Add parallel Print Page Options

At pagdaraan doon ni Jesus, ay nakita niya ang isang tao, na kung tawagi'y Mateo, na nakaupo sa paningilan ng buwis: at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At siya'y nagtindig, at sumunod sa kaniya.

10 At nangyari, na nang nakaupo siya sa pagkain sa bahay, narito, ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan ay nagsirating at nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad.

11 At nang makita ito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniyang mga alagad, Bakit sumasalo ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?

Read full chapter

Ang Pagtawag kay Mateo(A)

Sa paglalakad ni Jesus mula roon ay nakita niya ang isang taong tinatawag na Mateo, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga siya at sumunod sa kanya. 10 Habang nakaupo si Jesus sa may hapag-kainan sa bahay, maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at naupong kasalo niya at ng kanyang mga alagad. 11 Nang ito'y makita ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit ang inyong guro ay nakikisalo sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?”

Read full chapter