Add parallel Print Page Options

Ang Sanhi ng Pagkakasala

27 Narinig ninyong sinabi nila noong unang panahon: Huwag kang mangalunya.

28 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ang sinu­mang tumingin sa isang babae na may masamang pagnanasa sa kaniya ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso. 29 Kaya nga, kapag ang iyong kanang mata ay makapagpatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon. Makabubuti pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan kaysa mabulid sa impiyerno ang iyong buong katawan.

Read full chapter

Turo tungkol sa Pangangalunya

27 “Narinig ninyong sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’ 28 Ngunit ako ang nagsasabi sa inyo na ang bawat tumitingin sa babae nang may mahalay na pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang puso. 29 Kung nagiging sanhi ng iyong pagkakasala ang iyong kanang mata, dukutin mo ito at itapon. Sapagkat mas mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang iyong buong katawan sa impiyerno.

Read full chapter