Print Page Options

Bilang Pagpupuri sa Manlalalang

104 Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko!
    O Panginoon kong Diyos, napakadakila mo!
Karangalan at kamahalan ang kasuotan mo,
    na siyang bumabalot ng liwanag sa iyo na parang bihisan;
na gaya ng tabing ay nag-unat ng kalangitan;
    na siyang naglalagay ng mga biga ng kanyang mga matataas na silid sa tubig;
na ginawang kanyang karwahe ang mga ulap,
    na sumasakay sa mga pakpak ng hangin,
na(A) ginagawa niyang mga sugo ang mga hangin,
    at kanyang mga tagapangasiwa ay nagliliyab na apoy.

Iyong inilagay ang lupa sa kanyang saligan,
    upang ito'y huwag mayanig kailanman.
Tinakpan mo ito ng kalaliman na tila isang bihisan;
    ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.
Sa iyong pagsaway ay tumakbo sila,
    sa ugong ng iyong kulog ay nagsitakas sila.
Ang mga bundok ay bumangon, lumubog ang mga libis,
    sa dakong pinili mo para sa kanila.
Ikaw ay naglagay ng hangganan na hindi nila dapat daanan,
    upang ang lupa ay hindi na nila muling matakpan.

10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis;
    ang mga iyon ay umagos sa pagitan ng mga bundok,
11 kanilang binibigyan ng inumin ang bawat hayop sa parang;
    pinapawi ng mailap na asno ang kanilang pagkauhaw.
12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid;
    sila'y nagsisiawit sa mga sanga.
13 Mula sa iyong mga matataas na silid ay dinidilig mo ang mga bundok;
    sa bunga ng iyong mga gawa ang lupa'y busog.

14 Iyong pinalalago para sa mga hayop ang damo,
    at ang pananim upang sakahin ng tao,
upang siya'y makapagbigay ng pagkain mula sa lupa,
15     at ng alak upang pasayahin ang puso ng tao,
ng langis upang paliwanagin ang kanyang mukha,
    at tinapay upang palakasin ang puso ng tao.
16 Ang mga punungkahoy ng Panginoon ay busog,
    ang mga sedro sa Lebanon na kanyang itinanim.
17 Sa mga iyon ay gumagawa ng kanilang mga pugad ang mga ibon;
    ang tagak ay mayroong kanyang bahay sa puno ng igos.
18 Ang matataas na bundok ay para sa maiilap na kambing;
    ang malalaking bato ay kanlungan ng mga kuneho.
19 Ginawa mo ang buwan upang takdaan ang mga panahon;
    nalalaman ng araw ang kanyang panahon ng paglubog.
20 Itinatalaga mo ang kadiliman at ito'y nagiging gabi;
    nang ang lahat ng mga halimaw sa gubat ay gumagapang.
21 Umuungal ang mga batang leon para sa kanilang biktima,
    na naghahanap ng kanilang pagkain mula sa Diyos.
22 Kapag ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis,
    at humihiga sa kanilang mga yungib.
23 Ang tao ay humahayo sa kanyang gawain,
    at sa kanyang paggawa hanggang sa kinahapunan.

24 O Panginoon, napakarami ng iyong mga gawa!
    Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat,
    ang lupa ay punô ng iyong mga nilalang.
25 Nariyan ang dagat, malaki at maluwang,
    na punô ng mga bagay na di mabilang,
    ng maliit at malaking bagay na may buhay.
26 Doon(B) nagsisiyaon ang mga sasakyang-dagat,
    at ang Leviatan na iyong nilikha upang doon ay maglibang.

27 Lahat ng ito sa iyo ay naghihintay,
    upang mabigyan sila sa tamang panahon ng kanilang pagkain.
28 Iyong ibinibigay sa kanila, ito ay kanilang tinitipon;
    iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y napupuno ng mabubuting bagay.
29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangangamba;
    iyong inalis ang kanilang hininga, sila'y namamatay,
    at nagsisibalik sa kanilang pagiging alabok.
30 Iyong isinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nalilikha,
    at iyong binabago ang balat ng lupa.

31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailanman;
    magalak nawa ang Panginoon sa kanyang mga gawa,
32 na siyang tumitingin sa lupa at ito'y nayayanig,
    na humihipo sa mga bundok at ito'y umuusok!
33 Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay;
    ako'y aawit ng papuri sa aking Diyos, habang ako'y nabubuhay.
34 Maging kalugud-lugod nawa sa kanya ang aking pagbubulay-bulay,
    para sa akin, ako'y magagalak sa Panginoon.
35 Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa,
    at mawala nawa ang masama.
O kaluluwa ko! Purihin ang Panginoon.
Purihin ang Panginoon!

'Awit 104 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

104 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan.

Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing:

Na siyang naglalagay ng mga tahilan ng kaniyang mga silid sa tubig; na siyang gumagawa sa mga alapaap na kaniyang karro; na siyang lumalakad sa mga pakpak ng hangin:

Na siyang gumagawa sa mga hangin na mga sugo niya; ang kaniyang mga tagapangasiwa ay alab ng apoy:

Na siyang naglagay ng mga patibayan ng lupa, upang huwag makilos magpakailan man,

Iyong tinakpan ng kalaliman na tila isang bihisan; ang tubig ay tumatayo sa itaas ng mga bundok.

Sa iyong pagsaway sila'y nagsitakas; sa hugong ng iyong kulog ay nagmadaling nagsialis sila;

Sila'y nagsiahon sa mga bundok, sila'y nagsilusong sa mga libis, sa dako mong itinatag ukol sa kanila.

Ikaw ay naglagay ng hangganan upang sila'y huwag makaraan; upang sila'y huwag magsibalik na tumakip sa lupa.

10 Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:

11 Sila'y nagpapainom sa bawa't hayop sa parang; nangagpapatid-uhaw ang mga mailap na asno.

12 Sa tabi nila ay nagkaroon ng kanilang tahanan ang mga ibon sa himpapawid, sila'y nagsisiawit sa mga sanga.

13 Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.

14 Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa:

15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.

16 Ang mga punong kahoy ng Panginoon ay busog; ang mga sedro sa Libano, na kaniyang itinanim;

17 Na pinamumugaran ng mga ibon: tungkol sa tagak, ang mga puno ng abeto ay kaniyang bahay.

18 Ang mga mataas na bundok ay para sa mga mailap na kambing; ang mga malalaking bato ay kanlungan ng mga coneho.

19 Kaniyang itinakda ang buwan sa mga panahon: nalalaman ng araw ang kaniyang paglubog.

20 Iyong ginagawa ang kadiliman at nagiging gabi; na iginagalaw ng lahat na hayop sa gubat.

21 Umuungal ang mga batang leon sa pagsunod sa mahuhuli nila, at hinahanap sa Dios ang kanilang pagkain.

22 Ang araw ay sumisikat sila'y nagsisialis, at nangahihiga sa kanilang mga yungib.

23 Lumalabas ang tao sa kaniyang gawain, at sa kaniyang gawa hanggang sa kinahapunan.

24 Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.

25 Nandoon ang dagat, na malaki at maluwang, na ginagalawan ng di mabilang na mga bagay, ng mga munti at ng mga malaking hayop din naman.

26 Doo'y nagsisiyaon ang mga sasakyan: nandoon ang buwaya na iyong nilikha upang maglibang doon.

27 Lahat ng ito ay nangaghihintay sa iyo, upang iyong mabigyan sila ng kanilang pagkain sa ukol na kapanahunan.

28 Ang iyong ibinibigay sa kanila ay pinipisan nila; iyong ibinubukas ang iyong kamay, sila'y nangabubusog ng kabutihan.

29 Iyong ikinukubli ang iyong mukha, sila'y nangababagabag; iyong inaalis ang kanilang hininga, sila'y nangamamatay, at nagsisibalik sa kanilang pagkaalabok.

30 Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nangalalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.

31 Manatili nawa ang kaluwalhatian ng Panginoon kailan man; magalak nawa ang Panginoon sa kaniyang mga gawa:

32 Na siyang tumitingin sa lupa at nayayanig: kaniyang hinihipo ang mga bundok at nagsisiusok.

33 Aawit ako sa Panginoon habang ako'y nabubuhay: ako'y aawit ng pagpuri sa aking Dios, samantalang mayroon akong kabuhayan.

34 Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.

35 Malipol nawa ang mga makasalanan sa lupa, at mawala nawa ang masama. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Purihin ninyo ang Panginoon.

Papuri sa Dios na Lumikha

104 Pupurihin ko ang Panginoon!

    Panginoon kong Dios, kayo ay dakila sa lahat.
    Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.
Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit.
    At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.
Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan.
    Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan,
    at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.
Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin,
    at ang kidlat na inyong utusan.
Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon,
    kaya hindi ito matitinag magpakailanman.
Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo,
    at umapaw hanggang sa kabundukan.
Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig,
at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan,
    hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.
Nilagyan nʼyo ito ng hangganan, upang hindi umapaw ang tubig,
    para hindi na muling matabunan ang mundo.
10 Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak,
    at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok.
11 Kaya lahat ng mga hayop sa gubat,
    pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.
12 At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13 Mula sa langit na inyong luklukan, ang bundok ay inyong pinapaulanan.
    At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.
14 Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop,
    at ang mga tanim ay para sa mga tao
    upang silaʼy may maani at makain –
15 may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila,
    may langis na pampakinis ng mukha,
    at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.
16 Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy,
    ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.
17 Doon nagpupugad ang mga ibon,
    at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto.
18 Ang kambing-gubat ay nakatira sa matataas na kabundukan.
    Ang mga hayop na badyer[a] ay naninirahan sa mababatong lugar.

19 Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon;
    at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.
20 Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi;
    at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.
21 Umaatungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain na sa inyo nagmumula.
22 At pagsapit ng umaga, bumabalik sila sa kanilang mga lungga,
    at doon nagpapahinga.
23 Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.

24 Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.
    Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan.
    Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.
25 Ang dagat ay napakalawak,
    at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.
26 Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan,
    at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong dragon na Leviatan.
27 Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.
28 Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito,
    at silaʼy nabubusog.
29 Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila;
    at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.
30 Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga,
    at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.

31 Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman.
    Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.
32 Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan.
    Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.

33 Aawit ako sa Panginoon habang nabubuhay.
    Aawit ako ng papuri sa aking Dios habang may hininga.
34 Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay.
    Akoʼy magagalak sa Panginoon.

35 Lipulin sana ang masasama, at ang mga makasalanan sa mundo ay tuluyan nang mawala.
    Pupurihin ko ang Panginoon.

    Purihin ang Panginoon!

Footnotes

  1. 104:18 badyer: sa Ingles, badger.

Salmo 104

Dios cuida de sus obras

104 Bendice, alma mía, al Señor(A).
Señor, Dios mío, cuán grande eres;
Te has vestido de esplendor y de majestad(B),
Cubriéndote de luz como con un manto(C),
Extendiendo los cielos como una cortina(D).
Él es el que pone las vigas de Sus altos aposentos en las aguas(E);
El que hace de las nubes Su carroza(F);
El que anda sobre las alas del viento(G);
Que hace de los vientos Sus mensajeros(H),
Y de las llamas de fuego Sus ministros(I).
¶Él estableció la tierra(J) sobre sus cimientos,
Para que jamás sea sacudida.
La cubriste(K) con el abismo como con un vestido;
Las aguas estaban sobre los montes.
A Tu reprensión huyeron(L),
Al sonido de Tu trueno(M) se precipitaron.
Se levantaron los montes, se hundieron los valles,
Al lugar que Tú estableciste(N) para ellos.
Pusiste un límite que no pueden cruzar(O),
Para que no vuelvan a cubrir la tierra.
10 ¶Él hace brotar manantiales en los valles(P),
Corren entre los montes;
11 Dan de beber a todas las bestias(Q) del campo,
Los asnos monteses mitigan su sed(R).
12 Junto a ellos habitan las aves de los cielos(S),
Elevan sus trinos entre las ramas.
13 Él riega los montes desde Sus aposentos(T),
Del fruto de Sus obras se sacia la tierra.
14 ¶Él hace brotar la hierba(U) para el ganado,
Y las plantas(V) para el servicio del hombre,
Para que él saque alimento de la tierra(W),
15 Y vino(X) que alegra el corazón del hombre,
Para que haga brillar con aceite su rostro(Y),
Y alimento que fortalece el corazón del hombre(Z).
16 Los árboles del Señor se sacian,
Los cedros del Líbano que Él plantó,
17 Donde hacen sus nidos las aves(AA),
Y la cigüeña(AB), cuya morada está en los cipreses.
18 ¶Los montes altos son para las cabras monteses(AC);
Las peñas(AD) son refugio para los tejones(AE).
19 Él hizo la luna para señalar las estaciones(AF);
El sol(AG) conoce el lugar de su ocaso.
20 Tú ordenas la oscuridad y se hace de noche(AH),
En ella andan todas las bestias del bosque(AI).
21 Rugen los leoncillos(AJ) tras su presa,
Y buscan de Dios su comida(AK).
22 Al salir el sol se esconden,
Y se echan en sus guaridas(AL).
23 Sale el hombre a su trabajo(AM),
Y a su labor hasta el atardecer.
24 ¶¡Cuán numerosas son Tus obras, oh Señor(AN)!
Con sabiduría(AO) las has hecho todas;
Llena está la tierra(AP) de Tus posesiones.
25 He allí el mar(AQ), grande y anchuroso,
En el cual se mueve un sinnúmero
De animales tanto pequeños como grandes.
26 Allí surcan las naves(AR),
Y el Leviatán[a](AS) que hiciste para que jugara en él.
27 ¶Todos ellos esperan en Ti(AT)
Para que les des su comida(AU) a su tiempo.
28 Tú les das, ellos recogen;
Abres Tu mano(AV), se sacian de bienes.
29 Escondes Tu rostro(AW), se turban;
Les quitas el aliento[b](AX), expiran,
Y vuelven al polvo(AY).
30 Envías Tu Espíritu(AZ), son creados,
Y renuevas la superficie de la tierra.
31 ¶¡Sea para siempre la gloria del Señor(BA)!
¡Alégrese el Señor en sus obras(BB)!
32 Él mira a la tierra, y ella tiembla(BC);
Toca los montes, y humean(BD).
33 Al Señor cantaré mientras yo viva(BE);
Cantaré alabanzas a mi Dios(BF) mientras yo exista.
34 Séale agradable mi meditación(BG);
Yo me alegraré en el Señor(BH).
35 Sean consumidos de la tierra los pecadores(BI),
Y los impíos dejen de ser(BJ).
Bendice, alma mía, al Señor(BK).
¡Aleluya(BL)!

Footnotes

  1. 104:26 O monstruo marino.
  2. 104:29 O espíritu.