Add parallel Print Page Options

Tinukso ng Diyablo si Jesus(A)

Pagkatapos, dinala ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Pagkatapos mag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, ipag-utos mong maging tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Jesus,

“Nasusulat,
    ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
    kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’ ”

Kasunod nito'y dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at inilagay siya sa tuktok ng templo. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula riyan, sapagkat nasusulat,

‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na ingatan ka,’
    at ‘Mga kamay nila sa iyo ay sasalo,
    upang ang paa mo'y hindi masaktan sa bato.’ ”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’ ” Muli, dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan at ang dangal ng mga ito. Sinabi nito sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga ito, kung yuyukod ka at sasamba sa akin.” 10 Sumagot sa kanya si Jesus, “Layas, Satanas! Sapagkat nasusulat,

‘Ang Panginoong Diyos ang iyong sasambahin
    at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’ ”

11 At iniwan siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.

Sinimulan ni Jesus ang Kanyang Gawain sa Galilea(B)

12 Nabalitaan ni Jesus na si Juan ay dinakip kaya't pumunta siya sa Galilea. 13 Nilisan niya ang Nazareth at siya'y nanirahan sa Capernaum na nasa tabing-dagat, sa nasasakupan ng Zebulun at Neftali, 14 upang matupad ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias:

15 “Ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali—
    daang patungo sa dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil—
16 Ang bayang itong nasasadlak sa kadiliman
    ay nakakita ng malaking tanglaw,
Sa kanilang nakaupo sa lilim ng kamatayan
    ay may liwanag na sumilang.”

17 Mula noon ay nagsimulang mangaral ng ganito si Jesus, “Magsisi kayo, sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.”

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(C)

18 Habang naglalakad sa baybayin ng lawa ng Galilea, nakita ni Jesus ang magkapatid na si Simon (na binansagang Pedro) at si Andres, na naghuhulog ng lambat sa dagat, sapagkat sila ay mga mangingisda. 19 At sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao.” 20 Kaagad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. 21 Sa paglalakad pa niya ay nakita niya ang magkapatid na Santiago at Juan, mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka silang kasama ang kanilang ama at nag-aayos ng mga lambat. Tinawag niya ang magkapatid. 22 Agad nilang iniwan ang bangka pati ang kanilang ama, at sumunod sa kanya.

Nangaral at Nagpagaling ng mga Maysakit si Jesus(D)

23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea sa pagtuturo sa mga sinagoga ng mga Judio at pagpapahayag ng Magandang Balita ng kaharian. Pinagagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa buong Syria. Dinala sa kanya ang lahat ng maysakit, ang mga pinahihirapan ng iba't ibang uri ng sakit at kirot, ang mga sinasaniban ng mga demonyo, ang mga may epilepsiya, at ang mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 At sumunod sa kanya ang napakaraming tao mula sa Galilea at sa Decapolis, mula sa Jerusalem at Judea, at mula sa ibayo ng Jordan.

Jesús es tentado

(A)Entonces Jesús fue llevado por el Espíritu al desierto para ser tentado por el diablo. Y después de haber ayunado cuarenta días y cuarenta noches(B), entonces[a] tuvo hambre. Y acercándose el tentador(C), le dijo: Si eres Hijo de Dios(D), di que estas piedras se conviertan en pan[b]. Pero Él respondiendo, dijo: Escrito está: «No solo de pan vivirá el hombre, sino de toda palabra que sale de la boca de Dios(E)». Entonces el diablo le llevó* a la ciudad santa(F), y le puso sobre el pináculo del templo, y le dijo*: Si eres Hijo de Dios, lánzate abajo, pues escrito está:

«A sus Ángeles te encomendará»,
y:
«En las manos te llevarán,
no sea que tu pie tropiece en piedra(G)».

Jesús le dijo: También está escrito: «No tentarás[c] al Señor tu Dios(H)». Otra vez el diablo le llevó* a un monte muy alto, y le mostró* todos los reinos del mundo(I) y la gloria de ellos, y le dijo: Todo esto te daré, si postrándote me adoras(J). 10 Entonces Jesús le dijo*: ¡Vete, Satanás! Porque escrito está: «Al Señor tu Dios adorarás, y solo a Él servirás[d](K)». 11 El diablo entonces le dejó*; y he aquí, ángeles vinieron y le servían(L).

Jesús va a Galilea

12 Cuando Él oyó que Juan había sido encarcelado[e](M), se retiró a Galilea(N); 13 y saliendo de Nazaret, fue y se estableció en Capernaúm(O), que está junto al mar, en la región de Zabulón y de Neftalí; 14 para que se cumpliera lo dicho por medio del profeta Isaías, cuando dijo:

15 ¡Tierra de Zabulón y tierra de Neftalí,
camino del mar[f], al otro lado del Jordán, Galilea de los gentiles[g](P)!
16 El pueblo asentado en tinieblas vio una gran luz,
y a los que vivian[h] en región y sombra de muerte,
una luz les resplandeció[i](Q).

17 Desde entonces Jesús comenzó a predicar[j](R) y a decir: Arrepentíos, porque el reino de los cielos se ha acercado(S).

Llamamiento de los primeros discípulos

18 (T)Y andando junto al mar de Galilea(U), vio a dos hermanos, Simón, llamado Pedro(V), y Andrés su hermano, echando una red al mar, porque eran pescadores. 19 Y les dijo*: Seguidme[k], y yo os haré pescadores de hombres. 20 Entonces ellos, dejando al instante las redes, le siguieron. 21 Y pasando de allí, vio a otros dos hermanos, Jacobo[l](W), hijo de Zebedeo, y Juan[m] su hermano, en la barca con su padre Zebedeo, remendando sus redes, y los llamó. 22 Y ellos, dejando al instante la barca y a su padre, le siguieron.

La fama de Jesús se extiende

23 Y Jesús iba por toda Galilea(X), enseñando(Y) en sus sinagogas y proclamando(Z) el evangelio del reino, y sanando(AA) toda enfermedad y toda dolencia en el pueblo. 24 Y se extendió su fama por toda Siria(AB); y traían a Él todos los que estaban enfermos, afectados con diversas enfermedades y dolores, endemoniados(AC), epilépticos[n](AD) y paralíticos(AE); y Él los sanaba. 25 Y le siguieron grandes multitudes(AF) de Galilea, Decápolis(AG), Jerusalén y Judea, y del otro lado del Jordán(AH).

Footnotes

  1. Mateo 4:2 Lit., más tarde, o, después
  2. Mateo 4:3 Lit., panes
  3. Mateo 4:7 O, No pondrás a prueba
  4. Mateo 4:10 O, rendirás culto
  5. Mateo 4:12 Lit., había sido entregado
  6. Mateo 4:15 O, rumbo al mar
  7. Mateo 4:15 O, de las naciones
  8. Mateo 4:16 Lit., sentados
  9. Mateo 4:16 Lit., amaneció
  10. Mateo 4:17 O, proclamar
  11. Mateo 4:19 Lit., Venid en pos de mí
  12. Mateo 4:21 O, Santiago
  13. Mateo 4:21 Gr., Ioannes; heb., Johanan
  14. Mateo 4:24 Lit., lunáticos