Add parallel Print Page Options

28 sapagkat (A) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.

24 Sinabi (A) niya sa kanila, “Ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos para sa marami.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:24 Sa ibang mga manuskrito bagong tipan.

25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao.

Read full chapter

At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo na tayong maliligtas sa pamamagitan niya mula sa poot ng Diyos.

Read full chapter

Sa (A) kanya'y nakamtan natin ang katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya,

Read full chapter

14 (A) Sa kanya ay mayroon tayong katubusan, ang kapatawaran ng mga kasalanan.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Colosas 1:14 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na sa pamamagitan ng kanyang dugo.

20 at (A) sa pamamagitan niya ay ipagkasundo sa kanyang sarili ang lahat ng bagay, nasa lupa man o sa langit, na sa pamamagitan ng kanyang dugo na dumanak sa krus ay nakamtan ang kapayapaan.

Read full chapter

12 Ganoon din ang nangyari kay Jesus. Nagdusa siya sa labas ng lungsod upang sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo ay gawin niyang banal ang mga taong-bayan.

Read full chapter

Ngunit kung tayo'y namumuhay sa liwanag tulad niya na nasa liwanag, may pakikipagkaisa tayo sa isa't isa; ang dugo ng kanyang Anak na si Jesus ang naglilinis sa atin sa lahat ng kasalanan.

Read full chapter

at (A) mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang pangunahin sa mga binuhay mula sa kamatayan, at pinuno ng mga hari sa lupa.

Doon sa umiibig at nagpalaya[a] sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugo,

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 1:5 Sa ibang manuskrito naghugas.