Add parallel Print Page Options

17 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Dios, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit. 18 At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro,[a] at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya,[b] at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.[c] 19 Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan[d] sa kaharian ng Dios.[e] Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:18 Pedro: Ang ibig sabihin, bato.
  2. 16:18 iglesya: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
  3. 16:18 kapangyarihan ng kamatayan: sa literal, pintuan ng Hades.
  4. 16:19 kapangyarihan: sa literal, mga susi.
  5. 16:19 Dios: sa literal, langit.