Add parallel Print Page Options

Iba't ibang kawikaang nagkakalaban.

29 (A)Ang madalas na masaway na nagpapatigas ng kaniyang leeg,
Biglang mababali, (B)at walang kagamutan.
(C)Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak:
(D)Nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
(E)Ang umiibig ng karunungan ay nagpapagalak sa kaniyang ama:
(F)Nguni't ang nakikisama sa mga patutot ay sumisira ng kaniyang tinatangkilik.
Ang hari ay nagtatatag ng lupain sa pamamagitan ng kahatulan:
Nguni't ang humihingi ng suhol ay gumigiba.
Ang tao na kunwang pumupuri sa kaniyang kapuwa
Naglalagay ng bitag sa kaniyang mga hakbang.
Sa pagsalangsang ng masamang tao ay may silo:
Nguni't ang matuwid ay umaawit at nagagalak.
Ang matuwid (G)ay kumukuhang alam sa bagay ng dukha:
(H)Ang masama ay walang unawang makaalam.
(I)Ang mga mangduduwahaging tao ay naglalagay ng bayan sa liyab:
Nguni't ang mga pantas na tao ay nagaalis ng poot.
Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang mangmang,
(J)Magalit man o tumawa, ang mangmang ay hindi magkakaroon ng kapahingahan.
10 (K)Ang mangbububo ng dugo ay nagtatanim sa sakdal:
At tungkol sa matuwid, hinahanap nila ang kaniyang buhay.
11 Inihihinga (L)ng mangmang ang buong galit niya:
Nguni't ang pantas ay nagpipigil at tumitiwasay.
12 Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan,
Lahat niyang mga lingkod ay masasama.
13 (M)Ang dukha at ang mamimighati ay nagsasalubong;
Pinapagniningas (N)ng Panginoon ang mga mata nila kapuwa.
14 (O)Ang hari na humahatol na tapat sa dukha,
Ang kaniyang luklukan ay matatatag magpakailan man.
15 (P)Ang pamalo at saway ay nagbibigay karunungan:
Nguni't ang batang binabayaan ay humihiya sa kaniyang ina.
16 Pagka ang masama ay dumadami, pagsalangsang ay dumadami:
(Q)Nguni't mamamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
17 (R)Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan;
Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
18 (S)Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama:
Nguni't (T)siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.
19 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita:
Sapagka't bagaman nalalaman niya ay hindi siya makikinig.
20 Nakikita mo ba ang tao, na nagmamadali sa kaniyang mga salita?
(U)May pagasa pa sa mangmang kay sa kaniya.
21 Siyang maingat na nagpalaki ng kaniyang lingkod mula sa pagkabata,
Magiging anak niya siya sa kawakasan.
22 Ang taong magagalitin ay humihila ng kaalitan,
At ang mainiting tao ay nananagana sa pagsalangsang.
23 (V)Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kaniya:
Nguni't ang may mapagpakumbabang diwa ay magtatamo ng karangalan.
24 Ang nakikisama sa isang magnanakaw ay (W)nagtatanim sa kaniyang sariling kaluluwa:
Siya'y nakakarinig ng sumpa at hindi umiimik.
25 (X)Ang pagkatakot sa tao ay nagdadala ng silo:
(Y)Nguni't ang naglalagak ng kaniyang tiwala sa Panginoon ay maliligtas.
26 Marami ang nagsisihanap ng lingap ng pinuno:
Nguni't ang kahatulan ng tao ay nagmumula sa Panginoon.
27 Ang di ganap na tao ay karumaldumal sa matuwid:
At ang matuwid sa lakad ay karumaldumal sa masama.

'Kawikaan 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

29 Ang madalas na sawayin ngunit ang ulo ay matigas,
    ay biglang mababali, at wala nang lunas.
Kapag ang matutuwid ay namamahala, ang bayan ay nagsasaya,
    ngunit kapag ang masama ay namumuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kanyang ama;
    ngunit ang nakikisama sa upahang babae[a] ay sumisira ng kayamanan niya.
Pinatatatag ng hari ang lupain sa pamamagitan ng katarungan;
    ngunit ginigiba ito ng humihingi ng suhol na sapilitan.
Ang taong kunwari'y pumupuri sa kanyang kapwa,
    ay naglalatag ng lambat sa kanyang mga paa.
Ang masamang tao'y nasisilo sa kanyang pagsalangsang,
    ngunit ang taong matuwid ay umaawit at nagdiriwang.
Alam ng matuwid ang karapatan ng dukha;
    ngunit ang gayong kaalaman ay di nauunawaan ng masama.
Ang mga manlilibak ang sa isang lunsod ay tumutupok,
    ngunit ang matatalinong tao ay nag-aalis ng poot.
Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang hangal,
    magagalit lamang o tatawa ang hangal, at hindi magkakaroon ng katahimikan.
10 Ang mga taong uhaw sa dugo ay namumuhi sa walang sala,
    at ang buhay ng matuwid ay hinahabol nila.
11 Inihihinga ng hangal ang kanyang buong galit,
    ngunit ang matalino ay nagpipigil nang tahimik.
12 Kung ang pinuno ay nakikinig sa kasinungalingan,
    magiging masasama ang lahat niyang tauhan.
13 Ang dukha at ang nang-aapi ay nagkakasalubong,
    ang mga mata nilang pareho ay pinagliliwanag ng Panginoon.
14 Kung ang hari ay humahatol sa dukha nang may katarungan,
    ang kanyang trono ay matatatag magpakailanman.
15 Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan,
    ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan.
16 Kapag ang masama ay nanunungkulan, dumarami ang pagsalangsang,
    ngunit pagmamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
17 Supilin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan;
    ang iyong puso ay bibigyan niya ng kasiyahan.
18 Kung saan walang pangitain, nagpapabaya ang taong-bayan,
    ngunit mapalad ang sumusunod sa kautusan.
19 Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita lamang,
    sapagkat kahit nauunawaan niya ay hindi niya papakinggan.
20 Nakikita mo ba ang tao na padalus-dalos sa kanyang mga salita?
    May pag-asa pa ang hangal kaysa kanya.
21 Siyang nag-aaruga sa kanyang lingkod mula sa pagkabata,
    sa bandang huli ay magiging kanyang tagapagmana.
22 Ang taong magagalitin ay lumilikha ng away,
    at ang mainitin ang ulo ay sanhi ng maraming pagsuway.
23 Ang kapalaluan ng tao ang sa kanya'y magpapababa,
    ngunit magtatamo ng karangalan ang may mapagpakumbabang diwa.
24 Ang kasamahan ng magnanakaw ay namumuhi sa kanyang buhay;
    naririnig niya ang sumpa, ngunit walang ipinaaalam.
25 Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag,
    ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas.
26 Marami ang humahanap ng lingap ng isang tagapamahala,
    ngunit ang katarungan ay sa Panginoon makukuha.
27 Ang masamang tao ay karumaldumal sa matuwid;
    at ang matuwid sa kanyang lakad ay karumaldumal sa masama.

Footnotes

  1. Mga Kawikaan 29:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .