Add parallel Print Page Options

23 Pagkalipas (A) ng maraming araw, may mga Judio na nagbalak na siya'y patayin. 24 Kaya't binantayan nila ang mga pintuang-bayan araw at gabi sa pag-aabang kay Saulo upang patayin siya. Ngunit ang kanilang balak ay nalaman ni Saulo. 25 Kinagabihan, kinuha siya ng kanyang mga alagad, inilagay siya sa isang tiklis at ibinaba sa kabila ng pader.

Read full chapter

23 (A)At nang maganap ang maraming mga araw, ay nangagsanggunian ang mga Judio upang siya'y patayin:

24 Datapuwa't napagtalastas ni Saulo ang kanilang banta. At (B)kanilang binantayan naman ang mga pintuang-daan sa araw at gabi upang siya'y kanilang patayin:

25 Nguni't kinuha siya sa gabi ng kaniyang mga alagad, at (C)siya'y ibinaba sa kuta na siya'y inihugos na nasa isang balaong.

Read full chapter