Add parallel Print Page Options

‘At ikaw, Bethlehem, sa lupain ng Juda,
    ay hindi páhuhulí sa mga pinuno ng Juda;
sapagkat manggagaling sa iyo ang isang pinuno
    na siyang magpapastol ng aking bayang Israel.’ ”

Pagkatapos ay lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at tiniyak mula sa kanila ang panahon ng paglitaw ng bituin. Sila'y kanyang pinapunta sa Bethlehem at pinagbilinan ng ganito, “Pumunta kayo at hanapin ninyong mabuti ang sanggol. Kapag siya'y nakita na ninyo, balitaan ninyo ako, upang makapunta rin ako at sumamba sa kanya.”

Read full chapter