Add parallel Print Page Options

14 Ngunit tumanggi si Juan. Sinabi niya: Ako ang dapat mong bawtismuhan. Bakit ka magpapabawtismo sa akin?

15 Sumagot si Jesus sa kaniya: Pumayag ka nang mangyari ito ngayon sapagkat nararapat nating tuparin ang lahat ng katuwiran sa ganitong kaparaanan. Nang magka­gayon, pumayag na si Juan.

16 Nang mabawtismuhan na si Jesus, kaagad siyang umahon mula sa tubig. Narito, ang mga langit ay nabuksan sa kaniya. Nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at lumapag kay Jesus.

Read full chapter

14 Pinigilan siya ni Juan. “Ako nga itong dapat magpabautismo sa iyo,” sabi niya, “ngunit ikaw pa ang lumalapit sa akin?” 15 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus, “Pumayag ka nang mangyari ito ngayon, sapagkat dapat nating gampanan ang buong katuwiran.” Sumang-ayon si Juan. 16 At nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Noon din ay nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng kalapati, at dumadapo sa kanya.

Read full chapter