Add parallel Print Page Options

Si Yahweh at ang Piniling Hari

Isang Awit na katha ni David.

110 Sinabi(A) ni Yahweh,
sa aking Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”

Magmula sa dakong Zion,
ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;
“At lahat ng kaaway mo'y
sakupin at pagharian,” gayon ang kanyang utos.
Sasamahan ka ng madla,
kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;
magmula sa mga bundok,
lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

Si(B) Yahweh ay may pangako
at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago:
“Ikaw ay pari magpakailanman,
ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

Si Yahweh ay naroroong
nakaupo sa kanan mo, at kapag siya ay nagalit,
ang lahat ng mga hari ay tiyak na malulupig.
Siya'y hukom na hahatol
sa lahat ng mga bansa; sa labanang walang puknat,
marami ang malalagas!
Sapagkat ang mga hari'y lulupigin niyang lahat.
Sa batis sa lansangan,
itong hari ay iinom, at sisigla ang katawan;
sa lakas na tataglayin, matatamo ang tagumpay.

'Awit 110 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Awit ni David.

110 (A)Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon,
Umupo ka (B)sa aking kanan,
(C)Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Pararatingin ng Panginoon (D)ang setro ng iyong kalakasan (E)mula sa Sion:
Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
Ang bayan mo'y naghahandog na kusa
Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan:
Mula sa bukang liwayway ng umaga,
Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.
(F)Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi,
(G)Ikaw ay (H)saserdote (I)magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni (J)Melchisedech.
Ang Panginoon (K)sa iyong kanan ay
Hahampas sa mga hari (L)sa kaarawan ng kaniyang poot.
Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa,
Kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook;
(M)Siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.
Siya'y iinom (N)sa batis sa daan:
Kaya't siya'y magtataas ng ulo.

110 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.

Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.

Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.

Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot.

Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain.

Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.