Matteus 22
nuBibeln (Swedish Contemporary Bible)
Liknelsen om bröllopsfesten
(Luk 14:16-24)
22 Jesus berättade ännu en liknelse för dem: 2 ”Himmelriket är som när en kung förberedde en bröllopsfest för sin son. 3 Han skickade ut sina tjänare för att kalla de inbjudna, men de tackade nej.
4 Då sände han andra tjänare för att säga till dem: ’Allt är klart för måltiden, mina oxar och kalvar är slaktade. Skynda er att komma!’
5 Men de var inte intresserade. De fortsatte var och en med sitt, den ene med sin lantgård, den andre med sina affärer. 6 Några grep kungens tjänare och misshandlade dem och dödade dem. 7 Då greps kungen av vrede och sände ut sin armé, avrättade mördarna och brände ner deras stad.
8 Sedan sa han till sina tjänare: ’Bröllopsfesten är klar, men de gäster jag bjöd in är inte värdiga. 9 Gå därför ut i gathörnen och bjud alla ni ser till bröllopet.’ 10 Tjänarna gjorde då det och tog med sig alla de kunde hitta, både onda och goda, och festsalen fylldes med gäster.
11 Men när kungen kom in för att hälsa på gästerna lade han märke till en man som inte hade bröllopskläder på sig. 12 ’Min vän’, frågade han, ’hur kan du vara här utan att ha bröllopskläder på dig?’ Men mannen kunde inte svara.[a]
13 Då sa kungen till sina tjänare: ’Bind hans händer och fötter och kasta ut honom i mörkret här utanför. Där ska man gråta och skära tänder.’ 14 Många är inbjudna, men få är utvalda.”
Ska man betala skatt till kejsaren?
(Mark 12:13-17; Luk 20:20-26)
15 Då gick fariseerna iväg för att fundera ut ett sätt att få Jesus att säga något som de kunde arrestera honom för. 16 De skickade några av sina lärjungar, tillsammans med Herodes anhängare[b], och lät dem säga till Jesus: ”Mästare, vi vet att du är uppriktig och verkligen lär oss Guds väg. Du låter dig inte påverkas av någon och ser inte till personen. 17 Tala nu om för oss om det är rätt eller inte att betala skatt till kejsaren.”
18 Men Jesus visste deras ondska. ”Ni hycklare!” sa han. ”Varför försöker ni lura mig? 19 Visa mig ett mynt, ett sådant som man betalar skatt med.” Då gav de honom en denar, 20 och han frågade dem: ”Vems bild är det här, och vems underskrift?” 21 ”Kejsarens”, svarade de. ”Då så”, sa han, ”ge kejsaren det som är hans och Gud det som är Guds.”
22 När de hörde detta blev de förvånade och gick sin väg och lämnade honom ifred.
Ska de döda uppstå?
(Mark 12:18-27; Luk 20:27-40)
23 Samma dag kom några av saddukeerna, som påstår att det inte finns någon uppståndelse, och därför frågade de honom: 24 ”Mästare, Mose har sagt: ’Om en man dör barnlös, ska hans bror gifta sig med änkan och skaffa en arvtagare åt sin bror.’[c] 25 Nu fanns det faktiskt bland oss sju bröder. Den förste av bröderna gifte sig och dog barnlös, och därför gifte sig bror nummer två med änkan. 26 Men han dog också barnlös, och då gifte sig bror nummer tre med henne. Så fortsatte det tills hon varit gift med dem alla sju. 27 Sedan dog också kvinnan. 28 Vems hustru blir hon när de nu uppstår från de döda? Alla sju har ju varit gifta med henne.”
29 Men Jesus svarade: ”Ni tar alldeles fel, eftersom ni varken förstår Skriften eller Guds kraft. 30 När de döda har uppstått, ska de inte gifta sig eller bli bortgifta, utan vara som änglarna i himlen. 31 Men när det gäller de dödas uppståndelse, har ni då aldrig läst vad Gud har sagt till er: 32 ’Jag är Abrahams, Isaks och Jakobs Gud’.[d] Gud är inte en gud för döda, utan för levande.[e]” 33 När folket hörde detta, blev de alldeles häpna över hans undervisning.
Vilket bud är viktigast?
(Mark 12:28-31; Luk 10:25-28)
34 Men när fariseerna fick höra att Jesus hade fått tyst på saddukeerna, samlades de, 35 och en av dem, en laglärd, försökte sätta dit Jesus genom att fråga: 36 ”Mästare, vilket är det största budet i lagen?”
37 Jesus svarade: ” ’Du ska älska Herren, din Gud, av hela ditt hjärta, av hela din själ och av hela ditt förstånd.’[f] 38 Detta är det första budet, och också det största. 39 Det näst viktigaste liknar det första: ’Du ska älska din medmänniska som dig själv.’[g] 40 De här två buden sammanfattar hela lagen och profeterna.”
Är Messias ättling till David?
(Mark 12:35-37; Luk 20:41-44)
41 Medan fariseerna var samlade runt Jesus, frågade han dem: 42 ”Vad anser ni om Messias? Vem är han ättling till?”
De svarade: ”David.” 43 ”Varför kallar David honom då ’Herre’, när han talar ledd av Anden?” frågade Jesus. ”David sa ju:
44 ’Herren sa till min Herre:
Sätt dig på min högra sida,
tills jag har lagt dina fiender under dina fötter.’[h]
45 David kallar honom för Herre, hur skulle han då kunna vara Davids Son?”
46 Men de kunde inte svara, och från den dagen vågade ingen ställa några fler frågor till honom.
Footnotes
- 22:12 Den som inbjöd till bröllop försåg troligen gästerna med bröllopskläder ibland, och särskilt i ett sådant här fall då gästerna kom direkt från gatan. Mannen hade alltså förolämpat värden genom att vägra ta emot de kläder han blev erbjuden.
- 22:16 Herodes anhängare stödde romarna. De ville få bort Jesus av politiska skäl, eftersom de trodde att han skulle göra uppror mot romarna.
- 22:24 Se 5 Mos 25:5-6.
- 22:32 Se 2 Mos 3:6.
- 22:32 Gud talade om Abraham, Isak och Jakob som levande, trots att de hade varit döda i hundratals år.
- 22:37 Se 5 Mos 6:5.
- 22:39 Se 3 Mos 19:18.
- 22:44 Se Ps 110:1. Den som sitter på Guds högra sida delar hans makt och regerar tillsammans med honom.
Mateo 22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan(A)
22 At muling nagsalita si Jesus sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, 2 “Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad dito: May isang haring naghanda ng isang malaking salu-salo para sa kasal ng kanyang anak na lalaki. 3 Nagsugo siya ng kanyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa pagdiriwang ng kasalan; subalit ayaw dumalo ng mga inanyayahan. 4 Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin. Ibinilin sa kanila, ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan: Narito, naihanda ko na ang aking piging. Ang aking mga baka at matatabang guya ay kinatay na at nakahanda na ang lahat. Halina kayo sa pagdiriwang para sa kasal.’ 5 Ngunit hindi nila ito pinansin, sa halip ay umalis, ang isa'y pumunta sa kanyang bukirin, at ang isa nama'y sa kanyang pangangalakal. 6 Bigla namang hinawakan ng iba ang mga alipin ng hari, ipinahiya ang mga ito at pinagpapatay. 7 Ikinagalit ito ng hari, kaya't sinugo niya ang kanyang mga kawal, nilipol ang mga mamamatay-taong iyon, at sinunog ang kanilang lungsod. 8 Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang piging ng kasal, ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Kaya pumunta kayo sa mga panulukan ng mga lansangan at kahit sinong makita ninyo ay anyayahan ninyo sa pagdiriwang ng kasal.’ 10 Lumabas nga ang mga aliping iyon sa mga lansangan, at kanilang tinipon ang lahat ng natagpuan nila, masama man o mabuti; kaya't napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng kasalan.
11 “Subalit nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin, napansin niya roon ang isang taong hindi nakasuot ng damit pangkasalan. 12 At sinabi niya sa kanya, ‘Kaibigan, paano ka nakapasok dito na hindi nakadamit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang taong iyon. 13 Kaya't (B) sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Gapusin ninyo ang kanyang mga paa't mga kamay, at ihagis ninyo siya sa labas, doon sa kadiliman. Doon ay magkakaroon ng pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.’ 14 Sapagkat marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”
Ang Pagbabayad ng Buwis(C)
15 Pagkatapos nito'y umalis ang mga Fariseo at nagbalak kung paanong mabibitag si Jesus sa kanyang salita. 16 Sinugo nila sa kanya ang kanilang mga alagad, kasama ng mga kakampi ni Herodes. Kanilang sinabi, “Guro, alam naming ikaw ay totoo, at nagtuturo ka ng daan ng Diyos batay sa katotohanan at wala kang kinikilingang sinuman, sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng tao. 17 Sabihin mo sa amin, ano sa palagay mo, sang-ayon ba sa batas na magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?” 18 Subalit alam ni Jesus ang kanilang masamang balak, kaya't sinabi niya, “Bakit inilalagay ninyo ako sa pagsubok? Kayong mga mapagkunwari! 19 Ipakita ninyo sa akin ang salaping pambuwis.” At iniabot sa kanya ang isang denaryo. 20 Sila'y tinanong niya, “Kaninong larawan at pangalan ang nakasulat dito?” 21 Sinabi nila sa kanya, “Sa Emperador.” Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador at sa Diyos ang sa Diyos.” 22 Nang marinig nila ito ay napahanga sila. Siya'y kanilang iniwan at sila'y umalis.
Katanungan tungkol sa Muling Pagkabuhay(D)
23 Nang (E) araw ding iyon ay lumapit kay Jesus (F) ang mga Saduceo. Sa paniniwala nilang walang muling pagkabuhay, 24 sinabi nila, “Guro, sinabi ni Moises, ‘Kung mamatay ang isang lalaking walang anak, dapat pakasalan ng kanyang kapatid na lalaki ang kanyang asawa, at magkaroon ng mga anak para sa kanyang kapatid na lalaki.’ 25 ‘Mayroon sa aming pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at siya'y namatay. At dahil hindi siya nagkaroon ng anak ay naiwan niya ang kanyang asawa sa kanyang kapatid na lalaki. 26 Ganoon din ang nangyari sa ikalawa at sa ikatlo, hanggang sa ikapito. 27 At pagkamatay nilang lahat, namatay ang babae. 28 Sa muling pagkabuhay, sino kaya sa pito ang magiging asawa ng babae, gayong siya'y naging asawa nilang lahat?” 29 Sumagot si Jesus sa kanila, “Nagkakamali kayo, sapagkat hindi ninyo nauunawaan ang mga Kasulatan, o ang kapangyarihan ng Diyos. 30 Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao ay hindi na mag-aasawa o pag-aasawahin pa kundi sila'y magiging katulad ng mga anghel sa langit. 31 At tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi pa ba ninyo nababasa ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya, 32 ‘Ako (G) ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.’ Siya ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.” 33 Nang marinig ito ng maraming tao, sila'y namangha sa kanyang itinuturo.
Ang Dakilang Utos(H)
34 Subalit nang mabalitaan ng mga Fariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduceo, sila'y nagpulong. 35 At isa sa kanila, na isang dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong sa kanya upang siya'y subukin. 36 “Guro, alin po ba ang pinakadakilang utos sa Kautusan?” 37 At (I) sinabi niya sa kanya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang dakila at pangunahing utos. 39 At katulad nito (J) ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ 40 Nakabatay sa (K) dalawang utos na ito ang buong Kautusan at ang mga propeta.”
Nagtanong si Jesus tungkol sa Anak ni David(L)
41 Habang nagkakatipon ang ilang mga Fariseo ay nagtanong sa kanila si Jesus. 42 Sabi niya, “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kanino ba siyang anak?” Sumagot sila, “Kay David.” 43 Sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y bakit noong si David ay nasa Espiritu ay tumatawag sa kanya ng Panginoon, na nagsasabi,
44 ‘Sinabi (M) ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa aking kanan,
hanggang sa mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway” ’?
45 Kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siya magiging anak nito?” 46 Walang nakasagot sa kanya ni isa mang salita, at mula nang araw na iyon ay wala na ring nangahas pang magtanong sa kanya ng anuman.
Swedish Contemporary Bible (nuBibeln) Copyright © 2015 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
