Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan,

(A)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata?

Read full chapter

10 Hindi man lamang baga nabasa ninyo ang kasulatang ito:

(A)Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali,
Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;
11 Ito'y mula sa Panginoon,
At ito'y kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

Read full chapter

17 Datapuwa't kaniyang tinitigan sila, at sinabi, Ano nga baga ito na nasusulat,

(A)Ang batong itinakuwil ng nangagtatayo ng gusali.
Ay siya ring ginawang pangulo sa panulok?

Read full chapter

11 Siya ang bato na itinakuwil (A)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.

Read full chapter

20 (A)Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga (B)apostol at ng mga (C)propeta, na si Cristo Jesus din (D)ang pangulong bato sa panulok;

Read full chapter

Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (A)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,

Read full chapter

Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,

(A)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;

Read full chapter