Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)

13 Nang araw ding iyon ay lumabas ng bahay si Jesus at naupo sa tabing-dagat. Dinagsa siya ng napakaraming tao (B) kaya't sumakay siya sa isang bangka at umupo roon samantalang ang napakaraming tao ay nakatayo sa dalampasigan. At marami siyang isinalaysay sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “Makinig kayo! May isang manghahasik na lumabas upang maghasik. Habang siya'y naghahasik, may mga binhing nahulog sa tabing daan at dumating ang mga ibon at inubos nila ang mga ito. Ang ibang binhi ay nalaglag sa batuhan na kakaunti lamang ang lupa. Sumibol agad ang mga ito palibhasa'y manipis ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, ang mga iyon ay napaso sa init, at dahil hindi pa nagkakaugat ang mga iyon ay tuluyan nang nalanta. Ang ibang binhi ay nalaglag sa may mga halamang tinikan. Lumaki ang mga halamang tinikan at sumakal sa mga iyon. Ang ibang binhi ay nalaglag sa mabuting lupa, at nagsipamunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay animnapu, ang iba ay tatlumpu. Ang mga may pandinig ay makinig.”

Ang Paggamit ng mga Talinghaga(C)

10 Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad, at nagtanong, “Bakit po kayo gumagamit ng mga talinghaga sa pagsasalita ninyo sa mga tao?” 11 Sumagot siya sa kanila, “Ito ay dahil kayo ang pinagkaloobang makaalam ng mga hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, at hindi sila ang pinagkalooban ng mga ito. 12 Sapagkat (D) sinumang mayroon ay lalo pang bibigyan, at magkakaroon siya ng napakarami; ngunit sinumang wala, pati ang anumang nasa kanya ay kukunin. 13 Ako'y nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat tumitingin sila subalit hindi nakakakita, nakikinig ngunit hindi naman nakaririnig, ni nakauunawa. 14 Sa kanila natutupad (E) ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi:

‘Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
    tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita.
15 Sapagkat ang puso ng mga taong ito ay manhid na,
    at hindi na makarinig ang kanilang mga tainga,
    at kanilang ipinikit ang mga mata nila;
baka ang mga mata nila'y makakita,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang puso nila,
    at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

16 Subalit (F) pinagpala ang inyong mga mata, sapagkat ang mga ito'y nakakakita; at ang inyong mga tainga, sapagkat ang mga ito'y nakaririnig. 17 Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at mga taong matuwid ang nagnais na makita ang inyong nakikita, ngunit hindi nila nakita; at nagnais marinig ang inyong naririnig, ngunit hindi nila ito narinig.

Paliwanag sa Talinghaga tungkol sa Manghahasik(G)

18 “Ngayon, pakinggan ninyo ang ibig sabihin ng talinghaga ng manghahasik: 19 Kapag ang isang tao ay nakikinig tungkol sa kaharian, ngunit hindi niya ito inuunawa, dumarating ang diyablo[a] at inaagaw ang naihasik sa kanyang puso. Ito ang tinutukoy na mga naihasik sa may tabing daan. 20 Tungkol naman sa mga naihasik sa mga batuhan, ito ang taong nakikinig ng salita at agad itong tinatanggap nang may kagalakan, 21 gayunma'y hindi siya nagkaroon ng ugat, at hindi gaanong nagtatagal. Kapag may dumating na kagipitan o pag-uusig dahil sa salita, madali siyang natitisod. 22 Tungkol sa naihasik sa may mga halamang tinikan, ito ang taong nakikinig ng salita ngunit ang mga alalahanin sa sanlibutan at ang panlilinlang ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita, anupa't hindi ito nakapamumunga. 23 Tungkol naman sa naihasik sa mabuting lupa, siya ang taong nakikinig ng salita at nauunawaan ito, kaya't siya nga ang namumunga. May namumunga ng isandaan, ang iba ay animnapu, at ang iba ay tatlumpu.”

Ang Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan

24 Naglahad siya sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinasabi niya, “Ang kaharian ng langit ay maihahambing sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukirin. 25 Subalit habang natutulog ang kanyang mga tauhan, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng mga binhi ng damo sa triguhan, at umalis. 26 Kaya't nang tumubo na ang mga tanim at namunga, naglitawan din ang mga damo. 27 Lumapit ang mga alipin sa pinuno ng sambahayan at sinabi sa kanya, ‘Panginoon, hindi po ba't mabuting binhi ang inyong inihasik sa inyong bukirin? Paano nagkaroon ng mga damo roon?’ 28 Sinabi niya sa kanila, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ At sinabi ng mga alipin sa kanya, ‘Nais ba ninyong pumunta kami at bunutin ang mga damo?’ 29 Ngunit sumagot siya, ‘Huwag, baka sa pagbunot ninyo sa mga damo ay mabunot pati ang mga trigo. 30 Hayaan ninyong tumubo ang mga iyon na kasama ng mga trigo hanggang sa anihan, at pagsapit ng anihan ay sasabihan ko ang mga manggagapas. Tipunin muna ninyo ang mga damo. Talian ninyo ang mga ito upang sunugin; ngunit tipunin ninyo ang trigo sa aking kamalig.’ ”

Ang Talinghaga tungkol sa Binhi ng Mustasa(H)

31 Naglahad siya sa kanila ng isa pang talinghaga. Sinabi niya, “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: Kumuha ang isang tao ng isang butil na binhi ng mustasa, at inihasik sa kanyang bukirin. 32 Pinakamaliit man ito sa lahat ng mga binhi, pagtubo nito ay siya namang pinakamalaki sa mga halaman at nagiging isang puno, kaya't ang mga ibon sa himpapawid ay dumadapo roon at nagpupugad sa kanyang mga sanga.”

Ang Talinghaga tungkol sa Pampaalsa(I)

33 Nagsalaysay siya sa kanila ng isa pang talinghaga: “Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa ng tinapay na kinuha ng isang babae, at inihalo sa tatlong takal ng harina, hanggang sa mapaalsa nito ang buong masa.”

Propesiya tungkol sa mga Talinghaga(J)

34 Ang lahat ng mga ito'y sinabi ni Jesus sa maraming tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Wala siyang sinabi sa kanila kundi sa pamamagitan ng talinghaga. 35 Ito (K) ay katuparan ng sinabi sa pamamagitan ng propeta,[b]

“Sa pagbigkas ng mga talinghaga, bibig ko'y aking bubuksan,
    sasabihin ko ang mga nakatagong bagay mula pa nang itatag ang sanlibutan.”

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa mga Damo

36 Pagkatapos ay iniwan ni Jesus ang napakaraming tao at pumasok sa bahay. Nilapitan siya ng kanyang mga alagad, at sinabi sa kanya, “Ipaliwanag po ninyo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga damo sa bukirin.” 37 Sumagot siya, “Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng Tao. 38 Ang bukirin ay ang sanlibutan. Ang mabuting binhi naman ay tumutukoy sa mga anak ng kaharian, subalit ang mga damo ay ang mga anak ng Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diyablo. Ang anihan ay ang katapusan ng panahon; at ang mga manggagapas ay ang mga anghel. 40 Kaya't kung paanong binubunot ang mga damo upang sunugin sa apoy, gayundin ang mangyayari sa katapusan ng panahon. 41 Isusugo ng Anak ng Tao ang kanyang mga anghel, at titipunin nila sa labas ng kanyang kaharian ang lahat ng mga sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan; 42 at ihahagis nila ang mga ito sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Pagkatapos nito, ang mga matuwid ay magliliwanag katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang mga may pandinig ay makinig!

Ang Kayamanang Nakabaon

44 “Ang kaharian ng langit ay katulad nito: May kayamanang nakabaon sa isang bukid. Natuklasan ito ng isang tao at muli niya itong tinabunan. Sa kanyang tuwa ay humayo siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid na iyon.

Ang Mamahaling Perlas

45 “Muli, ang kaharian ng langit ay katulad nito: May isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas. 46 Nang matagpuan niya ang isang mamahaling perlas ay umalis siya at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas.

Ang Lambat

47 “At muli, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuhuli ng lahat ng uri ng isda. 48 Kapag puno na ito, hinihila ito ng mga tao sa dalampasigan. Nauupo sila upang piliin ang mabubuting isda at ilagay sa mga sisidlan, ngunit itinatapon ang mga hindi mapakikinabangan. 49 Ganoon ang mangyayari sa katapusan ng panahon. Magdadatingan ang mga anghel at ibubukod nila ang masasama sa matutuwid 50 at itatapon sila sa nagliliyab na pugon. Doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin.

Kayamanang Bago at Luma

51 “Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga ito?” Sumagot ang mga alagad, “Opo.” 52 At sinabi niya sa kanila, “Kaya't ang bawat tagapagturo ng Kautusan na sinanay para sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang imbakan ng kayamanan.”

Itinakwil si Jesus sa Nazareth(L)

53 Pagkatapos isalaysay ni Jesus ang mga talinghagang ito, nilisan niya ang lugar na iyon. 54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan, nagturo siya sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha sila sa kanya, at nagsabi, “Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan? Paano niya nagagawa ang himalang ito? 55 Hindi ba't ito ang anak ng karpintero? Di ba't Maria ang pangalan ng kanyang ina? Di ba't mga kapatid niya sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? 56 Hindi ba't narito sa bayan natin ang lahat ng kanyang mga kapatid na babae? Saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?” 57 At (M) natisod sila sa kanya. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay kinikilala kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan.” 58 Kaya't hindi siya gumawa roon ng maraming himala dahil sa hindi nila pagsampalataya.

Footnotes

  1. Mateo 13:19 Sa Griyego, masama.
  2. Mateo 13:35 Sa ibang manuskrito ay propeta Isaias.

13 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at (A)naupo sa tabi ng dagat.

At nakisama (B)sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.

At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.

At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;

At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:

At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.

At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.

At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y (C)tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.

At ang may mga (D)pakinig, ay makinig.

10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?

11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, (E)Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.

12 Sapagka't sinomang (F)mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.

13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.

14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi,

(G)Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa;
At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:
15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito,
At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga,
At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata;
Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata,
At mangakarinig ng kanilang mga tainga,
At mangakaunawa ng kanilang puso,
At muling mangagbalik loob,
At sila'y aking pagalingin.

16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.

17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, (H)na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.

18 Pakinggan (I)nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.

19 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita (J)ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.

20 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at (K)pagdaka'y (L)tinatanggap ito ng buong galak;

21 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay (M)pagdaka'y (N)natitisod siya.

22 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at (O)ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.

23 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.

24 Sinaysay niya sa kanila ang ibang (P)talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:

25 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.

26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.

27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?

28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?

29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.

30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.

31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, (Q)Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang (R)butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:

32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.

33 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: (S)Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.

34 Lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa mga karamihan (T)sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap:

35 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,

(U)Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga;
Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.

36 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa (V)bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang (W)talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid.

37 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao;

38 At (X)ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito (Y)ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay (Z)ang mga anak ng masama;

39 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: (AA)at ang pagaani ay ang (AB)katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.

40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.

41 Susuguin (AC)ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,

42 At sila'y igagatong sa kalan (AD)ng apoy: (AE)diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa (AF)kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.

44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at (AG)ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at (AH)binili ang bukid na yaon.

45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:

46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.

47 (AI)Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na (AJ)nakahuli ng sarisaring isda:

48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.

49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at (AK)ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,

50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.

51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.

52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't (AL)eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.

53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.

54 (AM)At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay (AN)kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y (AO)nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?

55 (AP)Hindi baga ito ang anak ng (AQ)anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at (AR)Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang (AS)kaniyang mga kapatid?

56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?

57 At siya'y (AT)kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, (AU)Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.

58 At siya'y (AV)hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa (AW)dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

Pilda semănătorului

13 În aceeaşi zi, Isus a ieşit din casă şi şedea(A) lângă mare. O mulţime de noroade s-au(B) strâns la El, aşa că a trebuit să Se(C) suie să şadă într-o corabie, iar tot norodul stătea pe ţărm. El le-a vorbit despre multe lucruri în pilde şi le-a zis: „Iată, semănătorul a ieşit să semene. Pe când semăna el, o parte din sămânţă a căzut lângă drum şi au venit păsările şi au mâncat-o. O altă parte a căzut pe locuri stâncoase, unde n-avea pământ mult: a răsărit îndată, pentru că n-a găsit un pământ adânc. Dar, când a răsărit soarele, s-a pălit şi, pentru că n-avea rădăcini, s-a uscat. O altă(D) parte a căzut între spini: spinii au crescut şi au înecat-o. O altă parte a căzut în pământ bun şi a dat rod: un grăunte a dat o sută(E), altul, şaizeci şi altul, treizeci. Cine(F) are urechi de auzit să audă.” 10 Ucenicii s-au apropiat de El şi I-au zis: „De ce le vorbeşti în pilde?” 11 Isus le-a răspuns: „Pentru că vouă(G) v-a fost dat să cunoaşteţi tainele Împărăţiei cerurilor, iar lor nu le-a fost dat. 12 Căci(H) celui ce are, i se va da şi va avea de prisos; iar de la cel ce n-are, se va lua chiar şi ce are. 13 De aceea le vorbesc în pilde, pentru că ei, măcar că văd, nu văd şi măcar că aud, nu aud, nici nu înţeleg. 14 Şi cu privire la ei se împlineşte prorocia lui Isaia, care zice: ‘Veţi(I) auzi cu urechile voastre şi nu veţi înţelege; veţi privi cu ochii voştri şi nu veţi vedea’. 15 Căci inima acestui popor s-a împietrit; au ajuns(J) tari de urechi, şi-au închis ochii, ca nu cumva să vadă cu ochii, să audă cu urechile, să înţeleagă cu inima, să se întoarcă la Dumnezeu şi să-i vindec. 16 Dar ferice(K) de ochii voştri că văd şi de urechile voastre că aud! 17 Adevărat vă spun că mulţi(L) proroci şi oameni neprihăniţi au dorit să vadă lucrurile pe care le vedeţi voi, şi nu le-au văzut; şi să audă lucrurile pe care le auziţi voi, şi nu le-au auzit. 18 Ascultaţi(M) dar ce înseamnă pilda semănătorului. 19 Când un om aude Cuvântul privitor la Împărăţie(N) şi nu-l înţelege, vine cel rău şi răpeşte ce a fost semănat în inima lui. Aceasta este sămânţa căzută lângă drum. 20 Sămânţa căzută în locuri stâncoase este cel ce aude Cuvântul şi-l primeşte îndată cu(O) bucurie, 21 dar n-are rădăcină în el, ci ţine până la o vreme; şi, cum vine un necaz sau o prigonire din pricina Cuvântului, se(P) leapădă îndată de el. 22 Sămânţa(Q) căzută între(R) spini este cel ce aude Cuvântul, dar îngrijorările veacului acestuia şi înşelăciunea bogăţiilor îneacă acest Cuvânt şi ajunge neroditor. 23 Iar sămânţa căzută în pământ bun este cel ce aude Cuvântul şi-l înţelege; el aduce rod: un grăunte dă o sută, altul, şaizeci, altul, treizeci.”

Pilda neghinei

24 Isus le-a pus înainte o altă pildă şi le-a zis: „Împărăţia cerurilor se aseamănă cu un om care a semănat o sămânţă bună în ţarina lui. 25 Dar, pe când dormeau oamenii, a venit vrăjmaşul lui, a semănat neghină între grâu şi a plecat. 26 Când au răsărit firele de grâu şi au făcut rod, a ieşit la iveală şi neghina. 27 Robii stăpânului casei au venit şi i-au zis: ‘Doamne, n-ai semănat sămânţă bună în ţarina ta? De unde are dar neghină?’ 28 El le-a răspuns: ‘Un vrăjmaş a făcut lucrul acesta’. Şi robii i-au zis: ‘Vrei dar să mergem s-o smulgem?’ 29 ‘Nu’, le-a zis el, ‘ca nu cumva, smulgând neghina, să smulgeţi şi grâul(S) împreună cu ea. 30 Lăsaţi-le să crească amândouă împreună până la seceriş; şi, la vremea secerişului, voi spune secerătorilor: «Smulgeţi întâi neghina şi legaţi-o în snopi, ca s-o ardem, iar grâul strângeţi-l în grânarul meu».’ ”

Pilda grăuntelui de muştar şi aluatului

31 Isus le-a pus înainte o altă pildă şi le-a zis: „Împărăţia(T) cerurilor se aseamănă cu un grăunte de muştar, pe care l-a luat un om şi l-a semănat în ţarina sa. 32 Grăuntele acesta, în adevăr, este cea mai mică dintre toate seminţele, dar, după ce a crescut, este mai mare decât zarzavaturile şi se face un copac, aşa că păsările cerului vin şi îşi fac cuiburi în ramurile lui.” 33 Le-a spus(U) o altă pildă, şi anume: „Împărăţia cerurilor se aseamănă cu un aluat pe care l-a luat o femeie şi l-a pus în trei măsuri de făină de grâu, până s-a dospit toată plămădeala”. 34 Isus a spus noroadelor toate aceste(V) lucruri în pilde şi nu le vorbea deloc fără pildă, 35 ca să se împlinească ce fusese vestit prin prorocul, care zice: „Voi(W) vorbi în pilde, voi(X) spune lucruri ascunse de la facerea lumii”.

Tâlcuirea pildei neghinei

36 Atunci, Isus a dat drumul noroadelor şi a intrat în casă. Ucenicii Lui s-au apropiat de El şi I-au zis: „Tâlcuieşte-ne pilda cu neghina din ţarină”. 37 El le-a răspuns: „Cel ce seamănă sămânţa bună este Fiul omului. 38 Ţarina(Y) este lumea; sămânţa bună sunt fiii Împărăţiei; neghina sunt fiii(Z) celui rău. 39 Vrăjmaşul care a semănat-o este Diavolul; secerişul(AA) este sfârşitul veacului; secerătorii sunt îngerii. 40 Deci cum se smulge neghina şi se arde în foc, aşa va fi şi la sfârşitul veacului. 41 Fiul omului va trimite pe îngerii Săi şi(AB) ei vor smulge din Împărăţia Lui toate lucrurile, care sunt pricină de păcătuire, şi pe cei ce săvârşesc fărădelegea 42 şi-i(AC) vor arunca în cuptorul aprins; acolo(AD) vor fi plânsul şi scrâşnirea dinţilor. 43 Atunci(AE), cei neprihăniţi vor străluci ca soarele în Împărăţia Tatălui lor. Cine(AF) are urechi de auzit să audă.

Pilda comorii ascunse şi a mărgăritarului

44 Împărăţia cerurilor se mai aseamănă cu o comoară ascunsă într-o ţarină. Omul care o găseşte o ascunde şi, de bucuria ei, se duce şi vinde(AG) tot ce are şi cumpără(AH) ţarina aceea. 45 Împărăţia cerurilor se mai aseamănă cu un negustor care caută mărgăritare frumoase. 46 Şi, când găseşte un(AI) mărgăritar de mare preţ, se duce de vinde tot ce are şi-l cumpără.

Pilda năvodului

47 Împărăţia cerurilor se mai aseamănă cu un năvod aruncat în mare, care prinde(AJ) tot felul de peşti. 48 După ce s-a umplut, pescarii îl scot la mal, şed jos, aleg în vase ce este bun şi aruncă afară ce este rău. 49 Tot aşa va fi şi la sfârşitul veacului. Îngerii vor ieşi, vor despărţi(AK) pe cei răi din mijlocul celor buni 50 şi-i(AL) vor arunca în cuptorul aprins; acolo vor fi plânsul şi scrâşnirea dinţilor. 51 ‘Aţi înţeles voi toate aceste lucruri?’ ” i-a întrebat Isus. „Da, Doamne”, I-au răspuns ei. 52 Şi El le-a zis: „De aceea, orice cărturar, care a învăţat ce trebuie despre Împărăţia cerurilor, se aseamănă cu un gospodar care scoate din vistieria lui lucruri noi(AM) şi lucruri vechi”.

Isus la Nazaret. Necredinţa locuitorilor

53 După ce a isprăvit Isus pildele acestea, a plecat de acolo. 54 A(AN) venit în patria Sa şi a început să înveţe pe oameni în sinagogă; aşa că cei ce-L auzeau, se mirau şi ziceau: „De unde are El înţelepciunea şi minunile acestea? 55 Oare(AO) nu este El fiul tâmplarului? Nu este Maria mama Lui? Şi Iacov(AP), Iosif, Simon şi Iuda nu sunt ei fraţii(AQ) Lui? 56 Şi surorile Lui nu sunt toate printre noi? Atunci de unde are El toate lucrurile acestea?” 57 Şi găseau astfel în El o pricină de poticnire(AR). Dar Isus le-a zis: „Nicăieri nu(AS) este preţuit un proroc mai puţin decât în patria şi în casa Lui”. 58 Şi n-a(AT) făcut multe minuni în locul acela din pricina necredinţei lor.

13 On that day, having gone out of the bais, Rebbe, Melech HaMoshiach sat beside the lake.

And many multitudes gathered together to him so that he got into a sirah (boat) to sit down, and the entire multitude stood along the shore.

And Rebbe, Melech HaMoshiach told them many things in meshalim (parables), saying Hinei! The Sower went out to sow [seeds].

And while he sowed, on the one hand, this [seed] fell along the road, and the birds having come, devoured them.

And others fell upon the rocky places, where there is not much soil, and immediately it sprouts on account of the lack of the soil’s depth.

And when the shemesh (sun) arose, the zera (seed) was scorched, and because it did not have a root, it withered.

And others fell among the thorns, and the thorns grew up and choked them.

But others fell on the adamah tovah (good ground), and they yielded fruit: the one, one hundred, the other, sixty, the other, thirty.

The one having oznayim (spiritual ears), let him hear!

10 And, approaching, the talmidim said to Rebbe, Melech HaMoshiach, Why in meshalim (parables) are you speaking to them?

11 And Rebbe, Melech HaMoshiach answered them, Because to you it has been granted to have daas of the razim (mysteries) of the Malchut HaShomayim, but to those it has not been granted.

12 For whoever has, [more] will be given to him, and he will have an abundance. But whoever does not have, even what he has will be taken from him (see Mt 25:14-29).

13 For this reason in meshalim I am speaking to them, for while seeing they do not see, and [while] hearing they do not hear, nor do they have binah (understanding).

14 And in them is fulfilled the nevuah (prophecy) of Yeshayah HaNavi, saying, SHIMU SHAMOA VAL TAVINU UREU RAO VAL TEIDAU (In hearing you will hear and by no means understand, and seeing you will see and by no means perceive).

15 HASHMEIN LEV HAAM HAZEH VAZNAV HACHBEID VEINAV HASHA, PEN YIREH VEINAV UVEAZNAV YISHMAH ULEVAVO YAVIN, VSHAV NRAFAH LOH. (For the heart of this people has been made dull, and with [their] ears are hard of hearing, and their eyes are shut, lest they see with the their eyes and with [their] ears they hear, and with the lev (heart) they understand and they turn and I will give them refuah [healing] YESHAYAH 6:9-10).

16 But ashrey are your eyes, for they see, and your ears, for they hear.

17 For truly I say to you that many Neviim and tzaddikim desired to see what you see, and they did not see [it], and to hear what you hear, and they did not hear it.

18 You, therefore, listen to the mashal of the sower.

19 When anyone hears the Dvar HaMalchut and does not have binah, HaRah (the Evil one) comes and seizes that which was sown in his lev (heart). This is the zera (seed) sown along the path.

20 And the zera sown upon the rocky places is the person listening to the Dvar Hashem and immediately with simcha receives it.

21 Yet he has no root in himself but is short-lived, and when ES TZARAH comes or persecution on account of the Dvar Hashem, immediately he ceases being a maamin Meshichi (Messianic believer) and becomes meshummad (apostate), falling away and giving up the [true Orthodox Jewish] faith. [YIRMEYAH 30:7]

22 And the [zera] sown among the thorns is the one hearing the dvar (word), and the rogez HaOlam Hazeh (the anxiety of this age, DEVARIM 28:65) and the mirmah (deceit) of riches, choke the Dvar Hashem and it becomes unfruitful. [YESHAYAH 53:9]

23 And the zera sown upon the adamah tovah (the good ground), this is the one who hears the Dvar Hashem and, understanding [it], indeed bears pri and, one produces a hundred, the other sixty, the other thirty.

24 Another mashal Rebbe, Melech HaMoshiach placed before them, saying, The Malchut HaShomayim is like a man sowing zera tov (good seed) in his field.

25 But while men slept, his oyev (enemy) came and oversowed weeds in between the wheat and went away.

26 But when the wheat sprouted and produced pri, then the weeds also appeared.

27 So the servants of the Baal Bayit said to him, Adoneinu, did you not sow zera tov (good seed) in your field? How then does it have weeds?

28 And he said to them, An oyev did this. So the servants say to him, Do you want us to go and pull them all?

29 But he says, No, lest gathering the weeds you should uproot the wheat together with them.

30 Permit both to grow together until the Katzir (harvest); and in time of the Katzir, I will say to the kotzerim, Collect first the weeds, and bind them into bundles to burn them. But the wheat gather into my storehouse.

31 Another mashal Rebbe, Melech HaMoshiach placed before them, saying, The Malchut HaShomayim is like a mustard seed, which a man took and sowed in his field.

32 This that is indeed less than all the zeraim (seeds), but when it grows, it is larger than the garden vegetables and it becomes an etz (tree), so that the OPH HASHOMAYIM IYOV 35:11) come and dwell in its branches.

33 Another mashal Rebbe, Melech HaMoshiach spoke to them. The Malchut HaShomayim is like seor (leaven), which having taken, a woman hid in three satas of wheat flour until the whole was leavened.

34 All these things Rebbe, Melech HaMoshiach spoke in meshalim to the multitudes. And apart from meshalim Rebbe, Melech HaMoshiach did not speak to them:

35 So that might be fulfilled what was spoken through the Navi, saying, EFTCHA VMASHAL PI AVIAH CHIDOT (I will open my mouth with parables, I will utter things having been hidden) from the foundation of the world. [TEHILLIM 78:2]

36 Then having sent away the multitudes, Rebbe, Melech HaMoshiach came into the bais (house). And Moshiach’s talmidim approached him, saying, Explain to us the mashal of the weeds of the field.

37 And answering, Rebbe, Melech HaMoshiach said, The Sower of the zera tov is the Ben HaAdam (Moshiach).

38 The field is HaOlam Hazeh. And the zera tov, the good seed, these are the Bnei HaMalchut, and the weeds, these are the bnei HaRah (sons of the Evil one, BERESHIS 3:15).

39 And the Oyev (the Enemy) sowing them is Hasatan. And the Katzir (Harvest), this is HaKetz HaOlam (the end of the age). And the kotzerim (reapers, harvesters) are malachim (angels).

40 As the weeds are pulled up and gathered and are consumed with Eish (Fire), so also it will be at the Ketz HaOlam.

41 The Ben HaAdam [Moshiach] will send forth his malachim, and they will pull up and gather out of the Moshiach’s Malchut all the things making meshummad (apostate) and the ones who are without Torah and antinomian.

42 And Moshiach’s malachim will throw them into the furnace of Eish; there will be weeping and grinding of teeth.

43 Then the tzaddikim will shine as the shemesh (sun) in the Malchut of their Father. The one having oznayim (spiritual ears), let him hear.

44 The Malchut HaShomayim is like otzar (treasure) hidden in the field, which, having found, a man hid. And from the simcha he experienced, he goes away and sells everything he has and buys that field.

45 Again, the Malchut HaShomayim is like a merchant searching for fine pearls.

46 And having found one precious peninah (pearl), he went away and liquidated everything he had and acquired it.

47 Again, the Malchut HaShomayim is like a reshet (net) having been cast into the lake, a reshet collecting and gathering dagim (fish) of all descriptions,

48 which, when this reshet (net) was filled, they hoisted it upon the shore, sat down, collected the tov (good) into a creel, and the rah (evil), they threw out.

49 Thus it will be at HaKetz HaOlam Hazeh (The End of This World). The malachim will go out and they will separate the reshaim from among the tzaddikim.

50 And they will throw the reshaim into the furnace of Eish. In that place there will be weeping and gnashing of teeth.

51 Did you have binah of all these things? They say to Rebbe, Melech HaMoshiach, Ken.

52 So Rebbe, Melech HaMoshiach said to them, Therefore, every sofer (scribe, Torah teacher, rabbi) who becomes a talmid of the Malchut HaShomayim is like a man [who is] a Baal Bayit, who takes out of his otzar (treasure), chadashot (new things) and also yeshanot (old things).

53 And it came about when Rebbe, Melech HaMoshiach finished these meshalim, that he went away from there.

54 And having come into Moshiach’s shtetl, he began ministering as a moreh (teacher) in their shul, so that they were amazed and said, From where did this chochmah come to this one, this chochmah and these moftim (miracles, wonders, omens)?

55 Is this not the ben hanaggar (the carpenter’s son)? Is not his Em called Miryam? And are not his achim Yaakov*, Yosef, Shimon and Yehuda**?

56 And are not his achayot (sisters) with us? From where, therefore, came to this one all these things?

57 And they were taking offense at Rebbe, Melech HaMoshiach. But Rebbe, Melech HaMoshiach said to them, A Navi (prophet) is not without honor except in his hometown and in his bais.

58 And Rebbe, Melech HaMoshiach did not accomplish in that place many moftim, because of their lack of emunah (faith) and bitachon (trust).