Add parallel Print Page Options

At nangyari ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal;

Na naghandog ang mga prinsipe sa Israel, ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Ito ang mga prinsipe sa mga lipi, ito ang mga namamahala roon sa nangabilang:

At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.

At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita.

Dalawang kariton at apat na baka ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod:

At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.

Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat.

10 At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana.

12 At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda:

13 At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

14 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan,

15 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

16 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

17 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab.

18 Nang ikalawang araw, si Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog:

19 Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

20 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan;

21 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

22 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;

23 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar.

24 Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon:

25 Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

26 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

27 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

28 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

29 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.

30 Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur, na prinsipe sa mga anak ni Ruben:

31 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina.

32 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

33 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

34 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;

35 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.

36 Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon:

37 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

38 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan.

39 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

40 Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan;

41 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.

42 Nang ikaanim na araw ay si Eliasaph na anak ni Dehuel, na prinsipe sa mga anak ni Gad:

43 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

44 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

45 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

46 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

47 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel.

48 Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim:

49 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

50 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

51 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin;

52 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

53 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud.

54 Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases:

55 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

56 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

57 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

58 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

59 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.

60 Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin:

61 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

62 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

63 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

64 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

65 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon.

66 Nang ikasangpung araw ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan:

67 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

68 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

69 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

70 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

71 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

72 Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:

73 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

74 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

75 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

76 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

77 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.

78 Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:

79 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

80 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

81 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

82 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

83 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.

84 Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:

85 Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;

86 Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo:

87 Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:

88 At lahat ng mga baka na pinaka-hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng langis.

89 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang makipagsalitaan sa kaniya, ay narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.

'Mga Bilang 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mga Handog para sa Pagtatalaga ng Toldang Tipanan

Pagkatapos maiayos ni Moises ang Tolda, winisikan niya ito ng langis at itinalaga pati ang lahat ng kagamitan nito. Ganito rin ang kanyang ginawa sa altar at sa lahat ng kagamitan nito. Pagkatapos, nagdala ng mga handog sa Panginoon ang mga pinuno ng Israel, na pinuno ng bawat lahi. Sila ang nakatalaga sa pagsesensus. Nagdala sila ng anim na kariton at 12 baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila. Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tanggapin mo ang kanilang mga handog upang magamit para sa mga gawain sa Toldang Tipanan. Ibigay ito sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.”

Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay ito sa mga Levita. Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na baka sa mga angkan ni Gershon para sa kanilang gawain. At ibinigay niya ang apat na kariton at walong baka sa mga angkan ni Merari para rin sa kanilang gawain. Pinamumunuan silang lahat ni Itamar na anak ng paring si Aaron. Pero hindi binigyan ni Moises ng kariton o baka ang mga angkan ni Kohat dahil sila ang itinalaga sa pagdadala ng mga banal na bagay ng Tolda.

10 Nagdala rin ang mga pinuno ng kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar noong itinalaga ito. 11 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kailangan na sa bawat araw, may isang pinuno na magdadala ng kanyang handog para sa pagtatalaga ng altar.”

12-83 Sa ganitong paraan nila dinala ang kanilang mga handog:

Nang unang araw, si Nashon na anak ni Aminadab, na pinuno ng lahi ni Juda.

Nang ikalawang araw, si Netanel na anak ni Zuar, na pinuno ng lahi ni Isacar.

Nang ikatlong araw, si Eliab na anak ni Helon, na pinuno ng lahi ni Zebulun.

Nang ikaapat na araw, si Elizur na anak ni Sedeur, na pinuno ng lahi ni Reuben.

Nang ikalimang araw, si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno ng lahi ni Simeon.

Nang ikaanim na araw, si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno ng lahi ni Gad.

Nang ikapitong araw, si Elishama na anak ni Amihud, na pinuno ng lahi ni Efraim.

Nang ikawalong araw, si Gamaliel na anak ni Pedazur, na pinuno ng lahi ni Manase.

Nang ikasiyam na araw, si Abidan na anak ni Gideoni, na pinuno ng lahi ni Benjamin.

Nang ikasampung araw, si Ahiezer na anak ni Amishadai, na pinuno ng lahi ni Dan.

Nang ika-11 araw, si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno ng lahi ni Asher.

Nang ika-12 araw, si Ahira na anak ni Enan, na pinuno ng lahi ni Naftali.

Ang bawat isa sa kanila ay nagdala ng mga handog na ito: isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nito ay puno ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis para sa handog sa pagpaparangal sa Panginoon. Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 120 gramo na puno ng insenso; isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taong gulang bilang handog na sinusunog; isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis; dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taong gulang bilang handog para sa mabuting relasyon.

84 Ito ang lahat ng mga handog ng 12 pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: 12 pilak na bandehado, 12 pilak na mangkok, at 12 gintong tasa.

85 Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga 28 kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.

86 Ang 12 gintong lalagyan na puno ng insenso ay may bigat na mga 120 gramo bawat isa ayon sa bigat ng ginto sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang kabuuang timbang nila ay mga 1,440 gramo.

87 Ang mga hayop na ibinigay para sa handog na sinusunog: 12 batang toro, 12 lalaking tupa at 12 lalaking tupang isang taong gulang pa lang ang edad, kasama nito ang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ang handog sa paglilinis: 12 lalaking kambing.

88 Ang mga hayop na handog para sa mabuting relasyon: 24 na toro, 60 lalaking tupa, 60 lalaking kambing at 60 batang lalaking tupa na isang taong gulang pa lang ang edad.

Ito ang lahat ng mga handog nang italaga ang altar.

89 Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon, naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.