Add parallel Print Page Options

13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang ibig sabihin nito: ‘Ang nais ko'y habag, at hindi handog.’ Sapagkat dumating ako hindi upang tawagin ang matutuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(A)

14 Dumating naman sa kanya ang mga alagad ni Juan, at nagsabi, “Bakit kami pati ang mga Fariseo ay nag-aayuno, samantalang ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?” 15 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Maaari bang magpakalungkot ang mga inanyayahan sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal at doon pa lamang sila mag-aayuno.

Read full chapter