Add parallel Print Page Options

46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (A)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (B)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (C)kami ay pasasa mga Gentil.

Read full chapter

46 Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana kailangang ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya't sa mga Hentil na kami pupunta.

Read full chapter

At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila,

(A)Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.

Read full chapter

Pagkatapos (A) ng maraming talakayan, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga kapatid, nalalaman ninyo na noon ay hinirang ako ng Diyos mula sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking pangangaral ay mapakinggan ng mga Hentil ang Magandang Balita, at sila'y sumampalataya.

Read full chapter

At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (A)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (B)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.

Read full chapter

Nang siya'y salungatin nila at laitin, ipinagpag niya ang kanyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, “Hindi ko na ságutin ang inyong dugo! Kasalanan na ninyo kung kayo'y mapahamak! Mula ngayo'y pupunta na ako sa mga Hentil.”

Read full chapter

28 Maging hayag nawa sa inyo, na ang (A)kaligtasang ito ng Dios ay ipinadala (B)sa mga Gentil: sila'y makikinig[a]naman.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 28:28 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 29 At nang masabi na niya ang mga salitang ito'y nagsialis ang mga Judio, at sila-sila'y nangagtatalong mainam.

28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!”

Read full chapter