Add parallel Print Page Options

Ang mga Manggagawa sa Ubasan

20 “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang taong may-ari ng lupain, isang umaga, maaga siyang lumabas upang kumuha ng mauupahang mga manggagawa para sa kanyang ubasan. Pagkatapos silang magkasundo ng mga manggagawa sa halagang isang denaryo sa isang araw, pinapunta niya ang mga ito sa kanyang ubasan. At paglabas niya nang mag-iikasiyam ng umaga,[a] nakakita siya sa pamilihan ng ibang taong nakatayo lamang at walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan, at ibibigay ko sa inyo kung anuman ang nararapat.’ At pumunta nga sila. Sa paglabas niyang muli nang magtatanghaling-tapat na[b] at nang ikatlo ng hapon,[c] ay ganoon din ang ginawa niya. At nang malapit na ang ikalima ng hapon,[d] muli siyang lumabas at nakakita ng iba pang nakatayo. Sinabi niya sa kanila, ‘Bakit maghapon kayong nakatayo rito at walang ginagawa?’ ‘Wala po kasing umuupa sa amin,’ sagot nila. Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan.’ (A) Papalubog na ang araw, nang sabihin ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa, at ibigay mo sa kanila ang sahod nila, buhat sa mga nahuli hanggang sa mga nauna.’ Nang lumapit ang mga nagsimulang magtrabaho nang mag-iikalima ng hapon, ang bawat isa sa kanila'y tumanggap ng isang denaryo. 10 At nang lumapit ang mga nauna, ang akala nila'y mas malaki ang kanilang matatanggap; ngunit tumanggap din silang lahat ng tig-iisang denaryo. 11 Pagkatapos nilang tanggapin ito ay nagreklamo sila sa may-ari ng lupain. 12 Sinabi nila, ‘Silang huling dumating ay isang oras lamang nagtrabaho, ngunit ang ibinayad mo sa kanila ay pareho lang ng sa amin na maghapong nagtiis ng hirap at matinding init.’ 13 Ngunit sumagot siya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, wala akong ginagawang masama sa iyo. Di ba't nakipagkasundo ka sa akin sa isang denaryo? 14 Kunin mo ang nauukol sa iyo at umalis ka na. Napagpasyahan kong ibigay sa huling manggagawa ang katulad ng ibinigay ko sa iyo. 15 Wala ba akong karapatang gawin ang naisin ko sa sarili kong lupain? O minamasama mo ba ang aking kabutihang-loob?’ 16 Kaya nga (B) ang hulí ay mauuna, at ang una ay máhuhulí.”[e]

Ikatlong Pagsasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(C)

17 Habang umaakyat si Jesus patungo sa Jerusalem, ibinukod niya ang labindalawang alagad, at sa daan ay sinabi niya sa kanila, 18 “Tandaan ninyo, umaahon tayo patungong Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. At siya'y hahatulan nila ng kamatayan. 19 At siya'y ipauubaya nila sa mga Hentil upang hamakin, hagupitin, at ipako sa krus. Ngunit sa ikatlong araw, siya'y muling bubuhayin.”

Ang Kahilingan ng Ina nina Santiago at Juan(D)

20 Pagkatapos nito, lumapit kay Jesus ang ina ng mga anak na lalaki ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus at may hiniling sa kanya. 21 Tanong ni Jesus sa kanya, “Ano ang nais mo?” Sagot ng babae, “Sabihin po ninyong itong dalawa kong anak na lalaki ay uupo sa inyong kaharian, ang isa sa inyong kanan, at ang isa naman ay sa kaliwa.” 22 Subalit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ninyo nauunawaan ang inyong hinihiling. Kaya ba ninyong inuman ang kopa na malapit ko nang inuman?” Sagot nila, “Kaya po namin.” 23 Sinabi niya sa kanila, “Iinuman nga ninyo ang aking kopa, ngunit ang pag-upo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi ako ang magbibigay. Ito ay para sa kanila na pinaglaanan ng aking Ama.” 24 Nang ito'y marinig ng sampu pang alagad, nagalit sila sa magkapatid. 25 Subalit (E) tinawag sila ni Jesus at sa kanila'y sinabi, “Alam ninyong ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahangad na sila'y paglingkuran bilang mga panginoon ng kanilang nasasakupan, at ang mga taong nasa katungkulan ay nagsasamantala sa kanila gamit ang kapangyarihan. 26 Hindi (F) ganyan ang dapat mangyari sa inyo. Kundi ang sinuman sa inyo na naghahangad na maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. 27 At sinuman sa inyo na naghahangad na maging pangunahin ay dapat maging alipin ninyo, 28 kung paanong ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ialay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”

Pinagaling ang Dalawang Bulag(G)

29 Habang sila'y lumalabas sa Jerico ay sumunod sa kanya ang napakaraming tao. 30 May dalawang lalaking bulag na nakaupo sa tabing-daan. Nang marinig nilang nagdaraan si Jesus, sila'y nagsisigaw, “Maawa po kayo sa amin, Panginoon Anak ni David!” 31 Ngunit pinagsabihan sila ng mga tao upang sila'y tumahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw sa pagsasabi, “Mahabag po kayo sa amin, Panginoon, Anak ni David!” 32 Tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, “Ano'ng nais ninyong gawin ko sa inyo?” 33 Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, buksan po ninyo ang aming mga mata.” 34 Nahabag sa kanila si Jesus at hinipo ang kanilang mga mata. Kaagad silang nakakitang muli, at pagkatapos, sumunod sila sa kanya.

Footnotes

  1. Mateo 20:3 o ikatlong oras sa pagbilang ng oras ng mga Judio
  2. Mateo 20:5 o ikaanim na oras sa pagbilang ng mga Judio sa oras.
  3. Mateo 20:5 o ikasiyam na oras sa pagbilang ng mga Judio ng oras.
  4. Mateo 20:6 o ikalabing-isang oras sa pagbilang ng mga Judio ng oras.
  5. Mateo 20:16 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na, “Sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.”

Laborers in the Vineyard

20 “For the kingdom of heaven is like a master of a house who went out early in the morning to hire laborers for his vineyard. After agreeing with the laborers for a denarius[a] a day, he sent them into his vineyard. And going out about the third hour he saw others standing idle in the marketplace, and to them he said, ‘You go into the vineyard too, and whatever is right I will give you.’ So they went. Going out again about the sixth hour and the ninth hour, he did the same. And (A)about the eleventh hour he went out and found others standing. And he said to them, ‘Why do you stand here idle all day?’ They said to him, ‘Because no one has hired us.’ He said to them, ‘You go into the vineyard too.’ And (B)when evening came, the owner of the vineyard said to his (C)foreman, ‘Call the laborers and pay them their wages, beginning with the last, up to the first.’ And when those hired about the eleventh hour came, each of them received a denarius. 10 Now when those hired first came, they thought they would receive more, but each of them also received a denarius. 11 And on receiving it they grumbled at the master of the house, 12 saying, ‘These last worked only one hour, and you have made them equal to us who have borne the burden of the day and (D)the scorching heat.’ 13 But he replied to one of them, (E)‘Friend, I am doing you no wrong. Did you not agree with me for a denarius? 14 Take (F)what belongs to you and go. I choose to give to this last worker as I give to you. 15 (G)Am I not allowed to do what I choose with what belongs to me? Or (H)do you begrudge my generosity?’[b] 16 So (I)the last will be first, and the first last.”

Jesus Foretells His Death a Third Time

17 (J)And as Jesus was going up to Jerusalem, he took the twelve disciples aside, and on the way he said to them, 18 “See, (K)we are going up to Jerusalem. And the Son of Man will be delivered over to the chief priests and scribes, and they will (L)condemn him to death 19 and (M)deliver him over to the Gentiles (N)to be mocked and flogged and (O)crucified, and he will be raised on (P)the third day.”

A Mother's Request

20 (Q)Then (R)the mother of the sons of Zebedee came up to him with her sons, and (S)kneeling before him she asked him for something. 21 And he said to her, “What do you want?” She said to him, “Say that these two sons of mine (T)are to sit, one at your right hand and one at your left, (U)in your kingdom.” 22 Jesus answered, (V)“You do not know what you are asking. Are you able (W)to drink the cup that I am to drink?” They said to him, “We are able.” 23 He said to them, (X)“You will drink (Y)my cup, but to sit at my right hand and at my left is not mine to grant, (Z)but it is for those for whom it has been (AA)prepared by my Father.” 24 And when the ten heard it, they were indignant at the two brothers. 25 But Jesus called them to him and said, (AB)“You know that the rulers of the Gentiles (AC)lord it over them, and their great ones exercise authority over them. 26 (AD)It shall not be so among you. But whoever would be great among you must be your servant,[c] 27 and whoever would be first among you must be your slave,[d] 28 even as the Son of Man came not to be served but (AE)to serve, and (AF)to give his life as a ransom for (AG)many.”

Jesus Heals Two Blind Men

29 (AH)And as they went out of Jericho, a great crowd followed him. 30 And behold, there were two blind men sitting by the roadside, and when they heard that Jesus was passing by, they cried out, “Lord,[e] have mercy on us, (AI)Son of David!” 31 The crowd (AJ)rebuked them, telling them to be silent, but they cried out all the more, “Lord, have mercy on us, Son of David!” 32 And stopping, Jesus called them and said, “What do you want me to do for you?” 33 They said to him, “Lord, let our eyes be opened.” 34 And Jesus in pity touched their eyes, and immediately they recovered their sight and followed him.

Footnotes

  1. Matthew 20:2 A denarius was a day's wage for a laborer
  2. Matthew 20:15 Or is your eye bad because I am good?
  3. Matthew 20:26 Greek diakonos
  4. Matthew 20:27 Or bondservant, or servant (for the contextual rendering of the Greek word doulos, see Preface)
  5. Matthew 20:30 Some manuscripts omit Lord