Matthew 8
New King James Version
Jesus Cleanses a Leper(A)
8 When He had come down from the mountain, great multitudes followed Him. 2 (B)And behold, a leper came and (C)worshiped Him, saying, “Lord, if You are willing, You can make me clean.”
3 Then Jesus put out His hand and touched him, saying, “I am willing; be cleansed.” Immediately his leprosy (D)was cleansed.
4 And Jesus said to him, (E)“See that you tell no one; but go your way, show yourself to the priest, and offer the gift that (F)Moses (G)commanded, as a testimony to them.”
Jesus Heals a Centurion’s Servant(H)
5 (I)Now when Jesus had entered Capernaum, a (J)centurion came to Him, pleading with Him, 6 saying, “Lord, my servant is lying at home paralyzed, dreadfully tormented.”
7 And Jesus said to him, “I will come and heal him.”
8 The centurion answered and said, “Lord, (K)I am not worthy that You should come under my roof. But only (L)speak a word, and my servant will be healed. 9 For I also am a man under authority, having soldiers under me. And I say to this one, ‘Go,’ and he goes; and to another, ‘Come,’ and he comes; and to my servant, ‘Do this,’ and he does it.”
10 When Jesus heard it, He marveled, and said to those who followed, “Assuredly, I say to you, I have not found such great faith, not even in Israel! 11 And I say to you that (M)many will come from east and west, and sit down with Abraham, Isaac, and Jacob in the kingdom of heaven. 12 But (N)the sons of the kingdom (O)will be cast out into outer darkness. There will be weeping and gnashing of teeth.” 13 Then Jesus said to the centurion, “Go your way; and as you have believed, so let it be done for you.” And his servant was healed that same hour.
Peter’s Mother-in-Law Healed(P)
14 (Q)Now when Jesus had come into Peter’s house, He saw (R)his wife’s mother lying sick with a fever. 15 So He touched her hand, and the fever left her. And she arose and served [a]them.
Many Healed in the Evening(S)
16 (T)When evening had come, they brought to Him many who were demon-possessed. And He cast out the spirits with a word, and healed all who were sick, 17 that it might be fulfilled which was spoken by Isaiah the prophet, saying:
(U)“He Himself took our infirmities
And bore our sicknesses.”
The Cost of Discipleship(V)
18 And when Jesus saw great multitudes about Him, He gave a command to depart to the other side. 19 (W)Then a certain scribe came and said to Him, “Teacher, I will follow You wherever You go.”
20 And Jesus said to him, “Foxes have holes and birds of the air have nests, but the Son of Man has nowhere to lay His head.”
21 (X)Then another of His disciples said to Him, “Lord, (Y)let me first go and bury my father.”
22 But Jesus said to him, “Follow Me, and let the dead bury their own dead.”
Wind and Wave Obey Jesus(Z)
23 Now when He got into a boat, His disciples followed Him. 24 (AA)And suddenly a great tempest arose on the sea, so that the boat was covered with the waves. But He was asleep. 25 Then His disciples came to Him and awoke Him, saying, “Lord, save us! We are perishing!”
26 But He said to them, “Why are you fearful, O you of little faith?” Then (AB)He arose and rebuked the winds and the sea, and there was a great calm. 27 So the men marveled, saying, [b]“Who can this be, that even the winds and the sea obey Him?”
Two Demon-Possessed Men Healed(AC)
28 (AD)When He had come to the other side, to the country of the [c]Gergesenes, there met Him two demon-possessed men, coming out of the tombs, exceedingly fierce, so that no one could pass that way. 29 And suddenly they cried out, saying, “What have we to do with You, Jesus, You Son of God? Have You come here to torment us before the time?”
30 Now a good way off from them there was a herd of many swine feeding. 31 So the demons begged Him, saying, “If You cast us out, [d]permit us to go away into the herd of swine.”
32 And He said to them, “Go.” So when they had come out, they went into the herd of swine. And suddenly the whole herd of swine ran violently down the steep place into the sea, and perished in the water.
33 Then those who kept them fled; and they went away into the city and told everything, including what had happened to the demon-possessed men. 34 And behold, the whole city came out to meet Jesus. And when they saw Him, (AE)they begged Him to depart from their region.
Footnotes
- Matthew 8:15 NU, M Him
- Matthew 8:27 Lit. What sort of man is this
- Matthew 8:28 NU Gadarenes
- Matthew 8:31 NU send us into
Mateo 8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(A)
8 Pagbaba ni Jesus mula sa bundok ay sumunod sa kanya ang napakaraming tao. 2 Lumapit sa kanya ang isang ketongin at lumuhod sa harapan niya, nakikiusap, “Panginoon, maaari mo po akong gawing malinis, kung nanaisin mo.” 3 Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay at hinawakan ang lalaki. Sinabi niya rito, “Nais ko. Maging malinis ka.” 4 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo ito sasabihin kaninuman, sa halip ay pumunta ka at humarap sa pari. Mag-alay ka ng handog na ipinag-utos ni Moises bilang katibayan sa kanila.”
Pinagaling ang Alipin ng Senturyon(B)
5 Nang pumasok si Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang senturyon. Nakiusap ito sa kanya, 6 na nagsasabi, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at hirap na hirap sa kanyang karamdaman.” 7 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pupunta ako roon at pagagalingin ko siya.” 8 Ngunit sumagot ang senturyon, “Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na papuntahin kayo sa ilalim ng aking bubungan. Sapat na pong bumigkas kayo ng salita at gagaling na ang aking lingkod. 9 Ako man ay isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, at may nasasakupang mga kawal. Sinasabi ko sa isa, ‘Humayo ka,’ at humahayo nga siya. Sinasabi ko naman sa iba, ‘Lumapit ka,’ at lumalapit nga siya. Sa aking utusan, ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa nga niya.” 10 Nang marinig ito ni Jesus, namangha siya at sinabi niya sa mga sumunod sa kanya, “Totoong sinasabi ko sa inyo, kaninuman sa Israel ay hindi ko nakita ang ganito kalaking pananampalataya. 11 Sinasabi ko sa inyo, maraming manggagaling sa silangan at kanluran at makakasalo sa hapag-kainan nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng langit, 12 subalit ang mga anak ng kaharian ay itatapon sa kadilimang nasa labas. Naroon ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.” 13 Sinabi ni Jesus sa senturyon, “Umuwi ka na. Mangyayari para sa iyo ang iyong sinasampalatayanan.” Nang oras ding iyon ay gumaling ang naturang lingkod.
Maraming Pinagaling si Jesus(C)
14 Nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang biyenang babae nito na nakahiga dahil may lagnat. 15 Hinawakan niya ang kamay ng babae at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinaglingkuran si Jesus. 16 Kinagabihan ay dinala nila sa kanya ang maraming taong sinasaniban ng mga demonyo. Sa pamamagitan ng salita ay pinalayas niya ang mga espiritu at pinagaling ang lahat ng mga maysakit. 17 Nangyari ito upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga karamdaman, at ang mga sakit natin ay kanyang pinasan.”
Ang Pagsunod kay Jesus(D)
18 Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao sa paligid niya, kanyang ipinag-utos na sila'y tumawid sa ibayo. 19 Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi sa kanya, “Guro, susundan ko po kayo, saan man kayo magpunta.” 20 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang mga asong-gubat ay may lungga, at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang sariling matutulugan.” 21 Sinabi sa kanya ng isa pang alagad, “Panginoon, payagan po muna ninyo akong umuwi at mailibing ko ang aking ama.” 22 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin. Hayaan mo na ang mga patay ang maglibing sa kanilang mga patay.”
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo(E)
23 Nang makasakay si Jesus sa bangka, sinundan siya ng kanyang mga alagad. 24 At biglang nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, at halos matabunan na ng mga alon ang bangka. Subalit natutulog noon si Jesus. 25 Siya'y kanilang pinuntahan at ginising, na sinasabi, “Panginoon, iligtas mo kami! Mamamatay kami rito!” 26 Sinabi niya sa kanila, “Ano'ng ikinatatakot ninyo? Kayong mahihina ang pananampalataya!” Bumangon siya at pinagsabihan ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng ganap na katahimikan. 27 Kaya't namangha ang mga tao at sinabi nila, “Anong uri ng tao ito? Kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”
Pinagaling ang mga Gadarenong Inaalihan ng mga Demonyo(F)
28 Pagdating niya sa kabilang pampang, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo. Nanggaling ang mga lalaking ito sa mga libingan at sila'y mababangis kaya't walang taong makadaan doon. 29 Bigla silang sumigaw, “Ano'ng kailangan mo sa amin, Anak ng Diyos? Pumarito ka ba upang parusahan na kami bago pa sumapit ang takdang panahon?” 30 Noon ay may isang malaking kawan ng baboy na nanginginain sa di kalayuan mula sa kanila. 31 Nakiusap kay Jesus ang mga demonyo. Sinabi nila, “Kung palalabasin mo kami, papuntahin mo na lang kami sa kawan ng mga baboy.” 32 At sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo roon.” Nagsilabas nga sila at pumasok sa mga baboy, at ang buong kawan ay rumagasang patungong bangin, nahulog sa dagat at nalunod. 33 Nagtakbuhan ang mga tagapag-alaga ng mga hayop at sila'y pumasok sa lungsod. Doon ay ibinalita nila ang buong pangyayari, lalung-lalo na ang nangyari sa mga taong sinaniban ng mga demonyo. 34 Lumabas ang lahat ng mga taong-bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, sila'y nakiusap sa kanya na lisanin ang kanilang lupain.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.