Font Size
Mateo 19:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mateo 19:20-22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
20 Sinabi sa kanya ng kabataang lalaki, “Nasunod ko po ang lahat ng ito;[a] ano pa kaya ang kulang sa akin?” 21 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod sa akin.” 22 Subalit nang marinig ng kabataang lalaki ang salitang ito, umalis siyang napakalungkot, sapagkat napakarami niyang ari-arian.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 19:20 Sa ibang mga manuskrito may ganitong karugtong, mula sa pagkabata.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.