Mga Awit 21
Ang Biblia (1978)
Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
21 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At (A)sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2 Ibinigay mo sa kaniya (B)ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 (C)Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang (D)putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4 Siya'y humingi ng (E)buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
(F)Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay (G)dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6 Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
(H)Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7 Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay (I)hindi siya makikilos.
8 Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 (J)Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng (K)apoy.
10 (L)Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila,
(M)Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Tehillim 21
Orthodox Jewish Bible
21 (For the one directing. Mizmor Dovid) Melech shall have simcha in Thy strength, Hashem; and in Thy Yeshuah (salvation) how greatly shall he rejoice!
2 (3) Thou hast given him the desire of his lev, and hast not withheld the request of his lips. Selah.
3 (4) For Thou meeteth him with the birkhot tov; Thou settest an ateret of pure gold on his head.
4 (5) He asked Chayyim of Thee, and Thou gavest it him, even length of yamim olam va’ed [see 1C 15:4; Ps 16:10];
5 (6) Gadol is his kavod in Thy Yeshuah (salvation); hod v’hadar hast Thou bestowed upon him.
6 (7) For Thou hast made him birkhot forever; Thou hast made him exceeding glad with simcha in Thy presence.
7 (8) For HaMelech trusteth in Hashem, and through the chesed of Elyon he shall not be moved.
8 (9) Thine yad shall find out all thine enemies; thy right hand shall find out those that hate thee.
9 (10) Thou shalt make them like an oven of eish in the time of thine presence; Hashem shall swallow them up in His wrath, and the eish shall devour them.
10 (11) Their fruit shalt Thou destroy from ha’aretz, and their zera from among Bnei Adam.
11 (12) For they intended ra’ah against Thee; they devised a plot, which they are not able to perform.
12 (13) Ki (therefore) shalt Thou make them turn their backs, when Thou shalt aim Thine bowstrings at their faces.
13 (14) Be Thou exalted, Hashem, in Thine Own Strength; so will we sing and praise Thy gevurah (power).
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 2002, 2003, 2008, 2010, 2011 by Artists for Israel International
