Print Page Options

Tinukso ng Diyablo si Jesus(A)

Pagkatapos, dinala ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Pagkatapos mag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, ipag-utos mong maging tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Jesus,

“Nasusulat,
    ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
    kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ”

Kasunod nito'y dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at inilagay siya sa tuktok ng templo. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula riyan, sapagkat nasusulat,

‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na ingatan ka,’
    at ‘Mga kamay nila sa iyo ay sasalo,
    upang ang paa mo'y hindi masaktan sa bato.’ ”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan at ang dangal ng mga ito. Sinabi nito sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga ito, kung yuyukod ka at sasamba sa akin.” 10 Sumagot sa kanya si Jesus, “Layas, Satanas! Sapagkat nasusulat,

‘Ang Panginoong Diyos ang iyong sasambahin
    at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ”

11 At iniwan siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.

Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea(B)

12 Nabalitaan ni Jesus na si Juan ay dinakip kaya't pumunta siya sa Galilea. 13 Nilisan niya ang Nazareth at siya'y nanirahan sa Capernaum na nasa tabing-dagat, sa nasasakupan ng Zebulun at Neftali, 14 upang matupad ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias:

15 “Ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali—
    daang patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil—
16 Ang bayang itong nasasadlak sa kadiliman
    ay nakakita ng malaking tanglaw,
Sa kanilang nakaupo sa lilim ng kamatayan
    ay may liwanag na sumilang.”

17 Mula noon ay nagsimulang mangaral ng ganito si Jesus, “Magsisi kayo, sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(C)

18 Habang naglalakad sa baybayin ng lawa ng Galilea, nakita ni Jesus ang magkapatid na si Simon (na binansagang Pedro) at si Andres, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. 19 At sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” 20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Sa paglalakad pa niya ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka silang kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng mga lambat. Tinawag niya ang magkapatid. 22 Agad nilang iniwan ang bangka pati ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.

Nangaral at Nagpagaling ng mga Maysakit si Jesus(D)

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea sa pagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at pagpapahayag ng Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Syria. Dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, ang mga pinahihirapan ng iba't ibang uri ng sakit at kirot, ang mga sinasaniban ng mga demonyo, ang mga may epilepsiya, at ang mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 At sumunod sa kanya ang napakaraming tao mula sa Galilea at sa Decapolis, mula sa Jerusalem at Judea, at mula sa ibayo ng Jordan.

Tinukso ng Diyablo si Jesus

Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espititu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.

Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.

Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat:

Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.

Nang magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng templo. Sinabi ng diyablo sa kaniya:Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:

Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:

Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.

Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanli­butan at ang kaluwalhatian nito. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.

10 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:

Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.

11 Nang magkagayon, iniwan siya ng diyablo. Narito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.

Nagpasimulang Mangaral si Jesus

12 Nang marinig ni Jesus na si Juan ay naibilanggo, pumunta siya sa Galilea.

13 Mula sa Nazaret ay pumunta siya sa Capernaum at doon nanirahan. Ito ay nasa tabi ng dagat, sa may hangganan ng Zebulon at Neftali. 14 Ginawa niya ito upang matupad ang inihula ni propeta Isaias na nagsabi:

15 Ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neftali, daanan sa gawing dagat sa ibayong Jordan, Galilea ng mga Gentil. 16 Ang mga taong nanahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag. Sumikat ang ilaw sa kanila na nanahan sa pook at lilim ng kamatayan.

17 Mula noon, nagsimulang mangaral si Jesus. Sinabi niya: Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad

18 Habang si Jesus ay naglalakad sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid. Sila ay sina Simon na tinatawag na Pedro at ang nakakabata niyang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat sila ay mga mangingisda.

19 Sinabi niya sa kanila: Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao. 20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.

21 Sa pagpapatuloy niya sa paglalakad, nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan. Sila ay nasa bangka at nag-aayos ng lambat kasama ang kanilang amang si Zebedeo. At tinawag sila ni Jesus. 22 Agad-agad nilang iniwan ang kanilang bangka at ang kanilang ama at sumunod sa kaniya.

May mga Pinagaling si Jesus sa Sinagoga

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea na nagtuturo sa mga sinagoga. Ipinangangaral niya ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos. Nagpagaling siya ng lahat ng uri ng sakit at panghihina ng katawan ng mga tao.

24 Napabantog siya sa buong Siria. Dinala nila sa kaniya ang lahat ng mga taong maysakit na pinahihirapan ng iba’t ibang mga sakit at karamdaman. Dinala rin sa kaniya ang mga inaalihan ng mga demonyo, mga epileptiko at mga paralitiko. Pinagaling silang lahat ni Jesus. 25 Sinundan siya ng napakaraming tao na nanggaling sa Galilea, Decapolis, Jerusalem, Judea at sa ibayo ng Jordan.

Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.

At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.

At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.

Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,

At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.

Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.

10 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.

11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.

12 Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea;

13 At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:

14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,

15 Ang lupa ni Zabulon at ang lupa ni Neftali, Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan, Galilea ng mga Gentil,

16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay Nakakita ng dakilang ilaw, At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay Lumiwanag sa kanila ang ilaw.

17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

18 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.

19 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.

20 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.

21 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.

22 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.

23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.

24 At lumaganap ang pagkabantog niya sa buong Siria: at kanilang dinadala sa kaniya ang lahat ng mga may karamdaman, at ang mga pinipighati ng sarisaring sakit at pahirap, at ang mga inaalihan ng mga demonio, at ang mga himatayin, at ang mga lumpo: at sila'y pinagagaling niya.

25 At sinundan siya ng lubhang karamihang tao mula sa Galilea at Decapolis at Jerusalem at Judea at mula sa dakong ibayo ng Jordan.

Därefter blev Jesus av Anden förd upp i öknen, för att han skulle frestas av djävulen.

Och när han hade fastat i fyrtio dagar och fyrtio nätter, blev han omsider hungrig.

Då trädde frestaren fram och sade till honom: »Är du Guds Son, så bjud att dessa stenar bliva bröd.»

Men han svarade och sade: »Det är skrivet: 'Människan skall leva icke allenast av bröd, utan av allt det som utgår av Guds mun.'»

Därefter tog djävulen honom med sig till den heliga staden och ställde honom uppe på helgedomens mur

och sade till honom: »Är du Guds Son, så kasta dig ned; det är ju skrivet: 'Han skall giva sina änglar befallning om dig, och de skola bära dig på händerna, så att du icke stöter din fot mot någon sten.'»

Jesus sade till honom: »Det är ock skrivet: 'Du skall icke fresta Herren, din Gud.'»

Åter tog djävulen honom med sig, upp på ett mycket högt berg, och visade honom alla riken i världen och deras härlighet

och sade till honom: »Allt detta vill jag giva dig, om du faller ned och tillbeder mig.»

10 Då sade Jesus till honom: »Gå bort, Satan; ty det är skrivet: 'Herren, din Gud, skall du tillbedja, och honom allena skall du tjäna.'»

11 Då lämnade djävulen honom; och se, änglar trädde fram och betjänade honom.

12 Men när han hörde att Johannes hade blivit satt i fängelse, drog han sig tillbaka till Galileen.

13 Och han lämnade Nasaret och begav sig till Kapernaum, som ligger vid sjön, på Sabulons och Neftalims område, och bosatte sig där,

14 för att det skulle fullbordas, som var sagt genom profeten Esaias, när han sade:

15 »Sabulons land och Neftalims land, trakten åt havet till, landet på andra sidan Jordan, hedningarnas Galileen --

16 det folk som där satt i mörker fick se ett stort ljus; ja, de som sutto i dödens ängd och skugga, för dem gick upp ett ljus.»

17 Från den tiden begynte Jesus predika och säga: »Gören bättring, ty himmelriket är nära.»

18 Då han nu vandrade utmed Galileiska sjön, fick han se två bröder, Simon, som kallas Petrus, och Andreas, hans broder, kasta ut nät i sjön, ty de voro fiskare.

19 Och han sade till dem: »Följen mig så skall jag göra eder till människofiskare.»

20 Strax lämnade de näten och följde honom.

21 När han hade gått därifrån ett stycke längre fram, fick han se två andra bröder, Jakob, Sebedeus' son, och Johannes, hans broder, där de jämte sin fader Sebedeus sutto i båten och ordnade sina nät; och han kallade dem till sig.

22 Och strax lämnade de båten och sin fader och följde honom.

23 Och han gick omkring i hela Galileen och undervisade i deras synagogor och predikade evangelium om riket och botade alla slags sjukdomar och allt slags skröplighet bland folket.

24 Och ryktet om honom gick ut över hela Syrien, och man förde till honom alla sjuka som voro hemsökta av olika slags lidanden och plågor, alla som voro besatta eller månadsrasande eller lama; och han botade dem.

25 Och honom följde mycket folk ifrån Galileen och Dekapolis och Jerusalem och Judeen och från landet på andra sidan Jordan.

耶稣经受诱惑

圣灵把耶稣带到旷野,让他经受魔鬼的诱惑。 在禁食四十昼夜后,他感到非常饥饿。 这时,魔鬼来了,对他说∶“如果你是上帝之子,就命令这些石头变成面包吧。”

耶稣回答说∶“《经》上说:

‘人不能只靠面包活着,
人还要听从上帝说的每一句话才能够生存!’” (A)

魔鬼又把耶稣带到圣城耶路撒冷,让他站在大殿院上一个很高的地方,对他说: “如果你是上帝之子,就跳下去吧,因为《经》上说:

‘上帝将吩咐天使帮助你,
他们会用手接住你,
使你的脚不会跌到石头上。’” (B)

耶稣回答说∶“《经》上还说:

‘不可试探主—你的上帝。’” (C)

然后,魔鬼又把耶稣领到一座高山上,把世间万国和它们的荣华富贵都展现在他眼前。 魔鬼说∶“只要你崇拜我,我就把这一切都给你。”

10 耶稣对他说∶“撒旦,走开!《经》上写道:

‘你必须崇拜主—你的上帝,
并且只侍奉他!’” (D)

11 于是,魔鬼便离开了耶稣。天使们前来照顾他。

耶稣在加利利开始传教

12 耶稣听说约翰被捕入狱,就返回了加利利。 13 他没有在拿撒勒停留,而是在迦百农安顿下来。迦百农离西布伦和拿弗他利地区的加利利湖很近。 14 这就应验了先知以赛亚的预言:

15 “西布伦和拿弗他利的土地,
在约旦河西岸,
是通向大海的道路—
加利利,非犹太人的土地!
16 生活在黑暗中的人民将会看到巨光,
在死亡阴影笼罩的土地上的人民,光明将会照耀他们。” (E)

17 耶稣从此开始传教。他向人们宣告∶“悔改吧,上帝的天国临近了。”

耶稣挑选门徒

18 当耶稣沿着加利利湖边行走时,看见兄弟两人—西门(又叫彼得)和他兄弟安得烈。他们是渔夫,正在湖边撒网捕鱼。 19 耶稣对他们说∶“来跟从我,我要使你们成为另一种渔夫,你们将得人而不是得鱼。” 20 兄弟俩听了这话,立刻扔下鱼网,跟随了耶稣。

21 耶稣继续沿湖行走,他看见另外俩兄弟,他们是西庇太的儿子雅各和约翰。他们正在船上和父亲西庇太一起准备鱼网。耶稣召唤他们。 22 兄弟俩立刻离开鱼船和父亲,跟着耶稣走了。

耶稣治病救人

23 耶稣走遍加利利地区,在各会堂里讲教,传播上帝王国的福音,为人们治愈各种疾病。 24 他的事迹传遍了整个叙利亚。人们把病人送到他那里,这些人被不同的疾病和痛苦折磨着,有些人被鬼缠身,有些人患有癫痫症,还有些人瘫痪不起。耶稣为他们一一治好了病。 25 有许多人跟随着耶稣,他们分别来自加利利、低加波利 [a]、耶路撒冷、犹太和约旦河两岸地区。

Footnotes

  1. 馬 太 福 音 4:25 低加波利: 希腊文。在加利利湖东边的一个地区。它曾有主要的十座城镇。