Add parallel Print Page Options

Paano mo nasasabi sa iyong kapatid, ‘Halika't aalisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may trosong nakahambalang sa sarili mong mata? Mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa sarili mong mata, nang sa gayo'y makakakita ka nang malinaw upang maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapatid. Huwag kayong magbigay sa aso ng sagradong bagay, at huwag ninyong ihagis sa harap ng mga baboy ang inyong mga perlas. Tatapak-tapakan lamang nila ang mga ito at baka balingan pa kayo at lapain.

Read full chapter