Add parallel Print Page Options

27 Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay (A)nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay:

(B)At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay (C)Pilato na gobernador.

Nang magkagayo'y si Judas, (D)na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,

Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.

At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at (E)umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.

At kinuha ng mga pangulong saserdote ang mga putol na pilak, at sinabi, Hindi matuwid na ilagay ang pilak na iyan sa kabang-yaman, sapagka't halaga ng dugo.

At sila'y nangagsanggunian, at ibinili nila ang mga yaon ng bukid ng magpapalyok, upang paglibingan ng mga taga ibang bayan.

Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang (F)bukid ng dugo, (G)hanggang ngayon.

Nang magkagayo'y natupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias, na nagsasabi, (H)At kinuha nila ang tatlongpung putol na pilak, halaga noong hinalagahan, na inihalaga ng mga anak ng Israel;

10 At kanilang ibinigay ang mga yaon na pinakabayad sa bukid ng magpapalyok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

11 Si Jesus nga ay nakatayo sa harap ng gobernador: (I)at tinanong siya ng gobernador, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsasabi.

12 At nang siya'y isakdal ng mga pangulong saserdote at ng matatanda, ay hindi siya sumagot ng (J)anoman.

13 Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Pilato, Hindi mo baga naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang sinasaksihang laban sa iyo?

14 At hindi siya sinagot niya, ng kahit isang salita man lamang: ano pa't nanggilalas na mainam ang gobernador.

15 (K)Sa kapistahan nga ay pinagkaugalian ng gobernador na pawalan sa karamihan ang isang bilanggo, na sinoman ang kanilang ibigin.

16 At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.

17 Nang sila'y mangagkatipon nga, ay sinabi sa kanila ni Pilato, Sino ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? si Barrabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?

18 Sapagka't natatalastas niya na dahil sa kapanaghilian ay ibinigay siya nila sa kaniya.

19 At samantalang nakaupo siya sa (L)luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.

20 Inudyukan (M)ng mga pangulong saserdote at ng matatanda ang mga karamihan na hingin nila si Barrabas, at puksain si Jesus.

21 Datapuwa't sumagot ang gobernador at sa kanila'y sinabi, Alin sa dalawa ang ibig ninyong sa inyo'y aking pawalan? At sinabi nila, Si Barrabas.

22 Sinabi sa kanila ni Pilato, Ano ang gagawin kay Jesus na tinatawag na Cristo? Sinabi nilang lahat, Mapako siya sa krus.

23 At sinabi niya, Bakit, anong kasamaan ang kaniyang ginawa? Datapuwa't sila'y lalong nangagsigawan, na nangagsasabi, Mapako siya sa krus.

24 Kaya't nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, kundi bagkus pa ngang lumalala ang kaguluhan, siya'y (N)kumuha ng tubig, at naghugas ng kaniyang mga kamay sa harap ng karamihan, na sinasabi, Wala akong kasalanan sa dugo nitong matuwid na tao; kayo ang bahala niyan.

25 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, (O)Mapasa amin ang kaniyang dugo, at sa aming mga anak.

26 Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay (P)hinampas at ibinigay upang ipako sa krus.

27 Nang magkagayo'y dinala si Jesus (Q)ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio, at nagkatipon sa kaniya ang buong pulutong.

28 At siya'y kanilang hinubdan, at dinamtan (R)siya ng isang balabal na kulay-ube.

29 At sila'y nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo; at sila'y nagsiluhod sa harap niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsisipagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio!

30 At siya'y (S)kanilang niluluraan, at kinuha nila ang tambo at sinaktan siya sa ulo.

31 At nang siya'y kanilang malibak, ay hinubdan nila siya ng balabal, at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

32 (T)At paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong (U)taga Cirene, na ang pangala'y Simon: ito'y kanilang pinilit na sumama sa kanila, upang pasanin niya ang kaniyang krus.

33 (V)At nang sila'y magsirating sa isang dakong tinatawag na Golgota, (W)sa makatuwid baga'y, Ang dako ng bungo,

34 Ay pinainom nila siya ng (X)alak na may kahalong apdo: at nang kaniyang matikman, ay ayaw niyang inumin.

35 At nang siya'y kanilang maipako sa krus ay (Y)kanilang binahagi ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran;

36 At sila'y nangagsiupo at binantayan siya roon.

37 (Z)At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.

38 Nang magkagayo'y ipinakong kasama niya ang (AA)dalawang tulisan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

39 At siya'y nililibak (AB)ng nangagdaraan, na iginagalaw ang kanilang mga ulo,

40 At nangagsasabi, Ikaw (AC)na igigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itatayo, iyong iligtas ang sarili mo: kung ikaw ay Anak ng Dios, ay bumaba ka sa krus.

41 Gayon din naman ang paglibak sa kaniya ng mga pangulong saserdote, pati ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsipagsabi,

42 Nagligtas siya sa mga iba; sa kaniyang sarili ay hindi makapagligtas. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at tayo'y magsisisampalataya sa kaniya.

43 Nananalig siya sa Dios; (AD)iligtas niya siya ngayon, kung siya'y iniibig: sapagka't sinabi niya, Ako'y Anak ng Dios.

44 At minumura din naman siya ng mga tulisang kasama niyang nangapapako sa krus.

45 (AE)Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam.

46 At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, (AF)Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?

47 At nang marinig ito ng ilan sa nangakatayo roon, ay sinabi, Tinatawag ng taong ito si Elias.

48 At pagkaraka'y tumakbo ang isa sa kanila, at kumuha ng isang espongha, at binasa ng suka, saka inilagay sa isang (AG)tambo, at ipinainom sa kaniya.

49 (AH)At sinabi ng mga iba, Pabayaan ninyo; tingnan natin kung paririto si Elias upang siya'y iligtas.

50 At muling sumigaw si (AI)Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.

51 At narito, (AJ)ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig (AK)ang lupa; at nangabaak ang mga bato;

52 At nangabuksan ang mga libingan; at maraming katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon;

53 At paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya'y mabuhay na maguli ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.

54 (AL)Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.

55 At nangaroroon ang (AM)maraming babae na nagsisipanood buhat sa malayo, (AN)na nagsisunod kay Jesus buhat sa Galilea, na siya'y kanilang pinaglilingkuran:

56 Na sa mga yaon ay si Maria Magdalena, at si (AO)Maria na ina ni Santiago at ni Jose, at ang (AP)ina ng mga anak ni Zebedeo.

57 (AQ)At nang hapon na ay dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose, na ito'y naging alagad din naman ni Jesus;

58 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato, at hiningi ang bangkay ni Jesus. Nang magkagayo'y ipinagutos ni (AR)Pilato na ibigay yaon.

59 At kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya ng isang malinis na kayong lino,

60 At (AS)inilagay sa kaniyang sariling bagong libingan, na kaniyang hinukay sa bato: at iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at umalis.

61 At nangaroon si Maria Magdalena, at (AT)ang isang Maria, at nangakaupo sa tapat ng libingan.

62 Nang kinabukasan nga, na siyang araw pagkatapos (AU)ng Paghahanda, ay nangagkatipon kay Pilato ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo,

63 Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, (AV)Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.

64 Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.

65 Sinabi sa kanila ni Pilato, Mayroon kayong (AW)bantay: magsiparoon kayo, inyong ingatan ayon sa inyong makakaya.

66 Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.

Dinala si Jesus kay Pilato(A)

27 Kinaumagahan, ang lahat ng mga punong pari at ang matatanda sa bayan ay sama-samang nag-usap laban kay Jesus upang siya'y ipapatay.

Siya'y ginapos nila, dinala sa labas, at ibinigay nila kay Pilato na gobernador.

Nagpakamatay si Judas(B)

At(C) si Judas na nagkanulo kay Jesus,[a] nang nakitang hinatulan na ito, ay nagsisi at isinauli ang tatlumpung pirasong pilak sa mga punong pari at sa matatanda,

na sinasabi, “Ako'y nagkasala sa pagkakanulo ko sa dugong walang sala.” Ngunit sinabi nila, “Ano iyon sa amin? Ikaw ang bahala diyan.”

At inihagis niya sa templo ang mga piraso ng pilak at siya'y umalis. Humayo siya at nagbigti.

Subalit habang pinupulot ng mga punong pari ang mga piraso ng pilak, nagsabi sila, “Hindi matuwid na ilagay ang mga ito sa kabang-yaman, sapagkat dugo ang kapalit ng halagang ito.”

Pagkatapos mag-usap, ibinili nila ang mga iyon ng bukid ng magpapalayok upang paglibingan ng mga dayuhan.

Kaya't ang bukid na iyon ay tinawag na Bukid ng Dugo hanggang sa araw na ito.

Kaya't(D) natupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Jeremias,[b] na sinasabi, “At kinuha nila ang tatlumpung pirasong pilak, ang halaga niya na itinuring na halaga ng ilan sa mga anak ng Israel,

10 at ibinigay nila ang mga iyon para sa bukid ng magpapalayok, gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.”

Si Jesus sa Harapan ni Pilato(E)

11 Si Jesus ay nakatayo sa harap ng gobernador at tinanong siya ng gobernador, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At sinabi ni Jesus sa kanya, “Ikaw ang nagsasabi.”

12 Ngunit nang siya'y paratangan ng mga punong pari at ng matatanda ay hindi siya sumagot ng anuman.

13 At sinabi ni Pilato sa kanya, “Hindi mo ba naririnig kung gaano karaming bagay ang kanilang ipinaparatang laban sa iyo?”

14 Subalit hindi siya sumagot sa kanya kahit isang salita man lamang, na lubhang ikinamangha ng gobernador.

Hinatulang Mamatay si Jesus(F)

15 Noon sa kapistahan, nakaugalian na ng gobernador na pakawalan para sa mga tao ang sinumang bilanggo na kanilang maibigan.

16 Nang panahong iyon ay mayroon silang isang bilanggo na kilala sa kasamaan, na tinatawag na Jesus Barabas.[c]

17 Kaya't nang sila'y magkatipon ay sinabi ni Pilato sa kanila, “Sino ang ibig ninyong pakawalan ko sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?”

18 Sapagkat nabatid niya na dahil sa inggit ay kanilang ibinigay si Jesus sa kanya.

19 At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng paghuhukom, nagpasabi sa kanya ang kanyang asawa, “Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan, sapagkat sa araw na ito'y labis akong naghirap sa panaginip dahil sa kanya.”

20 Subalit hinikayat ng mga punong pari at ng matatanda ang maraming tao na hingin nila si Barabas at patayin naman si Jesus.

21 Sumagot muli ang gobernador at sinabi sa kanila, “Alin sa dalawa ang ibig ninyong pakawalan ko sa inyo?” At sinabi nila, “Si Barabas.”

22 Sinabi sa kanila ni Pilato, “At anong gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sinabi nilang lahat, “Ipako siya sa krus!”

23 At sinabi niya, “Bakit, anong kasamaan ang ginawa niya?” Ngunit lalo silang nagsigawan, na nagsasabi, “Ipako siya sa krus!”

24 Kaya't(G) nang makita ni Pilato na wala siyang magawa, sa halip ay nagsisimula pa nga ang isang malaking gulo, siya'y kumuha ng tubig at naghugas ng kanyang mga kamay sa harap ng napakaraming tao, na sinasabi, “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito.[d] Kayo na ang bahala diyan.”

25 At sumagot ang buong bayan at nagsabi, “Pananagutan namin at ng aming mga anak ang kanyang dugo.”

26 Pagkatapos ay pinakawalan niya sa kanila si Barabas ngunit si Jesus, pagkatapos hagupitin, ay ibinigay upang ipako sa krus.

Nilibak ng mga Kawal si Jesus(H)

27 Dinala si Jesus ng mga kawal ng gobernador sa Pretorio at tinipon nila ang buong pangkat ng mga kawal sa paligid niya.

28 At siya'y kanilang hinubaran at dinamitan ng isang balabal na pulang-pula.

29 Sila'y gumawa ng isang koronang tinik, ipinatong ito sa kanyang ulo, at inilagay sa kanang kamay niya ang isang tambo. Lumuhod sila sa harapan niya at siya'y kanilang nilibak, na nagsasabi, “Mabuhay, Hari ng mga Judio!”

30 Siya'y kanilang niluraan. Kinuha nila ang tambo at hinampas ang kanyang ulo.

31 Pagkatapos na siya'y libakin, hinubad nila sa kanya ang balabal, isinuot sa kanya ang mga damit niya, at kanilang inilabas siya upang ipako sa krus.

Ipinako si Jesus sa Krus(I)

32 Sa paglabas nila'y kanilang nasalubong ang isang taong taga-Cirene, na Simon ang pangalan. Pinilit nila ang taong ito na pasanin ang krus ni Jesus.[e]

33 At nang sila'y makarating sa isang dakong tinatawag na Golgota, (na ang kahulugan ay, “Ang Dako ng Bungo”),

34 kanilang binigyan(J) siya ng alak na may kahalong apdo upang inumin. Ngunit nang kanyang matikman ay ayaw niyang inumin.

35 At(K) nang siya'y maipako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan.

36 Pagkatapos, sila'y umupo at binantayan siya roon.

37 At sa itaas ng kanyang ulo ay inilagay nila ang paratang sa kanya, na nasusulat, “ITO SI JESUS ANG HARI NG MGA JUDIO.”

38 At may dalawang tulisan na ipinakong kasama niya, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

39 Siya'y(L) inalipusta ng mga nagdaraan at pailing-iling,

40 na(M) nagsasabi, “Ikaw na gigiba sa templo, at sa ikatlong araw ay itatayo ito, iligtas mo ang iyong sarili! Kung ikaw ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!”

41 Sa gayunding paraan ay nilibak siya ng mga punong pari, kasama ng mga eskriba at ng matatanda, na nagsasabi,

42 “Nagligtas siya ng iba; hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo sa kanya.

43 Nagtiwala(N) siya sa Diyos; kanyang iligtas siya ngayon kung ibig niya, sapagkat sinabi niya, ‘Ako'y Anak ng Diyos.’”

44 Sa gayunding paraan ay inalipusta siya ng mga tulisan na ipinako sa krus na kasama niya.

Namatay si Jesus(O)

45 Mula nang oras na ikaanim[f] ay nagdilim sa buong lupain hanggang sa oras na ikasiyam.[g]

46 At(P) nang malapit na ang oras na ikasiyam[h] ay sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang kahulugan ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

47 At nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon ay sinabi nila, “Tinatawag ng taong ito si Elias.”

48 Tumakbo(Q) kaagad ang isa sa kanila at kumuha ng isang espongha, pinuno ito ng suka,[i] inilagay sa isang tambo, at ibinigay sa kanya upang inumin.

49 Ngunit sinabi ng iba, “Pabayaan ninyo siya, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya.”

50 At muling sumigaw si Jesus ng may malakas na tinig at nalagot ang kanyang hininga.

51 At(R) nang sandaling iyon, ang tabing ng templo ay napunit sa dalawa, mula sa itaas hanggang sa ibaba; nayanig ang lupa; at nabiyak ang mga bato.

52 Nabuksan ang mga libingan at maraming katawan ng mga banal na natulog[j] ay bumangon,

53 at paglabas nila sa mga libingan pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay ay pumasok sila sa banal na lunsod at nagpakita sa marami.

54 Nang makita ng senturion at ng mga kasamahan niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, sila'y lubhang natakot, at nagsabi, “Tunay na ito ang Anak ng Diyos.”[k]

55 At(S) marami ding babae roon na nakatanaw mula sa malayo na sumunod kay Jesus buhat sa Galilea, na naglingkod sa kanya.

56 Kasama sa mga iyon ay si Maria Magdalena, si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.

Inilibing si Jesus(T)

57 Kinagabihan, dumating ang isang mayamang mula sa Arimatea, na ang pangalan ay Jose, na naging alagad din ni Jesus.

58 Pumunta ang taong ito kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. At ipinag-utos ni Pilato na ibigay iyon.

59 Kinuha ni Jose ang bangkay at binalot niya iyon ng isang malinis na telang lino,

60 at inilagay sa kanyang sariling bagong libingan, na kanyang inukit sa bato. Pagkatapos ay iginulong niya ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan, at siya'y umalis.

61 Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.

Binantayan ang Libingan

62 Kinabukasan, pagkatapos ng araw ng Paghahanda, ang mga punong pari at ang mga Fariseo ay nagpulong sa harapan ni Pilato,

63 na(U) nagsasabi, “Ginoo, natatandaan namin na sinabi ng mandarayang iyon nang nabubuhay pa siya, ‘Pagkaraan ng tatlong araw ay babangon akong muli.’

64 Kaya't ipag-utos mo na bantayan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka pumaroon ang kanyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa mga tao, ‘Siya'y bumangon mula sa mga patay,’ at magiging masahol pa ang huling pandaraya kaysa una.”

65 Sinabi ni Pilato sa kanila, “Mayroon kayong bantay,[l] humayo kayo, bantayan ninyo sa paraang alam ninyo.”

66 Kaya't sila'y pumaroon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.

Footnotes

  1. Mateo 27:3 Sa Griyego ay sa kanya .
  2. Mateo 27:9 Sa ibang mga kasulatan ay Zacarias o Isaias .
  3. Mateo 27:16 Sa ibang mga kasulatan ay walang Jesus .
  4. Mateo 27:24 Sa ibang mga kasulatan ay dugo ng matuwid na taong ito .
  5. Mateo 27:32 Sa Griyego ay krus niya .
  6. Mateo 27:45 o katanghaliang-tapat sa makabagong pagbilang ng oras .
  7. Mateo 27:45 o ikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras .
  8. Mateo 27:46 o ikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras .
  9. Mateo 27:48 o maasim na alak ng kawal Romano .
  10. Mateo 27:52 o namatay .
  11. Mateo 27:54 o isang Anak ng Diyos .
  12. Mateo 27:65 o Kumuha kayo ng bantay .

耶稣被押交彼拉多(A)

27 到了早上,所有的祭司长和民间的长老商议怎样对付耶稣,好杀掉他。 他们把他绑起来,押去交给总督彼拉多。

犹大的结局(参(B)

那时,出卖耶稣的犹大见耶稣定了罪,就后悔了。他把那三十块银子还给祭司长和长老,说: “我有罪了!我出卖了无辜的人(“人”原文作“血”)!”他们说:“这是你的事,跟我们有甚么关系?” 犹大把银子丢进圣所,然后离开,出去吊死了。 祭司长把银子拾起来,说:“这是血钱,不可放在殿库里。” 他们商议之后,就用那些钱买了“陶匠的田”,用来作外国人的坟地。 所以那田称为“血田”,直到今日。 这应验了耶利米先知所说的:“他们拿了三十块银子,就是以色列人给他估定的价钱, 10 用它买了‘陶匠的田’,正如主所指示我的。”

彼拉多判耶稣钉十字架(C)

11 耶稣站在总督面前,总督问他:“你是犹太人的王吗?”耶稣回答:“这是你说的。” 12 祭司长和长老控告他的时候,他却不回答。 13 彼拉多又问他:“他们作证指控你这么多的事,你没有听见吗?” 14 耶稣一句话也不回答他,令总督非常惊奇。

15 每逢这节期,总督有一个惯例,就是给群众释放一个他们要求释放的囚犯。 16 那时,有个声名狼藉的囚犯,名叫耶数.巴拉巴。 17 群众聚集的时候,彼拉多问他们:“你们要我给你们释放谁?耶数.巴拉巴或是称为基督的耶稣呢?” 18 他知道他们是因为嫉妒才把耶稣交了来。 19 彼拉多坐在审判台上的时候,他的夫人派人来说:“你不要干涉这个义人的事,因为昨夜我在梦中因他受了很多的苦。” 20 祭司长和长老怂恿群众,叫他们去要求释放巴拉巴,除掉耶稣。 21 总督问他们:“这两个人,你们要我给你们释放哪一个?”他们说:“巴拉巴!” 22 彼拉多对他们说:“那么,我怎样处置那称为基督的耶稣呢?”他们齐声说:“把他钉十字架!” 23 彼拉多说:“为甚么呢?他作了甚么恶事呢?”众人更加大声喊叫:“把他钉十字架!” 24 彼拉多见无济于事,反会引起骚动,就拿水在群众面前洗手,说:“流这人的血,与我无关,你们自己负责吧。” 25 群众回答:“流他的血的责任,归在我们和我们子孙的身上吧。” 26 于是彼拉多给他们释放了巴拉巴;他把耶稣鞭打了,就交给他们钉十字架。

士兵戏弄耶稣(D)

27 总督的士兵把耶稣带到总督府,召集全队士兵到他面前。 28 他们脱去他的衣服,给他披上朱红色的外袍, 29 又用荆棘编成冠冕,戴在他的头上,把一根芦苇放在他的右手,跪在他面前讥笑他说:“犹太人的王万岁!” 30 然后向他吐唾沫,又拿起芦苇打他的头。 31 戏弄完了,就脱下他的外袍,给他穿回自己的衣服,带去钉十字架。

耶稣被钉十字架(E)

32 他们出来的时候,遇见一个古利奈人,名叫西门,就强迫他背耶稣的十字架。 33 到了一个地方,名叫各各他,就是“髑髅地”的意思, 34 他们把苦胆调和的酒给他喝,他尝了却不肯喝。 35 士兵把他钉了十字架,就抽签分他的衣服, 36 然后坐在那里看守他。 37 他们在耶稣的头以上,钉了一块牌子,写着他的罪状:“这是犹太人的王耶稣”。 38 当时,有两个强盗和他一同钉十字架,一个在右,一个在左。 39 过路的人嘲笑他,摇着头说: 40 “你这个想拆毁圣所,三日之内又把它建造起来的,救救自己吧!如果你是 神的儿子,从十字架上下来吧!” 41 祭司长、经学家和长老也同样讥笑他,说: 42 “他救了别人,却不能救自己。如果他是以色列的王,现在可以从十字架上下来,我们就信他。 43 他信靠 神;如果 神喜悦他,就让 神现在救他吧,因为他说自己是 神的儿子。” 44 和他一同钉十字架的强盗也都这样侮辱他。

耶稣死时的情形(F)

45 从正午到下午三点钟,遍地都黑暗了。 46 大约三点钟,耶稣大声呼叫:“以利,以利,拉马撒巴各大尼?”意思是“我的 神,我的 神,你为甚么离弃我?” 47 有几个站在那里的人,听见了就说:“这个人在呼叫以利亚呢。” 48 有一个人马上跑去拿海绵蘸满了酸酒,用芦苇递给他喝。 49 但其他的人说:“等一等,我们看看以利亚来不来救他。” 50 耶稣再大声呼叫,气就断了。 51 忽然,圣所里的幔子从上到下裂成两半;地面震动,石头崩裂; 52 而且坟墓开了,许多睡了的圣徒的身体也复活了, 53 从坟墓里出来;到了耶稣复活之后,他们进到圣城向许多人显现。 54 百夫长和跟他一起看守耶稣的士兵,看见了地震和所发生的事情,就十分惧怕,说:“这个人真是 神的儿子。” 55 有许多妇女在那里远远地观看;她们是从加利利开始跟随耶稣服事他的。 56 她们中间有抹大拉的马利亚、雅各和约西的母亲马利亚,以及西庇太的儿子的母亲。

耶稣葬在新坟墓里(G)

57 到了晚上,有一个亚利马太的富翁来到,他名叫约瑟,是耶稣的门徒。 58 这个人去见彼拉多,请求领取耶稣的身体,彼拉多就吩咐给他。 59 约瑟领了耶稣的身体,用干净的细麻布裹好, 60 放在自己的新坟墓里,就是在盘石里凿出来的。他辊了一块大石头来挡住墓门,然后才离开。 61 抹大拉的马利亚和另一个马利亚都在那里,对着坟墓坐着。

卫兵严密看守坟墓

62 第二天,就是过了“预备日”的那一天,祭司长和法利赛人去见彼拉多,说: 63 “大人,我们想起那个骗子,生前说过:‘三天之后,我要复活。’ 64 所以请你下令把坟墓严密看守,直到第三天,免得他的门徒来把他偷去,然后对民众说:‘他从死人中复活了。’这样,日后的骗局比起初的就更大了。” 65 彼拉多对他们说:“你们带着卫兵,尽你们所能的去严密看守吧。” 66 他们就去把墓前的石封好,又派卫兵把守,严密地守住坟墓。

Judas Hangs Himself

27 Early in the morning, all the chief priests and the elders of the people made their plans how to have Jesus executed.(A) So they bound him, led him away and handed him over(B) to Pilate the governor.(C)

When Judas, who had betrayed him,(D) saw that Jesus was condemned, he was seized with remorse and returned the thirty pieces of silver(E) to the chief priests and the elders. “I have sinned,” he said, “for I have betrayed innocent blood.”

“What is that to us?” they replied. “That’s your responsibility.”(F)

So Judas threw the money into the temple(G) and left. Then he went away and hanged himself.(H)

The chief priests picked up the coins and said, “It is against the law to put this into the treasury, since it is blood money.” So they decided to use the money to buy the potter’s field as a burial place for foreigners. That is why it has been called the Field of Blood(I) to this day. Then what was spoken by Jeremiah the prophet was fulfilled:(J) “They took the thirty pieces of silver, the price set on him by the people of Israel, 10 and they used them to buy the potter’s field, as the Lord commanded me.”[a](K)

Jesus Before Pilate(L)

11 Meanwhile Jesus stood before the governor, and the governor asked him, “Are you the king of the Jews?”(M)

“You have said so,” Jesus replied.

12 When he was accused by the chief priests and the elders, he gave no answer.(N) 13 Then Pilate asked him, “Don’t you hear the testimony they are bringing against you?”(O) 14 But Jesus made no reply,(P) not even to a single charge—to the great amazement of the governor.

15 Now it was the governor’s custom at the festival to release a prisoner(Q) chosen by the crowd. 16 At that time they had a well-known prisoner whose name was Jesus[b] Barabbas. 17 So when the crowd had gathered, Pilate asked them, “Which one do you want me to release to you: Jesus Barabbas, or Jesus who is called the Messiah?”(R) 18 For he knew it was out of self-interest that they had handed Jesus over to him.

19 While Pilate was sitting on the judge’s seat,(S) his wife sent him this message: “Don’t have anything to do with that innocent(T) man, for I have suffered a great deal today in a dream(U) because of him.”

20 But the chief priests and the elders persuaded the crowd to ask for Barabbas and to have Jesus executed.(V)

21 “Which of the two do you want me to release to you?” asked the governor.

“Barabbas,” they answered.

22 “What shall I do, then, with Jesus who is called the Messiah?”(W) Pilate asked.

They all answered, “Crucify him!”

23 “Why? What crime has he committed?” asked Pilate.

But they shouted all the louder, “Crucify him!”

24 When Pilate saw that he was getting nowhere, but that instead an uproar(X) was starting, he took water and washed his hands(Y) in front of the crowd. “I am innocent of this man’s blood,”(Z) he said. “It is your responsibility!”(AA)

25 All the people answered, “His blood is on us and on our children!”(AB)

26 Then he released Barabbas to them. But he had Jesus flogged,(AC) and handed him over to be crucified.

The Soldiers Mock Jesus(AD)

27 Then the governor’s soldiers took Jesus into the Praetorium(AE) and gathered the whole company of soldiers around him. 28 They stripped him and put a scarlet robe on him,(AF) 29 and then twisted together a crown of thorns and set it on his head. They put a staff in his right hand. Then they knelt in front of him and mocked him. “Hail, king of the Jews!” they said.(AG) 30 They spit on him, and took the staff and struck him on the head again and again.(AH) 31 After they had mocked him, they took off the robe and put his own clothes on him. Then they led him away to crucify him.(AI)

The Crucifixion of Jesus(AJ)

32 As they were going out,(AK) they met a man from Cyrene,(AL) named Simon, and they forced him to carry the cross.(AM) 33 They came to a place called Golgotha (which means “the place of the skull”).(AN) 34 There they offered Jesus wine to drink, mixed with gall;(AO) but after tasting it, he refused to drink it. 35 When they had crucified him, they divided up his clothes by casting lots.(AP) 36 And sitting down, they kept watch(AQ) over him there. 37 Above his head they placed the written charge against him: this is jesus, the king of the jews.

38 Two rebels were crucified with him,(AR) one on his right and one on his left. 39 Those who passed by hurled insults at him, shaking their heads(AS) 40 and saying, “You who are going to destroy the temple and build it in three days,(AT) save yourself!(AU) Come down from the cross, if you are the Son of God!”(AV) 41 In the same way the chief priests, the teachers of the law and the elders mocked him. 42 “He saved others,” they said, “but he can’t save himself! He’s the king of Israel!(AW) Let him come down now from the cross, and we will believe(AX) in him. 43 He trusts in God. Let God rescue him(AY) now if he wants him, for he said, ‘I am the Son of God.’” 44 In the same way the rebels who were crucified with him also heaped insults on him.

The Death of Jesus(AZ)

45 From noon until three in the afternoon darkness(BA) came over all the land. 46 About three in the afternoon Jesus cried out in a loud voice, “Eli, Eli,[c] lema sabachthani?” (which means “My God, my God, why have you forsaken me?”).[d](BB)

47 When some of those standing there heard this, they said, “He’s calling Elijah.”

48 Immediately one of them ran and got a sponge. He filled it with wine vinegar,(BC) put it on a staff, and offered it to Jesus to drink. 49 The rest said, “Now leave him alone. Let’s see if Elijah comes to save him.”

50 And when Jesus had cried out again in a loud voice, he gave up his spirit.(BD)

51 At that moment the curtain of the temple(BE) was torn in two from top to bottom. The earth shook, the rocks split(BF) 52 and the tombs broke open. The bodies of many holy people who had died were raised to life. 53 They came out of the tombs after Jesus’ resurrection and[e] went into the holy city(BG) and appeared to many people.

54 When the centurion and those with him who were guarding(BH) Jesus saw the earthquake and all that had happened, they were terrified, and exclaimed, “Surely he was the Son of God!”(BI)

55 Many women were there, watching from a distance. They had followed Jesus from Galilee to care for his needs.(BJ) 56 Among them were Mary Magdalene, Mary the mother of James and Joseph,[f] and the mother of Zebedee’s sons.(BK)

The Burial of Jesus(BL)

57 As evening approached, there came a rich man from Arimathea, named Joseph, who had himself become a disciple of Jesus. 58 Going to Pilate, he asked for Jesus’ body, and Pilate ordered that it be given to him. 59 Joseph took the body, wrapped it in a clean linen cloth, 60 and placed it in his own new tomb(BM) that he had cut out of the rock. He rolled a big stone in front of the entrance to the tomb and went away. 61 Mary Magdalene and the other Mary were sitting there opposite the tomb.

The Guard at the Tomb

62 The next day, the one after Preparation Day, the chief priests and the Pharisees went to Pilate. 63 “Sir,” they said, “we remember that while he was still alive that deceiver said, ‘After three days I will rise again.’(BN) 64 So give the order for the tomb to be made secure until the third day. Otherwise, his disciples may come and steal the body(BO) and tell the people that he has been raised from the dead. This last deception will be worse than the first.”

65 “Take a guard,”(BP) Pilate answered. “Go, make the tomb as secure as you know how.” 66 So they went and made the tomb secure by putting a seal(BQ) on the stone(BR) and posting the guard.(BS)

Footnotes

  1. Matthew 27:10 See Zech. 11:12,13; Jer. 19:1-13; 32:6-9.
  2. Matthew 27:16 Many manuscripts do not have Jesus; also in verse 17.
  3. Matthew 27:46 Some manuscripts Eloi, Eloi
  4. Matthew 27:46 Psalm 22:1
  5. Matthew 27:53 Or tombs, and after Jesus’ resurrection they
  6. Matthew 27:56 Greek Joses, a variant of Joseph