Mateo 8:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Pero sinagot siya ni Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon. Ngunit ako na Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpahingahan.” 21 Isa pa sa mga tagasunod niya ang nagsabi, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama.”[a] 22 Pero sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay.”
Read full chapterFootnotes
- 8:21 pauwiin po muna ninyo ako para maipalibing ko ang aking ama: Maaaring ang ibig sabihin, uuwi muna siya habang hindi pa patay ang kanyang ama, at kapag namatay na at nailibing, susunod siya kay Jesus.
Mateo 8:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ang mga asong-gubat ay may lungga, at ang mga ibon sa himpapawid ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang sariling matutulugan.” 21 Sinabi sa kanya ng isa pang alagad, “Panginoon, payagan po muna ninyo akong umuwi at mailibing ko ang aking ama.” 22 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin. Hayaan mo na ang mga patay ang maglibing sa kanilang mga patay.”
Read full chapter
Matthew 8:20-22
New International Version
20 Jesus replied, “Foxes have dens and birds have nests, but the Son of Man(A) has no place to lay his head.”
21 Another disciple said to him, “Lord, first let me go and bury my father.”
22 But Jesus told him, “Follow me,(B) and let the dead bury their own dead.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.