Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Study Bibles + commentaries + Scripture = deeper understanding. Explore Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Read Scripture without ads. Try Bible Gateway Plus.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
FSV
Version
Bible Books Bible Books
FSV
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Mga Hebreo 6  Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version

6 Kaya't tayo'y magpatuloy tungo sa pagiging sakdal at huwag manatili lamang sa mga panimulang aralin tungkol kay Cristo. Huwag nang muling ilagay ang saligan tungkol sa pagtalikod mula sa mga patay na gawa at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, 2 o kaya’y aralin tungkol sa mga bautismo,[a] pagpapatong ng mga kamay, muling pagkabuhay ng mga patay, at walang hanggang kaparusahan. 3 At gagawin natin ito, kung ipahihintulot ng Diyos. 4 Sapagkat ang mga taong dati nang naliwanagan, mga nakalasap ng makalangit na kaloob, at mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu, 5 silang nakalasap ng kabutihan ng salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, 6 kapag tumalikod ay imposible nang panumbalikin sa pagsisisi, sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ng Diyos. 7 Sapagkat tumatanggap ng pagpapala sa Diyos ang lupang umiinom ng ulang madalas na pumapatak dito at tinutubuan ng mga halamang pinakikinabangan ng mga bumungkal. 8 Subalit (A) walang saysay ang lupang tinutubuan ng mga tinik at dawag. Nanganganib itong sumpain at ang wakas nito ay ang tupukin.

9 Ngunit, mga minamahal, bagaman ganito ang sinasabi namin, naniniwala naman kami na kayo at ang tungkol sa inyong kaligtasan ay nasa mas mabuting kalagayan. 10 Sapagkat makatarungan ang Diyos; hindi niya kalilimutan ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita sa paglilingkod ninyo sa mga banal alang-alang sa kanyang pangalan. Ito ay patuloy ninyong ginagawa hanggang ngayon. 11 Ninanais namin na bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding sigasig hanggang wakas upang malaman ninyo ang ganap na katiyakan ng pag-asa. 12 Huwag kayong maging tamad, sa halip ay tularan ang mga taong nagmamana ng mga pangako sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis.

Ang Katiyakan ng Pangako ng Diyos

13 Nang mangako ang Diyos kay Abraham, nanumpa ang Diyos sa kanyang sarili dahil wala na siyang panunumpaan na higit pa sa kanya. 14 Sinabi (B) niya, “Tinitiyak ko na lubos kitang pagpapalain at ang iyong lahi ay aking pararamihin.” 15 Kaya't pagkatapos ng matiyagang paghihintay, tinanggap ni Abraham ang ipinangako. 16 Nanunumpa ang mga tao sa harap ng higit na mataas sa kanila, at ang sumpang binitawan bilang katibayan ay nagpapatibay sa bawat usapin. 17 Kaya, noong ninais ng Diyos na ipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang layunin, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa. 18 Hindi maaaring magsinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. At dahil sa dalawang bagay na ito na di-mababago, tayong nakatagpo ng kanlungan ay magkaroon ng lakas ng loob na panghawakan ang pag-asang nasa ating harapan. 19 Taglay (C) natin ang pag-asang ito bilang tiyak at matibay na angkla ng ating kaluluwa, isang pag-asa na umaabot sa Kabanal-banalang Dako sa kabila ng tabing ng Templo. 20 Doon (D) ay nauna nang pumasok si Jesus alang-alang sa atin, yamang siya’y naging Kataas-taasang Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedek.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 6:2 o paghuhugas.

Cross references

  1. 6:8 : Gen. 3:17, 18
  2. 6:14 : Gen. 22:16, 17
  3. 6:19 : Lev. 16:2
  4. 6:20 : Awit 110:4
Next
Mga Hebreo 5
Mga Hebreo 7
Next
dropdown
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway