Add parallel Print Page Options

16 Nang makapasok kami sa Roma, ibinigay ng mga kapitan ang mga bilanggo sa pinunong kawal. Ngunit si Pablo ay pinahintulutang mamahay na mag-isa. Kasama niya ang kawal na nagbabantay sa kaniya.

Read full chapter

Si Pablo sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya.

Read full chapter

30 Si Pablo ay nanatili ng dalawang buong taon sa bahay na inuupahan niya. Tinatanggap niya ang lahat ng pumu­punta sa kaniya. 31 Ipinapangaral niya ang paghahari ng Diyos. At itinuturo niya ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong kalayaan at walang anumang nakahadlang.

Read full chapter

30 Dalawang taóng nanirahan sa Roma si Pablo, sa bahay na kanyang inuupahan. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya. 31 Buong tapang at malaya niyang ipinangangaral ang mga bagay tungkol sa paghahari ng Diyos at itinuturo ang tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo.

Read full chapter