Add parallel Print Page Options

12 At dahil binalaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes, dumaan sila sa ibang daan pauwi sa kanilang sariling bayan.

Ang Pagtakas Patungo sa Ehipto

13 Nang makaalis ang mga pantas, nagpakita kay Jose sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. “Bumangon ka,” sabi nito sa kanya. “Dalhin mo ang bata at ang kanyang ina. Tumakas kayo at pumunta sa Ehipto. Manatili kayo roon hanggang sabihin ko sa iyo, sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin.” 14 Bumangon nga siya at nang gabi ring iyon ay dinala ang bata at ang ina nito papuntang Ehipto.

Read full chapter