Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa(A)

10 “Mag-ingat kayo (B) na huwag ninyong hamakin ang isa man sa maliliit na ito sapagkat, sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel sa langit ay palaging nakatingin sa mukha ng aking Amang nasa langit. 11 [Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang iligtas ang napapahamak.][a] 12 Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may sandaang tupa, at isa sa kanila ay naligaw. Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam sa bundok, at lumalakad siya upang hanapin ang naligaw?

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 18:11 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.