Mateo 16:23-25
Ang Dating Biblia (1905)
23 Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.
24 Nang magkagayo'y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon.
Read full chapter
Mateo 16:23-25
Ang Salita ng Diyos
23 Ngunit humarap siya at sinabi kay Pedro: Pumunta ka sa likuran ko, Satanas. Ikaw ay hadlang sa akin sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na ukol sa Diyos, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.
Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin
24 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin.
25 Ito ay sapagkat ang sinumang ibig magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay makakasumpong nito.
Read full chapter
Mateo 16:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Hinarap niya si Pedro at sinabihan ito, “Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Sagabal ka sa akin, sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa Diyos, kundi ang mga bagay ng tao.”
Pasanin ang Krus at Sumunod kay Jesus
24 Pagkatapos (A) ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay nagnanais sumunod sa akin, talikuran niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Sapagkat (B) sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay[a] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay kanyang matatagpuan ito.
Read full chapterFootnotes
- Mateo 16:25 o kaluluwa.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.