Mga Awit 108
Ang Biblia, 2001
Awit ni David.
108 Ang aking puso ay tapat, O Diyos;
ako'y aawit, oo, ako'y aawit
ng mga pagpuri ng aking kaluwalhatian!
2 Kayo'y gumising, alpa at lira!
Aking gigisingin ang madaling-araw!
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon, sa gitna ng mga bayan;
ako'y aawit ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila sa itaas ng mga langit,
ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga ulap.
5 Dakilain ka, O Diyos, sa itaas ng mga langit!
Ang iyo nawang kaluwalhatian ay maging sa ibabaw ng buong lupa!
6 Upang mailigtas ang minamahal mo,
tulungan mo ng iyong kanang kamay, at sagutin mo ako!
7 Ang Diyos ay nagsalita sa kanyang santuwaryo:
“Ang Shekem ay hahatiin ko,
at ang Libis ng Sucot ay susukatin ko.
8 Ang Gilead ay akin; ang Manases ay akin;
ang Efraim ay helmet ng ulo ko;
ang Juda'y aking setro.
9 Ang Moab ay aking hugasan;
sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas;
sa ibabaw ng Filistia ay sisigaw ako ng malakas.”
10 Sinong magdadala sa akin sa lunsod na may kuta?
Sinong maghahatid sa akin sa Edom?
11 Hindi ba't itinakuwil mo na kami, O Diyos?
At hindi ka ba hahayong kasama ng aming mga hukbo, O Diyos?
12 Ng tulong laban sa kaaway kami ay pagkalooban mo,
sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 Kasama ng Diyos ay gagawa kaming may katapangan;
siya ang yayapak sa aming mga kalaban.
Mga Awit 108
Ang Biblia (1978)
Awit, Salmo ni David.
108 Ang aking (A)puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2 Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
3 Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 (B)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga (C)alapaap.
5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6 (D)Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8 Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
9 Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
(E)Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10 Sinong magpapasok sa akin sa (F)bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
(G)At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 (H)Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.
Psalm 108
King James Version
108 O God, my heart is fixed; I will sing and give praise, even with my glory.
2 Awake, psaltery and harp: I myself will awake early.
3 I will praise thee, O Lord, among the people: and I will sing praises unto thee among the nations.
4 For thy mercy is great above the heavens: and thy truth reacheth unto the clouds.
5 Be thou exalted, O God, above the heavens: and thy glory above all the earth;
6 That thy beloved may be delivered: save with thy right hand, and answer me.
7 God hath spoken in his holiness; I will rejoice, I will divide Shechem, and mete out the valley of Succoth.
8 Gilead is mine; Manasseh is mine; Ephraim also is the strength of mine head; Judah is my lawgiver;
9 Moab is my washpot; over Edom will I cast out my shoe; over Philistia will I triumph.
10 Who will bring me into the strong city? who will lead me into Edom?
11 Wilt not thou, O God, who hast cast us off? and wilt not thou, O God, go forth with our hosts?
12 Give us help from trouble: for vain is the help of man.
13 Through God we shall do valiantly: for he it is that shall tread down our enemies.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
