Add parallel Print Page Options

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang mga araw na iyon ay dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo na nangangaral. “Magsisi kayo, sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”

Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin nito,

“Isang tinig ang sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang lalakaran.’ ”

Nakasuot si Juan ng damit na yari sa balahibo ng kamelyo at may sinturong balat sa kanyang baywang. Ang kinakain niya ay mga balang at pulot-pukyutan.

Read full chapter