Mga Awit 141
Ang Biblia (1978)
Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: (A)magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 (B)Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
(C)Ang pagtataas ng aking mga kamay na (D)parang hain sa kinahapunan.
3 (E)Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At (F)huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 (G)Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto (H)ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka't ang mga mata ko'y (I)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako (J)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (K)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Mga Awit 141
Ang Biblia, 2001
Awit ni David.
141 Tumatawag ako sa iyo, O Panginoon; magmadali ka sa akin!
Pakinggan mo ang tinig ko, kapag ako'y tumatawag sa iyo.
2 Ibilang(A) mo ang aking dalangin na parang insenso sa iyong harapan,
at ang pagtataas ng aking mga kamay ay handog sa kinahapunan.
3 Maglagay ka ng bantay sa aking bibig, O Panginoon.
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi!
4 Huwag mong ihilig ang aking puso sa anumang masama,
na ako'y gumawa ng masasamang gawa,
na kasama ng mga taong gumagawa ng masama,
at huwag mo akong pakainin ng masasarap na pagkain nila.
5 Sugatan nawa ako ng matuwid sa kagandahang-loob at sawayin niya ako,
ito'y langis sa ulo;
huwag nawang tanggihan ng aking ulo,
sapagkat ang aking panalangin ay laging laban sa kanilang mga gawang liko.
6 Ang kanilang mga hukom ay inihagis sa mga tabi ng malaking bato,
at kanilang diringgin ang aking mga salita
sapagkat sila ay maiinam.
7 Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa,
gayon ang kanilang mga buto sa bibig ng Sheol ay ikakalat.
8 Subalit ang mga mata ko, O Panginoong Diyos, sa iyo'y nakatuon;
sa iyo ako nanganganlong; huwag mo akong iwang walang kalaban-laban!
9 Iligtas mo ako sa patibong na para sa akin ay kanilang inilagay,
at mula sa mga bitag ng mga manggagawa ng kasamaan!
10 Mahulog nawa ang masasama sa kanilang sariling mga lambat,
habang ako naman ay tumatakas.
Awit 141
Ang Dating Biblia (1905)
141 Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: magmadali ka sa akin: pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo; ang pagtataas ng aking mga kamay na parang hain sa kinahapunan.
3 Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig; ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay, na gumawa sa mga gawa ng kasamaan na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan: at huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo; huwag tanggihan ng aking ulo: sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato; at kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka't ang mga mata ko'y nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon: sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin, at sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating. Habang ako'y nakatatanan.
Salmo 141
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Panalangin para Ilayo sa Kasamaan
141 Panginoon, tumatawag ako sa inyo; agad nʼyo akong tulungan.
Dinggin nʼyo ang panawagan ko sa inyo.
2 Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso,
ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.[a]
3 Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.
4 Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito.
Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.
5 Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid,
dahil ginagawa nila ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin.
Itoʼy parang langis sa aking ulo.
Pero sa masasamang tao ang lagi kong panalangin ay laban sa kanilang masasamang gawain.
6 Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin,
maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.
7 Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natin katulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.”
8 Panginoong Dios, akoʼy lumalapit sa inyo.
Hinihiling ko sa inyo na ingatan nʼyo ako,
huwag nʼyong hahayaang akoʼy mamatay.
9 Ilayo nʼyo ako mula sa mga bitag na inilaan sa akin ng masasamang tao.
10 Sila sana ang mahulog sa sarili nilang bitag, habang ako naman ay makakaiwas doon.
Footnotes
- 141:2 handog panggabi: Ginagawa ito kapag lumubog na ang araw.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
