Add parallel Print Page Options

Iniharap si Jesus kay Pilato(A)

27 Kinaumagahan, ang lahat ng mga punong pari at ang matatandang pinuno ng bayan ay nagsanggunian kung paano maipapapatay si Jesus. Siya'y ginapos nila, dinala sa labas, at iniharap sa gobernador na si Pilato.

Nagpakamatay si Judas(B)

Nang makita (C) ng nagkanulong si Judas na si Jesus ay nahatulan na, siya'y nagsisi at isinauli niya ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at sa matatandang pinuno. Wika niya, “Nagkasala ako sa pagkakanulo sa dugong walang sala.” Ngunit sinabi nila, “Ano iyon sa amin? Bahala ka sa sarili mo.” At inihagis ni Judas ang mga piraso ng pilak sa loob ng templo at siya'y lumabas. Umalis siya at nagbigti. Pinulot ng mga punong pari ang mga piraso ng pilak at sinabi nila, “Hindi nararapat na ilagay ang mga ito sa kabang-yaman, sapagkat dugo ang katumbas nito.” Kaya't napagkasunduan nilang gamitin iyon upang bilhin ang bukid ng magpapalayok, na gagawing libingan ng mga dayuhan. Dahil dito, ang bukid na iyon ay tinawag na Bukid ng Dugo hanggang sa araw na ito. Kaya't (D) natupad ang sinabi sa pamamagitan ni Propeta Jeremias,[a] “At kinuha nila ang tatlumpung pirasong pilak, na inihalaga sa kanya ng ilang anak ng Israel, 10 at ang mga iyon ay ipinambayad nila sa bukid ng magpapalayok, gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.”

Si Jesus sa Harapan ni Pilato(E)

11 Samantala, tumayo si Jesus sa harap ng gobernador at tinanong siya nito, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” “Ikaw ang nagsasabi niyan,” sagot ni Jesus. 12 Subalit nang magparatang sa kanya ang mga punong pari at ang matatandang pinuno ay wala siyang sinabing anuman. 13 At sinabi ni Pilato sa kanya, “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang ibinibintang nila sa iyo?” 14 Ngunit ni isa mang kataga ay hindi siya sumagot sa kanya, na lubhang ipinagtaka ng gobernador.

Hinatulang Mamatay si Jesus(F)

15 Nakaugalian na noon ng gobernador na sa tuwing kapistahan ng Paskuwa ay nagpapalaya siya para sa mga taong-bayan ng sinumang bilanggo na kanilang maibigan. 16 Nang panahong iyon ay mayroong isang bilanggo na kilabot sa kasamaan, na nagngangalang Jesus Barabas.[b] 17 Kaya't nang magkasama-sama ang mga tao ay sinabi ni Pilato sa kanila, “Sino ang ibig ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas ba, o si Jesus na tinatawag na Cristo?” 18 Sinabi niya ito sapagkat nahalata niyang dahil sa inggit ay iniharap nila si Jesus sa kanya. 19 At habang nakaupo siya sa upuan ng paghuhukom, ipinasabi sa kanya ng kanyang asawa ang ganito, “Huwag mong gagawan ng anuman ang taong iyan na walang sala, sapagkat labis akong pinahirapan sa panaginip ko sa araw na ito dahil sa kanya.” 20 Ngunit inudyukan ng mga punong pari at ng matatandang pinuno ang mga taong-bayan na kanilang hilingin si Barabas at patayin naman si Jesus. 21 Muling sumagot ang gobernador at sinabi sa kanila, “Sino sa dalawa ang nais ninyong palayain ko sa inyo?” Sila'y sumagot, “Si Barabas!” 22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “At ano naman ang gagawin ko rito kay Jesus, ang tinatawag na Cristo?” Lahat sila'y nagsabi, “Ipako siya sa krus!” 23 At sinabi niya, “Bakit, ano ba'ng ginawa niyang masama?” Ngunit lalo silang nagsisigaw, “Ipako siya sa krus!” 24 Kaya't (G) nang makita ni Pilato na wala na siyang magagawa, at sa halip ay mayroon nang namumuong isang malaking kaguluhan, kumuha siya ng tubig at hinugasan niya ang kanyang mga kamay sa harap ng madla, at kanyang sinabi, “Wala akong kinalaman sa pagdanak ng dugo ng taong ito.[c] Kayo ang may kagagawan nito.” 25 Sumagot ang buong bayan at nagsabi, “Hayaang panagutan namin at ng aming mga anak ang kanyang dugo.” 26 Pagkatapos ay pinalaya niya sa kanila si Barabas. Subalit si Jesus ay ipinahagupit niya at ipinaubaya upang ipako sa krus.

Tinuya ng mga Kawal si Jesus(H)

27 Dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio at tinipon nila ang buong batalyon ng mga kawal sa harapan niya. 28 Siya'y kanilang hinubaran at isinuot sa kanya ang isang balabal na matingkad na pula. 29 Gumawa sila ng isang koronang tinik at ipinatong sa kanyang ulo. Ipinahawak nila sa kanang kamay niya ang isang tambo at sila'y lumuhod sa harapan niya at siya'y kanilang nilibak, sa pagsasabing, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” 30 Siya'y kanilang dinuraan. Kinuha nila ang tambo at paulit-ulit na inihampas sa kanyang ulo. 31 Matapos siyang kutyain, hinubaran siya ng balabal at isinuot sa kanya ang kanyang mga damit. Pagkatapos, siya ay kanilang inilabas upang ipako sa krus.

Si Jesus ay Ipinako sa Krus(I)

32 Habang lumalabas sila sa lungsod, nakasalubong nila ang isang lalaking taga-Cirene, na nagngangalang Simon. Pinilit nila itong magpasan ng kanyang krus. 33 Dumating sila sa isang pook na tinatawag na Golgotha (na ang ibig sabihin ay “Ang Pook ng Bungo”). 34 Doon, siya ay kanilang binigyan (J) ng maiinom na alak na may halong apdo. Subalit nang kanyang matikman ay ayaw niyang inumin. 35 At (K) nang siya'y maipako nila sa krus, nagpalabunutan sila upang mapaghati-hatian ang kanyang mga damit. 36 Pagkatapos, umupo sila at nagbantay sa kanya roon. 37 Sa itaas ng kanyang ulo ay kanilang inilagay ang paratang sa kanya, na may ganitong nakasulat: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.” 38 May dalawang tulisan na ipinakong kasama niya, isa sa kanan at isa sa kaliwa. 39 Ang mga nagdaraan (L) ay nangungutya sa kanya at pailing-iling 40 na (M) nagsasabi, “Ikaw na magwawasak sa templo, at sa ikatlong araw ay muling magtatayo nito, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!” 41 Sa gayunding paraan ay kinutya siya ng mga punong pari, kasama ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng matatandang pinuno. Wika nila, 42 “Iniligtas niya ang iba ngunit hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Siya raw ang Hari ng Israel. Bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo sa kanya. 43 Nagtiwala (N) siya sa Diyos. Tingnan natin ngayon kung ililigtas siya ng Diyos, kung gusto niya, sapagkat sinabi niyang siya ang Anak ng Diyos.” 44 Kinutya rin siya ng mga tulisang ipinako sa krus na kasama niya.

Namatay si Jesus(O)

45 Mula sa katanghaliang-tapat[d] hanggang sa ikatlo ng hapon[e] ay nagdilim sa buong lupain. 46 At (P) nang malapit na ang ikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus nang napakalakas, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” 47 Nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon ay sinabi nila, “Tinatawag ng taong ito si Elias.” 48 Agad na tumakbo (Q) ang isa sa kanila, kumuha ng isang espongha at isinawsaw sa suka,[f] ikinabit sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin. 49 Ngunit ang iba'y nagsabi, “Hayaan muna ninyo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang siya'y iligtas.” 50 Muling sumigaw si Jesus nang napakalakas at nalagot ang kanyang hininga. 51 At (R) biglang napunit sa dalawa ang tabing ng templo, mula itaas hanggang sa ibaba. Nayanig ang lupa, nabiyak ang mga bato. 52 Nabuksan ang mga libingan, at maraming katawan ng mga taong banal na namatay ang muling nabuhay. 53 Lumabas ang mga ito sa mga libingan at pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, sila'y pumasok sa banal na lungsod at doon ay nakita ng maraming tao. 54 Nang makita ng senturyon at ng mga kasamahan niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga pangyayari, kinilabutan sila, at nagsabi, “Totoo ngang ito ang Anak ng Diyos.”[g] 55 At (S) maraming babaing naroroon din ang nakatanaw mula sa malayo. Sumunod sila kay Jesus mula pa sa Galilea upang maglingkod sa kanya. 56 Kabilang sa mga iyon ay si Maria Magdalena, si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.

Inilibing si Jesus(T)

57 Nang magdadapit-hapon na ay dumating ang isang mayamang lalaking taga-Arimatea, na nagngangalang Jose, na naging alagad din ni Jesus. 58 Ang taong ito ay pumunta kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. At ipinag-utos ni Pilato na iyon ay ibigay kay Jose. 59 Kinuha ni Jose ang bangkay at binalot sa isang malinis na telang lino, 60 at inilagay ito sa sarili niyang bagong libingan, na kanyang ipinaukit sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan, at siya'y umalis. 61 Naroon at nakaupo si Maria Magdalena at ang isa pang Maria sa tapat ng libingan.

Naglagay ng mga Bantay sa Libingan

62 Nang sumunod na araw, pagkatapos ng araw ng Paghahanda, nagpulong sa harapan ni Pilato ang mga punong pari at ang mga Fariseo. 63 Kanilang sinabi, (U) “Ginoo, natatandaan naming sinabi ng bulaang iyon noong siya'y nabubuhay pa na siya raw ay muling mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw. 64 Kaya't pabantayang mabuti ang libingan hanggang sa ikatlong araw; baka pumaroon ang kanyang mga alagad at nakawin siya, at ipagsabi sa mga tao na siya'y muling nabuhay mula sa mga patay. Kapag nagkagayon, magiging masahol pa ang huling pandaraya kaysa una.” 65 Sinabi ni Pilato sa kanila, “Mayroon kayong bantay;[h] pumunta kayo roon at tiyakin ninyong hindi iyon mabubuksan.” 66 Pumunta nga sila roon, at tiniyak na hindi mabubuksan ang libingan. Sinelyuhan nila ito at mahigpit na pinabantayan.

Footnotes

  1. Mateo 27:9 Sa ibang mga manuskrito ay Zacarias o Isaias.
  2. Mateo 27:16 Sa ibang mga manuskrito ay walang Jesus.
  3. Mateo 27:24 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng matuwid na taong ito.
  4. Mateo 27:45 o ikaanim na oras sa pagbilang ng oras ng mga Judio.
  5. Mateo 27:45 ++ 45, 46 o ikasiyam na oras sa pagbilang ng oras ng mga Judio.
  6. Mateo 27:48 o maasim na alak.
  7. Mateo 27:54 o isang anak ng Diyos.
  8. Mateo 27:65 o Magkaroon kayo ng bantay.

The Death of Judas

27 Early in the morning all the chief priests and the leaders of the people decided to execute Yeshua. They tied him up, led him away, and handed him over to Pilate, the governor.

Then Judas, who had betrayed Yeshua, regretted what had happened when he saw that Yeshua was condemned. He brought the 30 silver coins back to the chief priests and leaders. He said, “I’ve sinned by betraying an innocent man.”

They replied, “What do we care? That’s your problem.”

So he threw the money into the temple, went away, and hanged himself.

The chief priests took the money and said, “It’s not right to put it into the temple treasury, because it’s blood money.” So they decided to use it to buy a potter’s field for the burial of strangers. That’s why that field has been called the Field of Blood ever since. Then what the prophet Jeremiah had said came true, “They took the 30 silver coins, the price the people of Israel had placed on him, 10 and used the coins to buy a potter’s field, as the Lord had directed me.”

Pilate Questions Jesus(A)

11 Yeshua stood in front of the governor, Pilate. The governor asked him, “Are you the king of the Jews?”

“Yes, I am,” Yeshua answered.

12 While the chief priests and leaders were accusing him, he said nothing. 13 Then Pilate asked him, “Don’t you hear how many charges they’re bringing against you?”

14 But Yeshua said absolutely nothing to him in reply, so the governor was very surprised.

The Crowd Rejects Jesus(B)

15 At every Passover festival the governor would free one prisoner whom the crowd wanted. 16 At that time there was a well-known prisoner by the name of Barabbas. 17 So when the people gathered, Pilate asked them, “Which man do you want me to free for you? Do you want me to free Barabbas or Yeshua, who is called Christ?” 18 Pilate knew that they had handed Yeshua over to him because they were jealous.

19 While Pilate was judging the case, his wife sent him a message. It said, “Leave that innocent man alone. I’ve been very upset today because of a dream I had about him.”

20 But the chief priests and leaders persuaded the crowd to ask for the release of Barabbas and the execution of Yeshua.

21 The governor asked them, “Which of the two do you want me to free for you?”

They said, “Barabbas.”

22 Pilate asked them, “Then what should I do with Yeshua, who is called Christ?”

“He should be crucified!” they all said.

23 Pilate asked, “Why? What has he done wrong?”

But they began to shout loudly, “He should be crucified!”

24 Pilate saw that he was not getting anywhere. Instead, a riot was breaking out. So Pilate took some water and washed his hands in front of the crowd. He said, “I won’t be guilty of killing this man. Do what you want!”

25 All the people answered, “The responsibility for killing him will rest on us and our children.”

26 Then Pilate freed Barabbas for the people. But he had Yeshua whipped and handed over to be crucified.

The Soldiers Make Fun of Jesus(C)

27 Then the governor’s soldiers took Yeshua into the palace and gathered the whole troop around him. 28 They took off his clothes and put a bright red cape on him. 29 They twisted some thorns into a crown, placed it on his head, and put a stick in his right hand. They knelt in front of him and made fun of him by saying, “Long live the king of the Jews!” 30 After they had spit on him, they took the stick and kept hitting him on the head with it.

The Crucifixion(D)

31 After the soldiers finished making fun of Yeshua, they took off the cape and put his own clothes back on him. Then they led him away to crucify him.

32 On the way they found a man named Simon. He was from the city of Cyrene. The soldiers forced him to carry Yeshua’s cross.

33 They came to a place called Golgotha (which means “the place of the skull”). 34 They gave him a drink of wine mixed with a drug called gall. When he tasted it, he refused to drink it. 35 After they had crucified him, they divided his clothes among themselves by throwing dice. 36 Then they sat there and kept watch over him. 37 They placed a written accusation above his head. It read, “This is Yeshua, the king of the Jews.”

38 At that time they crucified two criminals with him, one on his right and the other on his left.

39 Those who passed by insulted him. They shook their heads 40 and said, “You were going to tear down God’s temple and build it again in three days. Save yourself! If you’re the Son of God, come down from the cross.” 41 The chief priests together with the experts in Moses’ Teachings and the leaders made fun of him in the same way. They said, 42 “He saved others, but he can’t save himself. So he’s Israel’s king! Let him come down from the cross now, and we’ll believe him. 43 He trusted God. Let God rescue him now if he wants. After all, this man said, ‘I am the Son of God.’” 44 Even the criminals crucified with him were insulting him the same way.

Jesus Dies on the Cross(E)

45 At noon darkness came over the whole land until three in the afternoon. 46 About three o’clock Yeshua cried out in a loud voice, “Eli, Eli, lema sabachthani?” which means, “My God, my God, why have you abandoned me?” 47 When some of the people standing there heard him say that, they said, “He’s calling Elijah.” 48 One of the men ran at once, took a sponge, and soaked it in some vinegar. Then he put it on a stick and offered Yeshua a drink. 49 The others said, “Leave him alone! Let’s see if Elijah comes to save him.”

50 Then Yeshua loudly cried out once again and gave up his life.

51 Suddenly, the curtain in the temple was split in two from top to bottom. The earth shook, and the rocks were split open. 52 The tombs were opened, and the bodies of many holy people who had died came back to life. 53 They came out of the tombs after he had come back to life, and they went into the holy city where they appeared to many people.

54 An army officer and those watching Yeshua with him saw the earthquake and the other things happening. They were terrified and said, “Certainly, this was the Son of God!”

55 Many women were there watching from a distance. They had followed Yeshua from Galilee and had always supported him. 56 Among them were Mary from Magdala, Mary (the mother of James and Joseph), and the mother of Zebedee’s sons.

Jesus Is Placed in a Tomb(F)

57 In the evening a rich man named Joseph arrived. He was from the city of Arimathea and had become a disciple of Yeshua. 58 He went to Pilate and asked for the body of Yeshua. Pilate ordered that it be given to him.

59 Joseph took the body and wrapped it in a clean linen cloth. 60 Then he laid it in his own new tomb, which had been cut in a rock. After rolling a large stone against the door of the tomb, he went away. 61 Mary from Magdala and the other Mary were sitting there, facing the tomb.

The Chief Priests and Pharisees Secure Jesus’ Tomb

62 The next day, which was the day of worship, the chief priests and Pharisees gathered together and went to Pilate. 63 They said, “Sir, we remember how that deceiver said while he was still alive, ‘After three days I will be brought back to life.’ 64 Therefore, give the order to make the tomb secure until the third day. Otherwise, his disciples may steal him and say to the people, ‘He has been brought back to life.’ Then the last deception will be worse than the first.”

65 Pilate told them, “You have the soldiers you want for guard duty. Go and make the tomb as secure as you know how.”

66 So they went to secure the tomb. They placed a seal on the stone and posted the soldiers on guard duty.