Add parallel Print Page Options

Nang makita ito ng napakaraming tao ay namangha sila. Niluwalhati nila ang Diyos na nagbigay ng gayong kapama­halaan sa mga tao.

Tinawag ni Jesus si Mateo

Sa patuloy na paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ng buwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siya at sumunod sa kaniya.

10 Nangyari, na nang si Jesus ay nakaupo sa hapag-kainan ng bahay, narito, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila ay umupo upang kumaing kasama niya at ang kaniyang mga alagad.

Read full chapter

Nang makita ito ng napakaraming tao, natakot sila at nagbigay-luwalhati sa Diyos na nagkaloob ng gayong kapangyarihan sa mga tao.

Ang Pagtawag kay Mateo(A)

Sa paglalakad ni Jesus mula roon ay nakita niya ang isang taong tinatawag na Mateo, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi niya rito, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga siya at sumunod sa kanya. 10 Habang nakaupo si Jesus sa may hapag-kainan sa bahay, maraming mga maniningil ng buwis at mga makasalanan ang dumating at naupong kasalo niya at ng kanyang mga alagad.

Read full chapter