang karayaan:
(G)Nguni't tumitiwala ako sa Panginoon.
7 Ako'y matutuwa at magagalak sa iyong kagandahang-loob:
Sapagka't iyong nakita ang aking kadalamhatian:
Iyong nakilala ang aking kaluluwa sa mga kasakunaan:
8 At hindi mo (H)kinulong sa kamay ng kaaway;
(I)Iyong inilagay ang aking mga paa sa maluwag na dako.
9 Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't ako'y nasa kahirapan:
Ang aking mata ay namumugto sa kapanglawan, oo, ang aking kaluluwa, at aking katawan.
10 Sapagka't ang aking buhay ay napupugnaw sa kapanglawan,
At ang aking mga taon ay sa pagbubuntong hininga:
Ang aking lakas ay nanglulupaypay dahil sa aking kasamaan,
At ang (J)aking mga buto ay nangangatog.
11 Dahil sa lahat ng aking mga kaaway ay naging kaduwahagihan ako,
Oo, (K)lubha nga sa aking mga kapuwa,
At takot sa aking mga kakilala: (L)Silang nangakakita sa akin sa labas ay tinakasan ako.
12 (M)Ako'y nilimot sa pagiisip na parang patay na tao:
Ako'y parang basag na sisidlan.
13 (N)Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami,
Kakilabutan sa bawa't dako.
Samantalang sila'y (O)nagsasangguniang magkakasama laban sa akin,
Kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
14 Nguni't tumiwala ako sa iyo, Oh Panginoon:
Aking sinabi: Ikaw ay aking Dios.
15 Ang aking mga kapanahunan ay nasa (P)iyong kamay:
Iligtas mo ako sa kamay ng aking mga kaaway, at sa mga nagsisiusig sa akin.
16 (Q)Iyong pasilangin ang iyong mukha sa iyong lingkod:
Iligtas mo ako ng iyong kagandahang-loob.
17 Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo:
Mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa sila sa Sheol.
18 Matahimik nawa ang mga sinungaling na labi;
Na nangagsasalita laban sa matuwid (R)ng kalasuwaan,
Ng kapalaluan at paghamak.
19 (S)Oh pagkadakila ng iyong kabutihan,
Na iyong iningatan para sa kanila na nangatatakot sa iyo,
Na iyong ginawa sa kanila na nagsisipagkanlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao!
20 Sa lihim ng iyong harapan ay iyong ikukubli sila sa mga banta ng mga tao:
(T)Iyong iingatan silang lihim sa kulandong mula sa mga talas ng mga dila.
21 Purihin ang Panginoon:
Sapagka't (U)ipinakilala niya sa akin ang kaniyang kagilagilalas na kagandahang-loob (V)sa isang matibay na bayan.
22 (W)Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking pagmamadali,
(X)Nahiwalay ako sa harap ng iyong mga mata:
Gayon ma'y dininig mo ang tinig ng aking mga pamanhik,
Nang ako'y dumaing sa iyo.
23 (Y)Oh ibigin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga banal niya:
Pinalalagi ng Panginoon ang tapat,
At pinanghihigantihang lubos ang manggagawang palalo.
24 (Z)Kayo'y mangagpakalakas, at mangagdalang tapang ang inyong puso,
(AA)Kayong lahat na nagsisiasa sa Panginoon.
Psaumes 31
La Bible du Semeur
J’ai mis ma confiance en l’Eternel
31 Au chef de chœur. Psaume de David.
2 C’est en toi, Eternel, ╵que je cherche un refuge.
Que jamais cela ne tourne à ma confusion !
Toi qui es juste, ╵délivre-moi[a],
3 tends l’oreille vers moi !
Viens vite ! Viens me délivrer !
Sois pour moi un rocher ╵entouré de murailles, ╵une solide forteresse
où je trouverai le salut !
4 Oui, tu es pour moi un rocher, ╵et une forteresse :
à cause de ce que tu es, ╵toi, tu me guideras ╵et tu me conduiras.
5 Du piège que l’on m’a tendu ╵tu me feras sortir,
puisque tu es ma forteresse.
6 Je remets mon esprit ╵entre tes mains[b],
tu m’as libéré, Eternel, ╵toi, le Dieu véritable.
7 Je les hais, tous ceux qui s’attachent ╵à des idoles de néant ;
je me confie en l’Eternel.
8 Ton amour me fait jubiler, ╵il me remplit de joie
puisque tu as vu ma misère,
que tu as porté attention ╵à ma grande détresse.
9 Tu ne m’as pas abandonné ╵au pouvoir de mes ennemis,
et tu m’as mis au large.
10 Aie pitié de moi, Eternel, ╵je suis dans la détresse,
le chagrin me ronge les yeux, ╵l’âme et le corps entier.
11 Ma vie se consume en tourments,
mes années en gémissements.
Les forces m’abandonnent ╵à cause de ma faute[c]
et mon corps dépérit.
12 A cause de mes ennemis, ╵je dois porter l’opprobre,
de mes voisins, je suis la honte
et je fais peur ╵à ceux qui me connaissent.
Ceux qui me croisent en chemin ╵s’écartent loin de moi[d].
13 Ils m’ont rayé de leur mémoire : ╵me voilà comme un mort,
je suis comme un objet perdu.
14 J’entends toutes les médisances ╵que l’on répand à mon sujet.
Autour de moi, c’est la terreur :
ils se concertent contre moi,
ils forment des complots ╵pour m’enlever la vie[e].
15 Mais moi, ô Eternel, ╵je me confie en toi.
Je dis : « Tu es mon Dieu ! »
16 Mes destinées sont dans ta main.
Délivre-moi ╵de la main de mes ennemis, ╵car ils s’acharnent contre moi.
17 Regarde-moi avec bonté : ╵je suis ton serviteur !
Viens me sauver dans ton amour !
18 Que je ne sois pas dans la honte, ╵ô Eternel, quand je t’invoque,
mais que les méchants soient honteux
et réduits au silence ╵dans le séjour des morts !
19 Qu’ils soient rendus muets ╵tous ces menteurs aux lèvres fausses
qui parlent avec arrogance ╵contre le juste,
avec orgueil, avec mépris.
20 Combien est grande la bonté
que tu tiens en réserve ╵en faveur de ceux qui te craignent,
et que tu viens répandre, ╵sur ceux qui s’abritent en toi,
au vu de tous les hommes.
21 Auprès de toi, ╵tu leur donnes un refuge ╵loin des machinations des hommes.
Tu les préserves dans ta tente ╵des langues médisantes.
22 Béni soit l’Eternel,
car il m’a témoigné ╵son merveilleux amour
lorsque je me trouvais ╵dans une cité assiégée.
23 Désemparé, je me disais :
« Il ne se soucie plus de moi. »
Mais tu m’as entendu ╵quand je te suppliais,
quand je t’appelais à mon aide.
24 Soyez remplis d’amour ╵pour l’Eternel, ╵vous qui lui êtes attachés !
L’Eternel garde ╵ceux qui lui sont fidèles,
mais il punit sévèrement ╵les arrogants.
25 Soyez forts et prenez courage,
vous qui vous attendez ╵à l’Eternel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
