Font Size
Mateo 21:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 21:40-42
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
40 Kaya't pagdating ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang kanyang gagawin sa mga magsasakang iyon?” 41 Sinabi nila sa kanya, “Papatayin niya ang mga masasamang taong iyon sa kakila-kilabot na paraan at ang ubasan ay ipagkakatiwala niya sa ibang mga magsasaka na magbibigay sa kanya ng mga bunga sa mga takdang panahon.” 42 Sinabi (A) ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ba ninyo nababasa sa mga kasulatan,
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong panulukan;
Ito'y gawa ng Panginoon,
at kahanga-hangang pagmasdan’?
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.