Font Size
Mateo 23:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 23:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Ang lahat ng kanilang ginagawa ay upang ipakita lamang sa mga tao.(A) Pinapalapad nila ang kanilang mga pilakteria,[a] at pinahahaba ang laylayan ng kanilang mga damit. 6 Mahilig silang umupo sa mga upuang-pandangal sa mga piging at sa mga pangunahing upuan sa sinagoga. 7 Nais nilang pagpugayan sila ng mga tao sa pamilihan at tawagin silang ‘Rabbi’.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 23:5 Ang pilakteria ay sisidlang balat kung saan inilalagay ang sipi ng Exodo 13:1-6 at Deuteronomio 6:4-9; 11:13-21. Bilang pagsunod sa Kautusan, itinatali ito sa noo o sa kaliwang braso malapit sa puso.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.