Add parallel Print Page Options

11 Nang ito'y makita ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanyang mga alagad, “Bakit ang inyong guro ay nakikisalo sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12 Nang ito'y marinig ni Jesus, sinabi niya, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang malulusog, kundi ang mga may sakit. 13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang ibig sabihin nito: ‘Ang nais ko'y habag, at hindi handog.’ Sapagkat dumating ako hindi upang tawagin ang matutuwid, kundi ang mga makasalanan.”

Read full chapter