Add parallel Print Page Options

42 Sinabi (A) ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa mga kasulatan,

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong panulukan;
Ito'y gawa ng Panginoon,
    at kahanga-hangang pagmasdan’?

43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ‘Aalisin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bansang nagbibigay ng mga bunga nito.’ 44 [Ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog, subalit dudurugin nito ang sinumang mabagsakan niya.]”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 21:44 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.