Add parallel Print Page Options

Namatay si Jesus(A)

45 Mula sa katanghaliang-tapat[a] hanggang sa ikatlo ng hapon[b] ay nagdilim sa buong lupain. 46 At (B) nang malapit na ang ikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus nang napakalakas, na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabacthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” 47 Nang marinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon ay sinabi nila, “Tinatawag ng taong ito si Elias.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 27:45 o ikaanim na oras sa pagbilang ng oras ng mga Judio.
  2. Mateo 27:45 ++ 45, 46 o ikasiyam na oras sa pagbilang ng oras ng mga Judio.