Add parallel Print Page Options

15 At (A)kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay (B)nagwagi ka sa iyong kapatid.

16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang (C)sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.

17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa (D)iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay (E)ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at (F)maniningil ng buwis.

Read full chapter

Kung Magkasala ang Isang Kapatid

15 “Kung (A) magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at pagsabihan mo tungkol sa kanyang pagkakamali. Gawin mo ito na kayong dalawa lamang. Kung siya'y makinig sa iyo, napanumbalik mo na ang iyong kapatid. 16 Subalit (B) kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat usapin. 17 Kung ayaw pa rin niyang makinig sa kanila, idulog mo ito sa iglesya; at kung ayaw niyang makinig pati sa iglesya, ituring mo siyang isang pagano at maniningil ng buwis.

Read full chapter