Add parallel Print Page Options

28 Kung (A) nasaan ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.[a]

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(B)

29 “At (C) kasunod agad ng kapighatian sa mga araw na iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig. 30 Pagkatapos (D) ay lilitaw sa langit ang palatandaan ng Anak ng Tao, at magluluksa ang lahat ng mga lipi sa lupa. Makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ibabaw ng mga ulap sa himpapawid, taglay ang kapangyarihan at maringal na kaluwalhatian.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 24:28 o agila.