Mateo 6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Katuruan tungkol sa Paglilimos
6 “Pag-ingatan(A) ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.
2 “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”
Katuruan tungkol sa Pananalangin(B)
5 “Kapag(C) nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagkunwari. Mahilig silang manalanging nakatayo sa mga sinagoga at sa mga kanto upang makita ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala.
7 “Sa(D) pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9 Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
10 Dumating nawa ang iyong kaharian.[a]
Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw;[b]
12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
13 At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen.]’[c]
14 “Sapagkat(E) kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”
Katuruan tungkol sa Pag-aayuno
16 “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot tulad ng mga mapagkunwari. Hindi sila nag-aayos ng sarili upang mapansin ng mga tao na sila'y nag-aayuno. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa(F) halip, kapag nag-aayuno ka, maghilamos ka, lagyan mo ng langis at ayusin mo ang iyong buhok 18 upang huwag mapansin ng mga tao na ikaw ay nag-aayuno. Ang iyong Ama na hindi mo nakikita ang tanging makakaalam nito. Siya, na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim, ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”
Ang Kayamanan sa Langit(G)
19 “Huwag(H) kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa(I) halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”
Ang Ilaw ng Katawan(J)
22 “Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang ilaw mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman.”
Diyos o Kayamanan?(K)
24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.
25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin][d] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit(L) sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 “Kaya't huwag kayong mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos][e] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito.
34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Footnotes
- 10 Dumating nawa ang iyong kaharian: o kaya'y Nawa'y maghari ka sa amin .
- 11 pagkain sa araw-araw: o kaya'y kakainin para bukas .
- 13 Sapagkat iyo ang kaharian...Amen: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- 25 inyong iinumin: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- 33 ng Diyos: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
马太福音 6
Chinese New Version (Simplified)
施舍不可张扬
6 “你们小心,不要在众人面前行你们的义,让他们看见;如果这样,就得不到你们天父的赏赐。 2 因此你施舍的时候,不可到处张扬,好象伪君子在会堂和街上所作的一样,以博取众人的称赞。我实在告诉你们,他们已经得了他们的赏赐。 3 你施舍的时候,不要让左手知道右手所作的, 4 好使你的施舍是在隐密中行的。你父在隐密中察看,必定报答你。
如何祷告(A)
5 “你们祈祷的时候,不可像伪君子;他们喜欢在会堂和路口站着祈祷,好让人看见。我实在告诉你们,他们已经得了他们的赏赐。 6 但你祈祷的时候,要进到密室里去,关上门,向在隐密中的父祈祷。你父在隐密中察看,必定报答你。 7 你们祈祷的时候,不可重复无意义的话,像教外人一样,他们以为话多了就蒙垂听。 8 你们不可像他们,因为在你们祈求以先,你们的父已经知道你们的需要了。 9 所以你们要这样祈祷:
‘我们在天上的父,
愿你的名被尊为圣,
10 愿你的国降临,
愿你的旨意成就在地上,
如同在天上一样。
11 我们每天所需的食物,
求你今天赐给我们;
12 赦免我们的罪债,
好象我们饶恕了得罪我们的人;
13 不要让我们陷入试探,
救我们脱离那恶者。’(有些后期抄本在此有“因为国度、权柄、荣耀,全是你的,直到永远。阿们”一句)
14 如果你们饶恕别人的过犯,你们的天父也必饶恕你们。 15 如果你们不饶恕别人,你们的父也必不饶恕你们的过犯。
禁食不让人知
16 “你们禁食的时候,不可像伪君子那样愁眉苦脸,他们装成难看的样子,叫人看出他们在禁食。我实在告诉你们,他们已经得了他们的赏赐。 17 可是你禁食的时候,要梳头洗脸, 18 不要叫人看出你在禁食,只让在隐密中的父看见。你父在隐密中察看,必定报答你。
积财于天(B)
19 “不可为自己在地上积聚财宝,因为地上有虫蛀,有锈侵蚀,也有贼挖洞来偷。 20 要为自己积聚财宝在天上,那里没有虫蛀锈蚀,也没有贼挖洞来偷。 21 你的财宝在哪里,你的心也在哪里。
里面的光(C)
22 “眼睛就是身体的灯。如果你的眼睛健全,全身就都明亮; 23 如果你的眼睛有毛病,全身就都黑暗。如果你里面的光变成黑暗,这是多么的黑暗!
不要为明天忧虑(D)
24 “一个人不能服事两个主人;他若不是恨这个爱那个,就是忠于这个轻视那个。你们不能服事 神,又服事金钱(“金钱”亚兰文是“玛门”)。 25 所以我告诉你们,不要为生命忧虑吃甚么喝甚么,也不要为身体忧虑穿甚么。难道生命不比食物重要吗?身体不比衣服重要吗? 26 你们看天空的飞鸟:牠们不撒种,不收割,也不收进仓里,你们的天父尚且养活牠们;难道你们不比牠们更宝贵吗? 27 你们中间谁能用忧虑使自己的寿命延长一刻呢? 28 何必为衣服忧虑呢?试想田野的百合花怎样生长,它们不劳苦,也不纺织。 29 但我告诉你们,就是所罗门最威荣的时候所穿的,也比不上这花中的一朵。 30 田野的草,今天还在,明天就投进炉里, 神尚且这样妆扮它们;小信的人哪,何况你们呢? 31 所以不要忧虑,说:‘我们该吃甚么?喝甚么?穿甚么?’ 32 这些都是教外人所寻求的,你们的天父原知道你们需要这一切。 33 你们要先求他的国和他的义,这一切都必加给你们。 34 所以不要为明天忧虑,因为明天自有明天的忧虑,一天的难处一天当就够了。”
Mateo 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Turo tungkol sa Paglilimos
6 “Tiyakin ninyo na ang paggawa ninyo ng mabuti ay hindi pakitang-tao lamang. Kung hindi ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala mula sa inyong Amang nasa langit. 2 Kaya't kapag nagbibigay ka sa mga dukha, huwag kang magpapatugtog ng trumpeta sa harapan mo, tulad ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan, upang sila'y parangalan ng mga tao. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag nagbibigay ka sa mga dukha, huwag mong ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay, 4 upang maging lihim ang iyong pagbibigay. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa ginawa mo nang lihim.
Turo tungkol sa Pananalangin(A)
5 “Kapag kayo'y nananalangin, huwag ninyong tularan ang mga mapagkunwari; sapagkat gustung-gusto nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan, upang sila'y makita ng mga tao. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Subalit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid, isara mo ang pintuan, at manalangin ka sa iyong Amang hindi nakikita. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa mga lihim na bagay. 7 Kapag kayo'y nananalangin, huwag ninyong daanin sa maraming salitang walang kabuluhan na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat akala nila'y pakikinggan sila dahil sa dami ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tularan, sapagkat alam na ng inyong Ama ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi. 9 Manalangin nga kayo tulad nito:
'Ama naming nasa langit,
pakabanalin nawa ang iyong pangalan.
10 'Dumating nawa ang iyong kaharian,
matupad nawa ang iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan mo po kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw.
12 Patawarin mo po kami sa aming mga pagkakautang,
kung paanong nagpatawad kami sa mga nagkakautang sa amin.
13 At huwag mo kaming pabayaan sa panahon ng pagsubok,
sa halip ay iligtas mo po kami mula sa masama.'[a]
14 Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang iba sa kanilang mga kasalanan, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. 15 Ngunit kung hindi kayo nagpapatawad sa mga pagkakasala ng iba, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong mga pagkakasala.
Turo tungkol sa Pag-aayuno
16 “Kapag kayo'y nag-aayuno, huwag kayong magmukhang malungkot gaya ng mga mapagkunwari, sapagkat pinalulungkot nila ang kanilang mga hitsura upang mahalata ng iba na sila ay nag-aayuno. Tinitiyak ko sa inyo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala. 17 Sa halip, kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos ka, 18 upang ang pag-aayuno mo ay hindi makita ng iba maliban ng iyong Amang hindi nakikita. At gagantimpalaan ka ng iyong Ama na nakakakita sa lihim.
Ang Kayamanan sa Langit(B)
19 “Huwag kayong mag-impok para sa inyong mga sarili ng mga kayamanan dito sa lupa, kung saan ang bukbok at kalawang ay sumisira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakapanloloob at nakapagnanakaw. 20 Sa halip ay mag-impok kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan ang bukbok at ang kalawang ay hindi makakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakapanloloob at nakapagnanakaw. 21 Sapagkat kung saan nakalagak ang iyong kayamanan, doon din naman malalagak ang iyong puso.
Ang Ilawan ng Katawan(C)
22 “Ang mata ang pinakatanglaw ng katawan. Kaya't kung malusog ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. 23 Subalit kung masama ang iyong mata, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya't kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman, napakalaking kadiliman iyan!
Diyos o Kayamanan(D)
24 “Walang taong maaaring maglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang isa at mamahalin naman ang pangalawa, o kaya'y magiging tapat siya sa isa at hindi igagalang ang pangalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa salapi.
Tungkol sa Pagkabalisa(E)
25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong ikabalisa ang inyong ikabubuhay, kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, ni ang inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot. Hindi ba't mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain, at ang katawan kaysa sa pananamit? 26 Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid! Hindi sila nagtatanim o gumagapas o nagtitipon sa kamalig, gayunma'y pinakakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba mas mahalaga kayo kaysa kanila? 27 At sino sa inyo na dahil sa pagkabalisa ay nakapagdaragdag ng isang oras[b] sa haba ng kanyang buhay? 28 At bakit nag-aalala kayo tungkol sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ligaw na bulaklak sa parang, lumalaki sila nang hindi naman nagpapagal ni humahabi ng tela, 29 gayunma'y sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagbihis nang tulad sa isa sa mga ito. 30 At kung gayon nga binibihisan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay buháy ngunit bukas ay inihahagis sa kalan, kayo pa kaya ang hindi niya bihisan, kayong mahina ang pananampalataya? 31 Kaya't huwag kayong mabalisa at magtanong, ‘Ano ang aming kakainin?’ o ‘Ano ang aming iinumin?’ o ‘Ano ang isusuot namin?’ 32 Sapagkat ang mga bagay na ito ang pinagsisikapang makamtan ng mga Hentil, at nalalaman ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga ito. 33 Subalit pagsikapan muna ninyong matagpuan ang kaharian ng Diyos at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. 34 Kaya't huwag kayong mag-alala para sa araw ng bukas, sapagkat mag-aalala ang bukas para sa kanyang sarili. Sapat na para sa buong maghapon ang mga alalahanin nito.
Footnotes
- Mateo 6:13 Ang ibang manuskrito'y may ganito Sapagkat sa iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at kaluwalhatian magpakailanman.
- Mateo 6:27 Sa Griyego, “makapagdaragdag ng isang siko”.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
