Mateo 9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko(A)
9 Sumakay si Jesus sa isang bangka, tumawid sa kabilang pampang at dumating sa kanyang sariling bayan. 2 Dinala sa kanya ng mga tao ang isang paralitikong nakaratay sa isang banig. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Patatagin mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” 3 May mga tagapagturo ng Kautusan na naroon ang nagsabi sa kani-kanilang sarili, “Lumalapastangan ang taong ito.” 4 Subalit dahil nalalaman ni Jesus ang kanilang mga iniisip, sinabi niya, “Bakit nag-iisip kayo ng masama sa inyong mga puso? 5 Alin ba ang mas madali, ang sabihing, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’? o ang sabihing, ‘Bumangon ka at lumakad’? 6 Subalit upang malaman ninyong dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, “Bumangon ka, damputin mo ang iyong higaan at umuwi ka na.” 7 Bumangon nga ang paralitiko at umuwi. 8 Nang makita ito ng napakaraming tao, natakot sila at nagbigay-luwalhati sa Diyos na nagkaloob ng gayong kapangyarihan sa mga tao.
Ang Pagtawag kay Mateo(B)
9 Sa paglalakad ni Jesus mula roon ay nakita niya ang isang taong tinatawag na Mateo, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga siya at sumunod sa kanya. 10 Habang nakaupo si Jesus sa may hapag-kainan sa bahay, maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at naupong kasalo niya at ng kanyang mga alagad. 11 Nang ito'y makita ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit ang inyong guro ay nakikisalo sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12 Nang ito'y marinig ni Jesus, sinabi niya, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang malulusog, kundi ang mga may sakit. 13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang ibig sabihin nito: ‘Ang nais ko'y habag, at hindi handog.’ Sapagkat dumating ako hindi upang tawagin ang matutuwid, kundi ang mga makasalanan.”
Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(C)
14 Dumating naman sa kanya ang mga alagad ni Juan, at nagsabi, “Bakit kami pati ang mga Fariseo ay nag-aayuno, samantalang ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?” 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Maaari bang magpakalungkot ang mga inanyayahan sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal at doon pa lamang sila mag-aayuno. 16 Walang taong gumagamit ng hindi pa pinaurong na tela upang itagpi sa lumang damit, sapagkat babatakin ng itinagping tela ang damit, at lalong magiging malaki ang sira. 17 Hindi rin inilalagay ang bagong alak sa mga lumang lalagyang balat. Kapag ganoon ang ginawa, puputok ang mga balat, matatapon ang alak, at magpupunit-punit ang mga balat. Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa mga bagong lalagyang balat, at pareho silang magtatagal.”
Muling Binuhay ang Anak ng Pinuno at Pinagaling ang Isang Babae(D)
18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga ito sa kanila, dumating ang isang pinuno at nanikluhod sa kanya. “Kamamatay po lamang ng aking anak na babae, ngunit puntahan ninyo at ipatong ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay.” 19 Tumayo si Jesus at sumama sa kanya, pati ang kanyang mga alagad. 20 Samantala, may isang babaing labindalawang taon nang pinahihirapan ng pagdurugo, lumapit siya sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng damit nito. 21 Sinabi ng babae sa kanyang sarili, “Mahawakan ko lamang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” 22 Lumingon si Jesus, at pagkakita sa babae ay sinabi niya, “Patatagin mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pagsampalataya.” Nang oras ding iyon ay gumaling ang babae. 23 Pagdating ni Jesus sa bahay ng pinuno at makita ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakagulo, 24 sinabi niya, “Umalis na kayo. Hindi naman patay ang bata kundi natutulog lamang.” Pinagtawanan nila si Jesus. 25 Nang mapalabas na ang maraming tao, pumasok siya, hinawakan sa kamay ang batang babae at ito'y bumangon. 26 Kumalat ang balita tungkol dito sa buong lupaing iyon.
Pinagaling ang Dalawang Bulag
27 Habang nililisan ni Jesus ang dakong iyon, may dalawang lalaking bulag na sumunod sa kanya at sumisigaw nang malakas, “Maawa ka sa amin, Anak ni David.” 28 Pagpasok niya sa bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag, at sinabi ni Jesus sa kanila, “Naniniwala ba kayong kaya kong gawin ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.” 29 Hinawakan niya ang kanilang mga mata at sinabi, “Mangyari sa inyo ang inyong pinaniniwalaan.” 30 At sila'y nakakita. Mahigpit na nagbilin sa kanila si Jesus, “Tiyakin ninyong walang ibang makaaalam nito.” 31 Subalit pag-alis nila ay ipinamalita nila ang tungkol sa kanya sa buong lupaing iyon.
Pinagaling ang Lalaking Pipi
32 Nang paalis na sina Jesus, dinala sa kanya ang isang taong pipi dahil ito'y sinasaniban ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo, at ang pipi ay nakapagsalita. Namangha ang napakaraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.” 34 Subalit sinabi ng mga Fariseo, “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo ay nagpapalayas siya ng mga demonyo.”
Nahabag si Jesus sa mga Tao
35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga lungsod at mga nayon, at nagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at ipinapahayag ang Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. 36 Nang kanyang makita ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y nababalisa at nakakaawa, na gaya ng mga tupang walang pastol. 37 Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakarami ng aanihin, subalit kakaunti ang mga manggagawa. 38 Kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng ánihin na magsugo siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”
Mateo 9
Ang Biblia, 2001
Pinagaling ni Jesus ang Isang Lumpo(A)
9 Pagkatapos sumakay sa isang bangka, tumawid si Jesus[a] at dumating sa kanyang sariling bayan.
2 Dinala nila sa kanya ang isang lumpo na nakaratay sa isang higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa lumpo, “Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.”
3 Ang ilan sa mga eskriba ay nagsabi, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.”
4 Ngunit palibhasa'y alam ni Jesus ang kanilang mga iniisip ay sinabi niya, “Bakit nag-iisip kayo sa inyong mga puso ng masama?
5 Sapagkat alin ba ang mas madali, ang sabihing, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan?’ o sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad?’
6 Ngunit upang malaman ninyo na sa lupa ay may awtoridad ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasalanan,” kaya't sinabi niya sa lumpo, “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.”
7 Tumindig siya at umuwi sa kanyang bahay.
8 Nang makita ito ng maraming tao, sila ay natakot at niluwalhati nila ang Diyos, na nagbigay ng gayong awtoridad sa mga tao.
Ang Pagtawag kay Mateo(B)
9 Habang si Jesus ay naglalakad mula roon, nakita niya ang isang tao na tinatawag na Mateo na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” At siya ay tumayo at sumunod sa kanya.
10 Habang(C) nakaupo[b] siya sa may hapag-kainan sa bahay, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan at umupong kasalo ni Jesus at ng kanyang mga alagad.
11 Nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?”
12 Ngunit nang marinig niya ito ay sinabi niya, “Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga may sakit.
13 Kaya,(D) humayo kayo at pag-aralan ninyo kung ano ang kahulugan nito: ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog.’ Sapagkat hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”
Tinanong si Jesus tungkol sa Pag-aayuno(E)
14 Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi, “Bakit kami at ang mga Fariseo ay nag-aayuno[c] ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?”
15 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Maaari bang magluksa ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay kukunin sa kanila, at saka sila mag-aayuno.
16 Sinuman ay hindi nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit; sapagkat binabatak ng tagpi ang damit at lumalala ang punit.
17 Hindi rin inilalagay ang bagong alak sa mga lumang sisidlang balat; sapagkat kung gayon, puputok ang mga balat, at matatapon ang alak, at masisira ang mga balat; ngunit inilalagay ang bagong alak sa mga bagong balat, at pareho silang tumatagal.
Muling Binuhay ang Anak ng Pinuno at Pinagaling ang Isang Babae(F)
18 Samantalang sinasabi niya sa kanila ang mga bagay na ito, may dumating na isang pinuno at lumuhod sa harapan niya at nagsabi, “Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae, ngunit puntahan mo siya at ipatong mo ang iyong kamay sa kanya, at mabubuhay siya.”
19 Tumayo si Jesus at sumunod sa kanya, kasama ang kanyang mga alagad.
20 Samantala, may isang babaing labindalawang taon nang dinudugo ang lumapit sa likuran niya at hinipo nito ang laylayan ng kanyang damit;
21 sapagkat sinabi niya sa kanyang sarili, “Kung mahihipo ko lamang ang kanyang damit ay gagaling ako.”
22 Nang lumingon si Jesus at nakita siya ay sinabi niya, “Anak, lakasan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.” Gumaling nga ang babae sa oras ding iyon.
23 Nang dumating na si Jesus sa bahay ng pinuno, at makita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming tao na nagkakagulo,
24 ay sinabi niya, “Umalis na kayo, sapagkat hindi patay ang batang babae kundi natutulog lamang.” At siya ay pinagtawanan nila.
25 Ngunit nang mapalabas na ang maraming tao, pumasok siya at hinawakan ang kamay ng batang babae at ito ay bumangon.
26 At kumalat ang balitang ito sa buong lupaing iyon.
Nakakita ang Dalawang Bulag
27 Nang papaalis na si Jesus mula roon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag na sumisigaw ng malakas, “Mahabag ka sa amin, Anak ni David.”
28 Nang makapasok na siya sa bahay, lumapit sa kanya ang mga lalaking bulag; at sinabi sa kanila ni Jesus, “Sumasampalataya ba kayo na magagawa ko ito?” Sinabi nila sa kanya, “Opo, Panginoon.”
29 Kaya't hinipo niya ang kanilang mga mata, na sinasabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.”
30 At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus, “Ingatan ninyo na walang makakaalam nito.”
31 Ngunit sila ay umalis, at ikinalat ang balita tungkol sa kanya sa buong lupaing iyon.
Nakapagsalita ang Isang Pipi
32 Nang makaalis na sila, dinala sa kanya ang isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo.
33 Nang mapalabas na ang demonyo, nagsalita ang dating pipi. Namangha ang maraming tao at nagsabi, “Wala pang nakitang tulad nito sa Israel.”
34 Ngunit(G) sinabi ng mga Fariseo, “Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo.”[d]
Nahabag si Jesus sa mga Tao
35 Nilibot(H) ni Jesus ang lahat ng mga lunsod at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila at ipinangangaral ang magandang balita ng kaharian, at pinapagaling ang bawat sakit at bawat karamdaman.
36 Nang(I) makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nangangamba at nanlulupaypay na gaya ng mga tupa na walang pastol.
37 Kaya't(J) sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tunay na napakarami ng aanihin, ngunit kakaunti ang manggagawa;
38 idalangin ninyo sa Panginoon ng anihin, na magpadala ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”
Footnotes
- Mateo 9:1 Sa Griyego ay siya .
- Mateo 9:10 Sa Griyego ay nakahilig .
- Mateo 9:14 Sa ibang mga kasulatan ay may salitang madalas .
- Mateo 9:34 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang talatang ito.
Matthew 9
Complete Jewish Bible
9 So he stepped into a boat, crossed the lake again and came to his own town. 2 Some people brought him a paralyzed man lying on a mattress. When Yeshua saw their trust, he said to the paralyzed man, “Courage, son! Your sins are forgiven.” 3 On seeing this, some of the Torah-teachers said among themselves, “This man is blaspheming!” 4 Yeshua, knowing what they were thinking, said, “Why are you entertaining evil thoughts in your hearts? 5 Tell me, which is easier to say — ‘Your sins are forgiven’ or ‘Get up and walk’? 6 But look! I will prove to you that the Son of Man has authority on earth to forgive sins.” He then said to the paralyzed man, “Get up, pick up your mattress, and go home!” 7 And the man got up and went home. 8 When the crowds saw this, they were awestruck and said a b’rakhah to God the Giver of such authority to human beings.
9 As Yeshua passed on from there he spotted a tax-collector named Mattityahu sitting in his collection booth. He said to him, “Follow me!” and he got up and followed him.
10 While Yeshua was in the house eating, many tax-collectors and sinners came and joined him and his talmidim at the meal. 11 When the P’rushim saw this, they said to his talmidim, “Why does your rabbi eat with tax-collectors and sinners?” 12 But Yeshua heard the question and answered, “The ones who need a doctor aren’t the healthy but the sick. 13 As for you, go and learn what this means: ‘I want compassion rather than animal-sacrifices.’[a] For I didn’t come to call the ‘righteous,’ but sinners!”
14 Next, Yochanan’s talmidim came to him and asked, “Why is it that we and the P’rushim fast frequently, but your talmidim don’t fast at all?” 15 Yeshua said to them, “Can wedding guests mourn while the bridegroom is still with them? But the time will come when the bridegroom is taken away from them; then they will fast. 16 No one patches an old coat with a piece of unshrunk cloth, because the patch tears away from the coat and leaves a worse hole. 17 Nor do people put new wine in old wineskins; if they do, the skins burst, the wine spills and the wineskins are ruined. No, they pour new wine into freshly prepared wineskins, and in this way both are preserved.”
18 While he was talking, an official came in, kneeled down in front of him and said, “My daughter has just died. But if you come and lay your hand on her, she will live.” 19 Yeshua, with his talmidim, got up and followed him.
20 A woman who had had a hemorrhage for twelve years approached him from behind and touched the tzitzit on his robe. 21 For she said to herself, “If I can only touch his robe, I will be healed.” 22 Yeshua turned, saw her and said, “Courage, daughter! Your trust has healed you.” And she was instantly healed.
23 When Yeshua arrived at the official’s house and saw the flute-players, and the crowd in an uproar, 24 he said, “Everybody out! The girl isn’t dead, she’s only sleeping!” And they jeered at him. 25 But after the people had been put outside, he entered and took hold of the girl’s hand, and she got up. 26 News of this spread through all that region.
27 As Yeshua went on from there, two blind men began following him, shouting, “Son of David! Take pity on us!” 28 When he entered the house, the blind men came up, and Yeshua said to them, “Do you believe that I have the power to do this?” They replied, “Yes, sir.” 29 Then he touched their eyes and said, “Let it happen to you according to your trust”; 30 and their sight was restored. Yeshua warned them severely, “See that no one knows about it.” 31 But instead, they went away and talked about him throughout that district.
32 As they were going, a man controlled by a demon and unable to speak was brought to Yeshua. 33 After the demon was expelled the man who had been mute spoke, and the crowds were amazed. “Nothing like this has ever been seen in Isra’el,” they said. 34 But the P’rushim said, “It is through the ruler of the demons that he expels demons.”
35 Yeshua went about all the towns and villages, teaching in their synagogues, proclaiming the Good News of the Kingdom, and healing every kind of disease and weakness. 36 When he saw the crowds, he had compassion on them because they were harried and helpless, like sheep without a shepherd. 37 Then he said to his talmidim, “The harvest is rich, but the workers are few. 38 Pray that the Lord of the harvest will send out workers to gather in his harvest.”
Footnotes
- Matthew 9:13 Hosea 6:6
Matthew 9
New International Version
Jesus Forgives and Heals a Paralyzed Man(A)
9 Jesus stepped into a boat, crossed over and came to his own town.(B) 2 Some men brought to him a paralyzed man,(C) lying on a mat. When Jesus saw their faith,(D) he said to the man, “Take heart,(E) son; your sins are forgiven.”(F)
3 At this, some of the teachers of the law said to themselves, “This fellow is blaspheming!”(G)
4 Knowing their thoughts,(H) Jesus said, “Why do you entertain evil thoughts in your hearts? 5 Which is easier: to say, ‘Your sins are forgiven,’ or to say, ‘Get up and walk’? 6 But I want you to know that the Son of Man(I) has authority on earth to forgive sins.” So he said to the paralyzed man, “Get up, take your mat and go home.” 7 Then the man got up and went home. 8 When the crowd saw this, they were filled with awe; and they praised God,(J) who had given such authority to man.
The Calling of Matthew(K)
9 As Jesus went on from there, he saw a man named Matthew sitting at the tax collector’s booth. “Follow me,”(L) he told him, and Matthew got up and followed him.
10 While Jesus was having dinner at Matthew’s house, many tax collectors and sinners came and ate with him and his disciples. 11 When the Pharisees saw this, they asked his disciples, “Why does your teacher eat with tax collectors and sinners?”(M)
12 On hearing this, Jesus said, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. 13 But go and learn what this means: ‘I desire mercy, not sacrifice.’[a](N) For I have not come to call the righteous, but sinners.”(O)
Jesus Questioned About Fasting(P)
14 Then John’s(Q) disciples came and asked him, “How is it that we and the Pharisees fast often,(R) but your disciples do not fast?”
15 Jesus answered, “How can the guests of the bridegroom mourn while he is with them?(S) The time will come when the bridegroom will be taken from them; then they will fast.(T)
16 “No one sews a patch of unshrunk cloth on an old garment, for the patch will pull away from the garment, making the tear worse. 17 Neither do people pour new wine into old wineskins. If they do, the skins will burst; the wine will run out and the wineskins will be ruined. No, they pour new wine into new wineskins, and both are preserved.”
Jesus Raises a Dead Girl and Heals a Sick Woman(U)
18 While he was saying this, a synagogue leader came and knelt before him(V) and said, “My daughter has just died. But come and put your hand on her,(W) and she will live.” 19 Jesus got up and went with him, and so did his disciples.
20 Just then a woman who had been subject to bleeding for twelve years came up behind him and touched the edge of his cloak.(X) 21 She said to herself, “If I only touch his cloak, I will be healed.”
22 Jesus turned and saw her. “Take heart,(Y) daughter,” he said, “your faith has healed you.”(Z) And the woman was healed at that moment.(AA)
23 When Jesus entered the synagogue leader’s house and saw the noisy crowd and people playing pipes,(AB) 24 he said, “Go away. The girl is not dead(AC) but asleep.”(AD) But they laughed at him. 25 After the crowd had been put outside, he went in and took the girl by the hand, and she got up.(AE) 26 News of this spread through all that region.(AF)
Jesus Heals the Blind and the Mute
27 As Jesus went on from there, two blind men followed him, calling out, “Have mercy on us, Son of David!”(AG)
28 When he had gone indoors, the blind men came to him, and he asked them, “Do you believe that I am able to do this?”
“Yes, Lord,” they replied.(AH)
29 Then he touched their eyes and said, “According to your faith let it be done to you”;(AI) 30 and their sight was restored. Jesus warned them sternly, “See that no one knows about this.”(AJ) 31 But they went out and spread the news about him all over that region.(AK)
32 While they were going out, a man who was demon-possessed(AL) and could not talk(AM) was brought to Jesus. 33 And when the demon was driven out, the man who had been mute spoke. The crowd was amazed and said, “Nothing like this has ever been seen in Israel.”(AN)
34 But the Pharisees said, “It is by the prince of demons that he drives out demons.”(AO)
The Workers Are Few
35 Jesus went through all the towns and villages, teaching in their synagogues, proclaiming the good news of the kingdom and healing every disease and sickness.(AP) 36 When he saw the crowds, he had compassion on them,(AQ) because they were harassed and helpless, like sheep without a shepherd.(AR) 37 Then he said to his disciples, “The harvest(AS) is plentiful but the workers are few.(AT) 38 Ask the Lord of the harvest, therefore, to send out workers into his harvest field.”
Footnotes
- Matthew 9:13 Hosea 6:6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

