Add parallel Print Page Options

25 Nang iginagapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa pinunong-kapitang nakatayo sa malapit: Matuwid ba para sa iyo na hagupitin ang isang taong taga-Roma na hindi pa nahahatulan?

26 Nang marinig ito ng kapitan, naparoon siya sa pinunong-kapitan. Ipinag-bigay alam niya na sinasabi: Mag-ingat ka sa gagawin mo? Ito ay sapagkat ang lalaking ito ay taga-Roma.

27 Lumapit ang pinunong-kapitan at sinabi sa kaniya: Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay taga-Roma?

Sinabi niya: Oo.

28 Sumagot ang pinunong-kapitan: Binili ko ng malaking halaga ang pagkamamamayang ito.

Sinabi ni Pablo: Ako ay ipinanganak na gayon.

29 Agad na lumayo sa kaniya ang mga magsisiyasat sana sa kaniya. Ang pinunong-kapitan ay natakot din naman nang malaman na siya ay taga-Roma at sa dahilang siya ang nagpagapos kay Pablo.

Read full chapter

25 Ngunit nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling-balat, sinabi ni Pablo sa senturyong nakatayo sa malapit, “Ayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang mamamayang Romano, kahit wala pang hatol ang hukuman?” 26 Nang marinig iyon ng senturyon, pumunta siya sa kapitan at sinabi, “Paano ito? Ang taong ito ay mamamayang Romano!” 27 Lumapit ang kapitan at tinanong si Pablo, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba'y mamamayang Romano?” At sinabi niya, “Opo.” 28 Sumagot ang kapitan, “Malaki ang nagastos ko upang maging mamamayang Romano.” Sumagot si Pablo, “Ngunit ako'y isinilang na mamamayang Romano.” 29 Kaya't agad na lumayo sa kanya ang mga magsisiyasat sa kanya. Natakot din ang kapitan sapagkat ipinagapos niya si Pablo, gayong ito pala ay isang Romano.

Read full chapter