Add parallel Print Page Options

Kasunod nito'y dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod at inilagay siya sa tuktok ng templo. Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula riyan, sapagkat nasusulat,

‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na ingatan ka,’
    at ‘Mga kamay nila sa iyo ay sasalo,
    upang ang paa mo'y hindi masaktan sa bato.’ ”

Sinabi sa kanya ni Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’ ”

Read full chapter