Mateo 28
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Muling Nabuhay si Jesus(A)
28 Pagkatapos ng Sabbath, sa pagbubukang-liwayway ng unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta sa libingan upang ito'y tingnan. 2 At biglang lumindol nang malakas, sapagkat may isang anghel ng Panginoon na bumaba mula sa langit. Pumunta iyon sa libingan, iginulong ang bato, at umupo sa ibabaw nito. 3 Parang kidlat ang kanyang anyo at parang busilak sa kaputian ang kanyang pananamit. 4 At dahil sa takot sa anghel, nanginig at hinimatay ang mga bantay. 5 Subalit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot. Alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala siya rito, sapagkat nabuhay siyang muli, tulad ng sinabi niya. Halikayo, tingnan ninyo ang kanyang hinigaan.[a] 7 Magmadali kayo at sabihin ninyo sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay mula sa mga patay. Mauuna na siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo.” 8 Nagmamadali nga silang umalis sa libingan nang may magkahalong takot at malaking tuwa. Tumakbo sila upang magbalita sa mga alagad niya. 9 At biglang sinalubong sila ni Jesus, binati sila at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya at yumakap sa kanyang mga paa at sumamba sa kanya. 10 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea, at doon nila ako makikita.”
Nag-ulat ang mga Bantay
11 Habang papaalis ang mga babae, ang ilan sa mga bantay ay pumasok sa lungsod at kanilang ibinalita sa mga punong pari ang lahat ng mga nangyari. 12 Pagkatapos nilang makipagpulong sa matatandang pinuno at nagkasundo sa balakin, nagbigay sila ng malaking halaga sa mga kawal. 13 Sinabi nila, “Sabihin ninyo, ‘Dumating kagabi ang kanyang mga alagad at siya'y kanilang ninakaw habang kami'y natutulog.’ 14 Kung sakaling mabalitaan ito ng gobernador, kami na ang magpapaliwanag sa kanya, at ilalayo namin kayo sa gulo.” 15 Tinanggap nila ang salapi at ginawa nila ang ipinagbilin sa kanila. At ang ulat na ito ay kumalat sa mga Judio hanggang sa araw na ito.
Sinugo ni Jesus ang mga Alagad(B)
16 Samantala, (C) ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na ipinagbilin sa kanila ni Jesus. 17 At nang siya'y kanilang makita, sila'y sumamba sa kanya. Ngunit ang iba ay nag-alinlangan. 18 Paglapit ni Jesus ay sinabi niya sa kanila, “Naibigay na sa akin ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa. 19 Kaya't (D) sa inyong paghayo ay gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, 20 at tinuturuan silang gumanap sa lahat ng mga bagay na ipinagbilin ko sa inyo. At tandaan ninyo, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”[b][c]
Footnotes
- Mateo 28:6 Sa ibang mga manuskrito ay hinigan ng Panginoon.
- Mateo 28:20 o sanlibutan.
- Mateo 28:20 Sa ibang mga manuskrito ay mayroong Amen.
Matteo 28
Conferenza Episcopale Italiana
La tomba vuota. Messaggio dell'angelo
28 Passato il sabato, all'alba del primo giorno della settimana, Maria di Màgdala e l'altra Maria andarono a visitare il sepolcro. 2 Ed ecco che vi fu un gran terremoto: un angelo del Signore, sceso dal cielo, si accostò, rotolò la pietra e si pose a sedere su di essa. 3 Il suo aspetto era come la folgore e il suo vestito bianco come la neve. 4 Per lo spavento che ebbero di lui le guardie tremarono tramortite. 5 Ma l'angelo disse alle donne: «Non abbiate paura, voi! So che cercate Gesù il crocifisso. 6 Non è qui. E' risorto, come aveva detto; venite a vedere il luogo dove era deposto. 7 Presto, andate a dire ai suoi discepoli: E' risuscitato dai morti, e ora vi precede in Galilea; là lo vedrete. Ecco, io ve l'ho detto». 8 Abbandonato in fretta il sepolcro, con timore e gioia grande, le donne corsero a dare l'annunzio ai suoi discepoli.
L'apparizione alle pie donne
9 Ed ecco Gesù venne loro incontro dicendo: «Salute a voi». Ed esse, avvicinatesi, gli presero i piedi e lo adorarono. 10 Allora Gesù disse loro: «Non temete; andate ad annunziare ai miei fratelli che vadano in Galilea e là mi vedranno».
Sopruso dei capi giudei
11 Mentre esse erano per via, alcuni della guardia giunsero in città e annunziarono ai sommi sacerdoti quanto era accaduto. 12 Questi si riunirono allora con gli anziani e deliberarono di dare una buona somma di denaro ai soldati dicendo: 13 «Dichiarate: i suoi discepoli sono venuti di notte e l'hanno rubato, mentre noi dormivamo. 14 E se mai la cosa verrà all'orecchio del governatore noi lo persuaderemo e vi libereremo da ogni noia». 15 Quelli, preso il denaro, fecero secondo le istruzioni ricevute. Così questa diceria si è divulgata fra i Giudei fino ad oggi.
Apparizione in Galilea e missione universale
16 Gli undici discepoli, intanto, andarono in Galilea, sul monte che Gesù aveva loro fissato. 17 Quando lo videro, gli si prostrarono innanzi; alcuni però dubitavano. 18 E Gesù, avvicinatosi, disse loro: «Mi è stato dato ogni potere in cielo e in terra. 19 Andate dunque e ammaestrate tutte le nazioni, battezzandole nel nome del Padre e del Figlio e dello Spirito santo, 20 insegnando loro ad osservare tutto ciò che vi ho comandato. Ecco, io sono con voi tutti i giorni, fino alla fine del mondo».
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
