Mateo 21:11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Sinabi ng napakaraming tao: Siya ay si Jesus, ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea.
Nilinis ni Jesus ang Templo
12 Pumasok si Jesus sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng nagtitinda at namimili sa templo. Itinumba niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.
13 Sinabi niya sa kanila: Nasusulat:
Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan ngunit ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.
Read full chapter
Mateo 21:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Sinabi ng marami, “Siya ang propetang si Jesus, na taga-Nazareth ng Galilea.”
Nilinis ni Jesus ang Templo(A)
12 Pumasok si Jesus sa templo,[a] at itinaboy niya ang lahat ng nagtitinda at namimili sa templo. Pinagbabaligtad niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 13 Sinabi (B) niya sa kanila, “Nasusulat,
‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan,’
ngunit ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”
Footnotes
- Mateo 21:12 Sa ibang mga manuskrito may salitang ng Diyos.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
