Font Size
Mateo 23:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 23:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Ang nagtataas sa sarili (A) ay ibababa, at ang nagbababa sa sarili ay itataas.
13 “Kaysaklap ng inyong sasapitin, kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat isinasara ninyo ang kaharian ng langit sa harap ng mga tao; palibhasa, kayo mismo ay hindi pumapasok at ang mga nagnanais pumasok ay hindi ninyo pinapayagang makapasok. 14 [Kaysaklap ng inyong sasapitin, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Fariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalamon ninyo ang mga bahay ng mga babaing balo, at idinadahilan pa ninyo ang mahahabang panalangin: kaya't tatanggap kayo ng mas mabigat na parusa.][a]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 23:14 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.